Chapter 28

49 1 0
                                    






"Hi Janette! So kamusta ang party kagabi? Naenjoy mo ba? I'm sorry ha hindi kita nilapitan kasi I'm busy talaga to entertain other guests. " sabi ng impaktang nasa harapan ko. Kaka-enter ko lang ng gate sa school tapos sya agad ang nakabungad sa harap ko. Ayan tuloy, Sira na ang araw ko.




Ngumiti nalang ako ng peke sa kanya, "Ahh oo, naenjoy ko ang party. Sobra.. " hah! Naenjoy ko nga talaga ang pesteng party mo lalo na yung confession na ginawa mo Kay William.





"Pasinsya rin ha, hindi na ko nakapaggreet sayo, belated happy birthday nalang ha." Nagkatinginan lang kaming dalawa. Actually, panay ang ngitian namin at halata namang peke ang mga yun. Ano nagtatago ka? Sa maamo mong mukha, malalaman padin ang tunay mong kulay Shella. Alam kong naiinggit ka sa akin kasi mas close kami ni William kumpara sa inyo ngayon. Haha.





"Thanks, then see you around. " nag-ayos sya ng handbag nya at nauna ng umalis. Sosyalista din pala ang babaeng yun.Nakaheels na pumasok ng school tapos nakafull makeup pa. Plano nya bang iseduce si William? Well, parang papalya sya doon. Alam kong di bibigay ang shokoy na yun nuh. Subukan nya lang maseduce, makakatikim sya sa akin!





Nagpunta na ako sa classroom. Hindi pa naman nagsisimula kaya lumabas muna ako para icall si Shein. Naalala nyo pa ba sya? Sya yung pinsan ng lokaloka kong kaibigan na tumulong sa akin maghanap ng outfit na sailormoon. Di ko aakalain na hindi ko naman pala masusuot ang damit na yun. Hay nako sayang effort talaga. Tsk!




"Hello Shein? Free ka ba sa tanghali? Ahh oo isasauli ko na ang damit... Ok this time talaga on time na ako. Oo promise! Sige ii-end ko na to bye. "




Inibulsa ko na agad ang phone ko at papasok na sana sa room nang bigla akong matisod dahilan para madapa ako sa sahig. "BWESIT! SINO YUN?!"





Nakarinig naman agad ako ng halakhak sa likuran. Aba pucha! At sino naman ang magbabalak na pagtripan ako ha?!





"Gusto mo bang mamata--" natigilan ako nang makita ang isang taong di ko inaasahang makita sa buong buhay ko. I don't know pero bakit pag naalala ko sya nagagalit ako. Nakamove on naman ako pero bakit naging ganito ako ngayon? Na-oawkward ba ako?






"Ahh.. Sorry. " sabi nya at itinayo ako. Hindi kaagad ako makapagsalita dahil na rin sa fact na ngayon lang uli kami nagkita. Sa katunayan, hindi kami nagbreakup ng pormal.





Nagpagpag ako at hindi ako tumingin sa kanya. Nauurong din ang dila ko kaya tumango nalang ako at sinilip lang sya saglit saka na ako umalis at pumasok. Nang pumasok na ko sa loob. Napabuga ako ng hangin. Feeling ko hindi ako huminga kanina kaya ganito nalang ang paghinga ko ngayon. Yung mahabaang inhale at exhale. Yung tipong naaasthma ka dahil sa nakita mo. Ganern.





Teka, bakit pala sya nandito sa school? Anong kailangan nya? Hindi naman sya istudyante eh. Tsaka nagtatrabaho nadin ang fiancé nya. Bakit nga ba? "Kamusta? "




"Ay Kabayo! Ano ba! Para kang Kabute dyan! " kainis naman oh. Nagulat talaga ako sa pag-ulpot ng babaeng to.






Nagpeace-sign lang ang bruha at sinundan ako sa inuupuan ko. "Ano nangyari sa party? May pic ka ba na suot mo yung outfit? " tanong ni Maria nang maupo na ko sa assigned seat ko.




Tinignan ko lang sya at tumingin na sa harap. "Wala. Walang maganda sa party na yun. Nasayang lang ang pamasahe ko. " sabi ko habang nag-aantay sa Prof. Na pumasok sa room.






Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon