Special Chapter 1

65 0 0
                                    

 One Year later...




( JOSEPHINE'S POV: )

Nagtatatakbo ako makapunta lang sa bahay dala ang mga ipinabili sakin ni ate na mga balloons. Ang init-init pa naman ng panahon tapos tagaktak ang pawis ko. Wala akong masilungan na mga puno man lang. Jusko ang haggard ko na :/ "AAAAAAAAAAH!! " Biglang may nagblock sa daan kaya nagkasalubong kami. Sa sobrang pagmamadali ko Hindi na ko nakapagtigil. Napasigaw din sya nong magkasalubong kami at sa kamalas-malasan nga naman, lalaki pa ang bumangga sakin. Edi wow.



Pareho kaming natumba at yung box na naglalaman ng mga balloons, naihagis ko nalang sa ere sa sobrang gulat. "Halaaaa! Nako sorry! Sorry p--" Napatigil ako sa pagsasalita nang marealize ko ang taong bumangga sakin. Tama nga ako, lalaki nga sya pero bakit ang gwapo? *0* Nakasuot sya ng kulay itim na cap at yung design ng cap ay yung tatak ng baymax. Naka-rippedjeans pa sya at dark blue na tribal ang suot nyang damit. Napapatitig ako sa kanya nang tumayo sya at magpagpag ng pants nya. Sa isipan ko parang may lovesong na bigla-bigla nalang tumogtog habang nakatingin ako sa kanya, yung mga balloons na nahagis ko, bumalik sa akin na parang mga patak ng ulan sa sobrang dami at sa ganung pagkakataon, napangiti ako dahil pakiramdam ko, nakita ko na ang taong papalit Kay William sa puso ko. Sya na kaya ang destiny ko? Ikaw na yan diba?? Diba??? Ikaw na ba si Mr. Right ~~charoooot.



"Okay ka lang? " natauhan kaagad ako matapos marinig ang maganda nyang boses, Kyaaah!! Kinausap nya ko? How to breath? >___<



Natagalan pa ko sumagot dahil sa kahihiyan. "A-ahh.. O-okay lang.. " nakatingala lang ako sa kanya at di kumikisap na tumingin. Ang gwapo nya kasi talaga. Para syang Model sa kaputian nya tapos bumagay pa yung suot nya.. KYAAAAAAH!! KALMA JOSEPHINE! KALMAAAA!



"Here, grab my hand. " sabi nya bigla at inilahad ang kamay sa akin. Nong una, tulala lang ako habang naglalahad sya pero dahil sa natawa sya ng konti kaya ikinuha ko nalang talaga ang kamay nya. KYAAAAAH! Hindi ako makapaniwalang nahawakan ko sya EMEGED! >_____< Pwede na kong Tumalon sa tulay pagkatapos nito~~



"I'm sorry. Hindi ako agad tumagilid. Mukha ka pa namang nagmamadali. " Sabi nya at nalungkot pa. Hehe Sa totoo lang ayos lang naman Fafa. Wala yun fafa, Charot XD



Ngumiti ako saka nagresponse sa kanya, napa-ayos pa ko ng buhok at inilagay ang ilang strand sa tenga. Pacute mode is on, Char XD "Okay lang. Hehe" parang muntanga kong sabi.



Napakamot nalang sya habang tipid na ngumiti, "ahh.. Umm tulungan nalang kita sa pagpulot nito. " agad nyang kinuha ang mga lobo na nakakalat sa daan. Matapos kong makita ang ginawa nya ay ikinuha ko kaagad ang box saka Tinulungan syang magpulot.



"Hindi mo naman kailangan gawin yan. Hindi naman kasi sadya yung nangyari." Paliwanag ko naman sa kanya habang inililigpit na ang mga balloons at isinara na ang box para di na uli sila maglabasan.



"Okay lang haha,nagmamadali ka kasi eh kaya tumulong na ako saka wala naman kasi akong magawa ngayon." Sabi nya naman. Napatango nalang ako pero sa kaloob-looban ko, talagang Napakasaya ko, may gentleman ba naman kasing tumulong At Gwapo pa *Q* Akin ka nalang kaya Kuya? Charot lang XD



"Oh sige, Lumakad ka na uli miss. Baka kailangan na yang mga lobo. Sorry ulit ha"



"Ahh..sandali--" Bigla nalang agad syang umalis. Ay ang sad naman. Umalis kaagad ang Mr. Right ko?



Napaisip ako sandali, tatagalan ko nalang muna ang paghawak nito sa box. Ipapalusot ko nalang na natagalan ako sa pagkuha ng mga ito sa isang store. Dahil susundan ko ang Mr. Right ko kong saan sya pupunta. >:)


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon