Chapter 6

96 7 12
                                    

Hi Chingus! Sana may makabasa huhu :'(
I'm hoping kahit konti lang..
BTW, characters are in the media.. Thank you Swaeg!

------------








"Mr. Bartender, anong oras na ?" Mukhang nagabi na kasi ako.

"Whoaa, bagay pala sayo ang damit eh." Komento nya pa. Jusko, kong makatitig si kuya parang ngayon lang sya nakakita ng babaeng nasuot nito.

"Ahh. Salamat pala rito. " sabi ko.

"Nga pala nakalimutan kong itanong to sayo, anung pangalan mo? " sabi nya at lumapit sa akin.

"Ahh janette. Janette ang name ko. Ikaw? "

"I'm Tristan. Nice meeting you pala. " naglahad sya ng kamay sa harap ko. Nong una di ko nagets kong bakit pero tinanggap ko nadin at nakipag-shakehands ..

Maya-maya, nabigla ako sa paghatak nya sa kamay ko kaya napalapit ako sa kanya. Yung tipong nagdikit na yung mga ilong namin.

Bigla akong kinabahan sa posisyon na toh. Bakit kaya nya ginawa yun? Hahalikan nya ba ako? Waaaaaaaaah!!!

Nakita kong ngumisi sya at inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko.
"Hindi ko akalain na mas maganda ka sa malapitan. " pagkatapos nyang sabihin iyon, kinagat nya ang tenga ko. Itinulak ko sya agad at hinawakan ang tenga ko. Jusko! Nagtindigan ang mga balahibo ko sa ginagawa nya. Parang minamanyak ako ng lokong to eh.

"At Anu sa tingin mo ang ginagawa mo?! " sigaw ko sa kanya. Bahagya syang nagulat sa pagtaas ko ng boses pero ngumisi sya sa huli.

"Nagbibiro lang ako. Sineryoso mo naman agad. Wag kang mag-alala, hindi kita type. Pero maganda ka. " sabi nya.
Ene be nemen yen.. Nagsabi na nga ng totoo may karugtong pa na complement >_<

"Ewan ko sayo! " sabi ko at tumakbo papuntang cr. Anu ba yan!! Naiilang na talaga ako!

Habang papasok ng comfort room, may kamay na humawak sa braso ko.. Natigilan ako bigla. Nakaramdam ako ng pangunguryente .parang dumaloy iyon sa buong katawan ko. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko.
Si Arron ba to? Sa kanya ko lang kasi naramdaman ang bagay na yun. Yun yung unang naramdaman ko nong hawakan nya ang kamay ko noon. Doon ko rin narealized na mahal ko na pala sya. Na sobra pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya.

"Arron? " nilingon ko ang taong humawak sa braso ko. Not knowing na matutumba na pala ako dahil mali ang pagtalikod ko.
Hinihintay ko nalang sana ang paglaglag ko sa sahig pero sa mga braso niya ako nalaglag. Pagkatingin ko sa taong sumalo sa akin, nakita ko ang mukha ng taong kinaiinisan ko, nakita ko ang pagmumukha ni William.

"W-william? " itinayo na nya ako. At napa-ayos naman ako sa suot ko.

Hindi sya umiimik kaya sinilip ko sya ng panandalian, ang seryoso ng tingin nya sakin, parang gusto akong kainin eh. Napayuko nalang ako at gumiwang ng konti.

"Uwi na tayo. "Yun lang nasabi nya at umalis na. Napa-angat naman kaagad ako at sinundan sya.
Ba't parang bad mood yun? May umaway ba sa shokoy na yun?? Nakakapagtaka, akala ko umuwi na yun? Andun lang pala sya hindi ko lang nakita. Medyo amoy Alak na sya pero hindi naman sya lasing. Sanay na sanay na siguro, psh!

Nasa labas na kami at kasalukuyang naglalakad sa gilid ng daan. Napapatakbo ako ng konti, kasi ang bilis nyang maglakad. Hating gabi na siguro kaya kaunti nalang ng mga Tao sa daan.
Bigla syang tumigil kaya napatigil din ako sa likod nya.
Anung problema nito? O_o

Nilingon nya ko at tinignan. Naconcious naman agad ako. Actually nilalamig na nga ako eh. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa iba. Kunwari di ko napansing nakatingin sya. Para di awkward ang atmosphere.

"Asan yung damit mo kanina? " bigla nyang sabi. Nagulat nga ako dun eh kaya automatic na napatingin ako sa kanya. Doon ko narealize na nakalimutan ko ang damit ko sa cr. Napa-facepalm nalang ako dahil dun...




TO BE CONTINUED..

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon