Special Chapter 4

61 3 0
                                    



Biglang may kumatok sa gate ng bahay namin. Inutusan tuloy ako ni mama na tignan kong sino. Lumakad ako palabas at nang ipagbuksan ko na ito ay nagulat ako dahil haggard na haggard pa talaga sya at mukhang hinihingal pa.




"William? " napayuko sya at napapunas pa ng pawis. Nagmarathon ba to papuntang bahay? Wow naman.





"S-si Janette nasa kwarto ba nya? " Tanong naman nya matapos makamoveon sa ginawa nya. Napatango nalang ako at iginaya sya papasok.




Mukhang nag-aalala sya masyado. Malamang, napano ba naman ang girlfriend nya. Sino naman kayang loko-lokong jowa ang hindi mag-aalala diba?




"Hello tita, bibisitahin ko lang sana si Janette. " bati ni William nang makita si mama na nagliligpit ng hapagkainan.




"Oh, andito ka pala. Sige, puntahan mo sya nasa kwarto lang sya nagpapahinga. Sabi ni Josephine masama ang pakiramdam nya. Pakitignan nadin kong okay na sya ahh. " nagulat ako matapos sabihin iyon ni mama. Jusko naman, palusot ko lang yun ehh. Yan tuloy mas lalong nag-alala si William.




Sinundan ko sya habang paakyat sa hagdan. Ang bilis nga ni William ehh. Kong umapak ba naman sa hagdan tig-dadalawang hakbang na ang nagagawa. Samantalang ako, hindi magawang umapak ng dalawang hakbang. Edi sya na mahaba legs.




"Janette!" Matapos nyang buksan ang pinto ng kwarto ni ate ay yan agad ang bungad nya. Para syang nakakita ng multo .. Naintriga naman tuloy ako kaya pasimple akong sumilip sa pinto.




Nakita kong niyakap nya ng todo si ate Janette. Mukha namang tuwang-tuwa si ate sa kabila ng sugatan nyang mukha. Sugat, Iyon siguro ang ikinagulat ni William nang pumasok sya.





"William, okay na ko. " sabi ni ate kaya kumawala sila sa yakap.




Umupo si William sa kama katabi si ate at maiging tinignan ang mukha ni ate. Nong hawakan nito ang braso ay napa-aray si Ate Janette.




Kaya dahan-dahang itinupi ni William ang long sleeve at nakita ang umiitim-itim na mga pasa sa braso ni ate. "Hindi na to tama. Kailangan kong makausap ngayon si Shella.. Babalik uli ako para igamot natin ang sugat mo pero kayo na muna ni Josephine ang gumawa nyan hangga't wala pa ko. Bibili--" natigilan si William nang ilagay ni Ate ang kamay nya sa pisngi ni William. Napatahimik ito at ikinuha ang kamay ni ate saka hinalikan.




Ano ba yan, may Display of affection pa talagang nagaganap. Tsk! It makes me bitter kaya. Sarap tuloy umalis pero wag muna..





"Dito ka lang muna William. Minsan na nga lang kita makikita sa school, pati dito limited lang ang oras na makasama kita? Hayaan mo na si Shella. Kakausapin natin sya pag gumaling na tong sugat ko. " Sabi naman ni ate at hinawakan ang kamay ni William. Ni-intertwine pa nila at paminsan-minsang hinahalikan ni William ang kamay ni ate. Aigoo! Ano ba naman yan oh! Nakaka--okay.. Tatahimik na. 




"Oh sige, if that would makes you happy.. Pero nagamot mo na ba ang mga pasa mo? " tanong ni William nang tignan si ate Janette.




"Oo, nagamot na namin kanina. Magiging okay din to bukas. " napasandal sya sa dibdib ni William at nong mga oras na yun ay Hinalikan ni William ang ulo nya saka na ang noo nya.



Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon