Chapter 20

55 2 0
                                    





"Mahal ko si William. "





"Mahal ko si William. "





"Mahal ko si william. "






"Mahal ko si william. "





Napabalikwas ako ng higa at napaupo nalang ng padabog sa malambot kong kama.

Habang tulala akong pinagmamasdan ang dingding ay naiimagine ko padin ang mukha ni shella na nakangiting binibigkas ang salitang yun.
"Aaaaaaah!!! " nasigaw ko nalang out of frustration. Bakit ganun? Dapat inexpect ko na ang bagay na yun pero pagkatapos nyang sabihin iyon, pakiramdam ko parang malaking bomba ang sinabi nya at ganito ang naging epekto sakin. Yung parang nasabugan ako ng husto kaya di ako makamoveon.





Pakiramdam ko kasi.. Seryoso na ang lagay kong to. Na malaking problema na ang ikinakaharap ko. Isipin mo ba naman ang karibal mo na may feelings Kay william. Nakilala na nya noon pa at mukhang close pa sila. Oo nga pala, sinabi ng shella na yun na bff sila nong elementary. So kong ganun hindi malayong maging best friend uli sila hanggang sa maging intimate na ang closure nila at iisnobin na ko ni william T_T



Ay gaga! Anu pinagsasabi ko?? Mga iniisip kong to oh! Lumilipad na hanggang Mars.
"Hindi pwede. Ang motto ko nga ay hangga't single pa si william, may pag-asa. Hindi naman sila kaya may pag-asa ako. Meron pang pag-asa! " pagchicheer ko sa sarili ko sabay taas ng kamay sa ere.
Ilang sandali lang ay dinalaw na ako ng antok. Napahikab nalang uli ako at natulog na.



"Waaaaaa" napahikab ako at nag-unat. Nakikita ko nadin ang liwanag sa labas ng bintana. Ibig sabihin umaga na.




"Good morning! " bati sakin ni mama nang pumunta ako sa kusina para magkape. Ewan ko ba, naadik na ko sa pag-inom ng kape. Gustong-gusto ko yung kape na may cream o hinahaluan ng gatas. Masarap kasi.





"Morning din ma. " naaantok ko pang sabi Kay mama.
Maya-maya, lumabas nadin si Josephine sa kwarto nya habang napapakamot pa ng mata. Habang tinitignan ko sya, para syang timang na naglalakad sa direksyon namin. Hindi man lang nya tinignan ang dinadaanan nya kaya nababangga nya ang mga cute na banga(jar) sa gilid.
Bigla nalang kaming nakarinig ng pagbasag at napasigaw naman si mama.





"Josephine!!!! " nanggigigil na sigaw ni mama sa kapatid ko dahil nabasag nya ang crystal flower vase sa sala.




Napatawa nalang ako sa mga nakita. Mas Tanga pala tong si josephine kaysa sakin. Mukha nga rin syang inosente na hindi Alam ang ginawa nya.
"Mianhe. " sabi nito Kay mama.
Eh? Ano daw? Ano yung sinabi?? Milanhe? Miyane? Myanhi? Ay ewan, minsan nagiging alien na ang isang yan. Ewan ko nalang kong anung lengwahe yun.




"Ikaw talagang bata ka! Hala, iligpit mo yan! " sabi ni mama sa kanya at binigyan sya ng walis at dustpan.
Sinunod naman ni Josephine ito at napakamot nalang ng ulo.





"Ma, ano breakfast natin? " tanong ko Kay mama habang nakahawak sa tasa na nilagyan ng kape.




Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon