Chapter 11

69 4 0
                                    






Weekends na at busy akong naglalaba ng mga damit ko. Pati tong mga damit ni Josephine. Kainis nga eh. Sa akin pa pinalaba, tamad talaga. Naging masipag lang yan sa kaka-stalk Kay William :/

Hmm.. I wonder kong masaya ang pang-iistalk sa taong gusto mo. Kasi never kong inistalk ang mga lalaking gusto ko noon. Automatic nalang kasi na nagpapahalata akong gusto ko sila at sa isang iglap ay tatapat na ko ng feelings ko para sa kanila.
Oh diba, yan ang mga Gawain ko noon. Kong iisipin ko napaka-ewan ng ginawa ko. Basta-basta lang nagdesisyon, di na inisip ang magiging resulta :(
..kaya ako nasasaktan ng husto dahil nadin sa katangahan ko.


Hayss.. Hindi ko Alam ang gagawin sa nararamdaman kong to Kay William. Sa totoo lang, atat na atat na akong makita sya. Parang namiss ko kasi agad eh XD


"Ate! May nakita akong dress dito oh. Iyo ba to. " ipinakita nya yung violet dress na ipinahiram ni Tristan sakin sa bar.
Hinablot ko naman agad at napatingin sa paligid. Baka kasi andyan lang sa kong saang sulok si mama at tatanungin pa ko kong kanino galing ang damit na to.


"Hoy ate, kelan ka lang bumili ng dress na to ha? Hindi ko Alam na mahilig karin pala sa mga kikay na dress. Nakakainis ka ate ah, hindi mo man lang ako isinama para bumili din. " nagpout ang bruha at sinusubukang kunin ang dress.


"Fyi, hindi to akin. Hiniram ko lang to sa---" bigla nya naman akong siningitan -.-


"Kanino??? Sa kaibigan mong girl? Sino sya? Pakilala mo naman ako ate ng maging friend ko rin tapos pagfriend ko na sya, papahiramin nya nadin ako ng mga dress nya. Tapos blah blah blah.. " wala na kong naintindihan sa mga sinabi nya. Habang nag-eenjoy syang dumaldal ay umalis na ko ng di nya pinapansin. Juskong batang yun. Papatayin yata ako sa kadadaldal nya. .


Napatingin ako sa dress. Nalabhan ko na pala toh. Isasauli ko nalang Kay Tristan.
Nagbihis ako't lahat-lahat at bumaba na ng kwarto. Naghanap din ako ng paper bag at inilagay doon ang damit.

"Ma, alis muna ako ah. Balik lang agad ako. " bigla naman akong tinignan ni mama.

"San punta mo? Siguradohin mong babalik ka ng di nagagabi ha. " paalala nya.

Nag-nod ako at nagsalita
"Pupuntahan ko lang kaibigan ko, may isasauli kasi ako. "


"Nga pala Nak. May good news ako sayo~~" ang tamis naman ng ngiti ni mama. I wonder kong ano yung good news na iyon?


"Anu po yun? "


"Si Kuya mo uuwi na sa lunes :D "
0_0

"Waaaaaaah!! Totoo ba yan ma?? " nagnod si mama at bakas sa mukha nyang excited na uli syang makita si Kuya Mark.
Nasa abroad kasi si kuya. Isa syang engineer at doon nya naisipang magtrabaho. Halos tatlong taon nadin sya doon kaya minsan nakakamiss din sya.


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon