Chapter 22

45 1 0
                                    




"Simula ngayon, magkasama na tayong umuwi paghapon. " hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi nyang yun. Pakiramdam ko, nagiging baliw na ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti habang nakaupo lang sa backseat ng kotse nya.
Kanina pa kaming walang kibo. Hindi ko nga namalayan na nakapasok na ko sa kotse nya dahil lutang ako ng mga sandaling yun



Pasimple ko syang tinignan sa salamin na nasa harap ng kotse nya at napaiwas nang magtama ang mata namin.
Napaubo tuloy ako ng mahina dahil pakiramdam ko napaka embarrassing nang ginawa ko. >_<




Sa ikalawang beses ay nagtangka akong silipin sya at mukhang di nya ko nahuli dahil nakatuon ang atensyon nya sa daan. Nagmamaneho kasi sya.
"Hoy hipon, tama na kakatitig sa akin. Nagiging uneasy tuloy ako dito tsaka bakit ba dyan ka nakaupo? Nagmumukha akong driver mo eh! " reklamo nya sakin kahit di ako lingonin.





Napangiwi naman ako sa sinabi nya.
"Nagrereklamo ka pa dyan, eh ikaw tong may ganang ihatid ako sa bahay. " gusto ko pa sanang dugtungan ang sinabi ko na bakit ba nya nasabi na magiging magkasama na kami tuwing hapon dahil napapaisip tuloy ako ng mga bagaybagay na parang walang katotohanan.
Naks, ang lalim nun ah.




"Nga pala. " panimula ko.Gusto ko kasi talagang malaman ang sinabi nyang yun. Gusto ko malaman ang rason nya.


"Oh? " sabi nya at tinignan ako panandalian.
Hoo ayan na Janette.. Sabihin mo na..



"Uhhhh.. Ano.. Uhmm.. " anu ba yan!! Bakit parang umuurong ang dila ko? :/



"Ano? " napakunot nalang ang noo nya sa walang kwenta kong sinabi.




"Ah wala, magmaneho ka nalang. "Yun nalang ang napagdesisyonan kong sabihin. Napag-isip-isip ko kasi na baka kong ano ang isipin nya sa tanong ko. Na baka, nag-aassume ako ng something, nagprepredict ng ganyan, ganito, na baka inakala nya na naiisip kong may concern sya sa akin at maglelead sa kong anu pa yan na sa totoo lang, yun naman talaga ang naiisip ko. Na baka may pag-asang hindi ko lang napapansin. I hope so.




"Lumabas ka na. Ayan na bahay mo oh" sabi nya bigla nang ihinto ang kotse. Tumingin ako sa gilid at nakita ang maganda kong bahay.





"Salamat. " lumabas na ko na medyo wala sa mood at itinapak ko na ang paa ko sa semento. Mukhang wala siguro sa mga naiisip ko ang magiging totoo. Hayys.. Kelan kaya ako gagawa ng kilos para mapansin nya naman ang feelings kong to?
"Sandali. "
Bahagya akong tumigil at nilingon si William. Nasa labas nadin sya at nakapamulsahan.





"Uhh ano...uhmm si Shella sa makalawa na yung birthday nya. Gusto nya sanang umattend ka. "
Napapakamot pa ito ng batok.




"Oo Alam ko. Binigyan nya ko ng invitation letter kanina. " paliwanag ko naman sa kanya. Napabuga sya ng hangin at nilagay ang kamay sa bulsa.





Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon