Umidlip lang ako at nang makarinig ako ng tunog ay nagigising ako. Tinignan ko ang alarm clock ko sa gilid, mga 1pm na pala. Hindi ako nakapaglunch dahil nakatulog ako. Hindi din ako umalis ng kwarto dahil nadin sa masama ang pakiramdam ko. Oh what a life.
May biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko, "Josephine, Papasok muna ako dyan. " Si ate na nasa labas ng pintuan.
"Sige. "
Pumasok sya dala ang isang malapad na tray. Nakapatong doon ang isang basong tubig at Pagkain. May gamot ding nasa gilid. "Masama padin ba ang pakiramdam mo? " tanong nya sakin nang ilagay ang hawak nya sa malapit na table.
"Oo eh. Nanghihina padin ako." Inilalayan nya akong umupo sa kama at inilapit sa akin ang tray.
"Kumain ka. Pagkatapos nyan inumin mo ang gamot mo. Hmm.. Hindi ko talaga malaman kong bakit ka nagkasakit ngayon, parang kahapon lang ang hyper-hyper mo ehh. " napangiti ako ng tipid sa sinabi nya. Loko.
"Baka nga dahil dun. " sabi ko at ngumisi naman sya.
"Dapat gumaling ka ngayon, para naman makita mo yung ginawa namin ni mama sa bahay. As in bonggang-bongga yung surprise party namin. " Tuwang-tuwa sya habang sinasabi iyon.
"Mukha nga ehh, natagalan ka nga ng balik sa kwarto dahil dun. Si William lang kasi ang mahal mo.." Bigla syang natigilan sa sinabi ko at napatawa. Anong nakakatawa dun?
"HAHAHAHA!! nagseselos ka nuh?? Ano ka ba! Mahal din naman kita. Hindi lang si William ang mahal ko, lahat kayo mahal ko. Si mama, si kuya Mark, at si papa. Ano ba pinag-iisip mo? Kaloka ka naman." Paliwanag ni ate at hinampas pa ko balikat.
"Leche, kailangan talagang mangampas?" Sakit kaya :/ Nag-peacesign lang sya at nagpaalam uli na umalis. Bibisitahin nya daw kasi ang lola ni William. Aanyayahan sa bahay.
Speaking of lola, nakita ko sya nong nakaraang araw sa department store Kasama ang bruhildang si Shella. I dunno kong ano ang pinag-usapan nila pero mukhang iniisnob lang sya ni lola. Nagmamakaawa na naman siguro iyon..tsk! Tsk!
Naalala ko tuloy yung araw na nag-away si ate at ang babaeng yun. Hindi ko talaga lubos maisip na mag-eeskandalo sila sa gitna ng maraming Tao at sa school pa nila mismo ginawa iyon. Grabe lang talaga..
-FLASHBACK-
Naglalakad ako papuntang school nang tawagin uli ako ni mama nang mga ikatlong beses na yata. Naiirita na nga ako eh kasi kanina pa yan si mama. Kapag lalabas ako ng bahay at magpapaalam na aalis na, pinipigilan ako dahil may mga pahabilin. Tapos ito na naman ngayon?
Nilingon ko sya at napakunot talaga ako ng noo, "Ma ano na naman??"
"Mukhang naiwan ni Janette ang wallet nya. Tutal, maaga ka namang papasok, pede bang Ibigay mo muna ito sa kanya bago ka pumasok sa school mo?" Haaaa? Geez.. Napakamot nalang ako ng ulo at napilitang kunin ang wallet ni ate.
Talaga naman oh, abnormal talaga ang isang yun. Aalis na di dala ang wallet? Paano pala nakapunta ng University yun ngayon kong ganun? Ano nilipad nya? O baka naman Ipinagdrive na naman sya ng Boyfriend nya? Wew edi sila na.
Wala akong choice kundi puntahan ang school ni ate at ibigay ito sa kanya. Minsan naaattempt akong halungkatin ang pitaka nya. Malaki kasi ehh. Baka madaming precious money ang nakapaloob :D
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018