Meet the Ex of Janette, Aaron~~
Yung model nya ay yung antagonist sa Scarlet Heart: Ryeo, speaking of that, Ayoko talaga ang ending ng Scarlet heart D':
-------------------(JANETTE'S POV)
Nasa bahay na ko. Nakapagbihis na ko't lahat-lahat. Gusto ko sanang umidlip pero kahit anong pikit ko, hindi ko kayang matulog.
Napabangon ako at tinignan ang Wallclock.
"Hayss. Alas dos na ng madaling-araw. Pano na ko makakatulog nito? Bukas kailangan kong magising ng 6 para magsimba. "Napapakamot nalang ako ng ulo. Bakit ba kasi ako sumasama sa shokoy na yun, :/
Wala naman akong napala. Para akong nakipagsapalaran kanina. Nagawa kong pumasok sa bar, uminom ng alak, magsuot ng medyo Bulgar na damit, maglakad ng mag-isa at mapagtripan ng mga manyak. Hay nako!! Kasalanan nya talaga ito! Kong Hindi nya ko niyaya, walang ganung mangyayari >:("...Edi Girlfriend ko"
Naalala ko na naman ang sinabi nyang yun. Dalawang beses na nyang sinabi na maggf-bf kami. Yung una ay kila Arron.
Nagtataka lang ako, bakit ba nya sinasabi na boyfriend ko sya? Eh sa pagkakaalam ko marami namang babae yan eh. Sinabi sakin ni Josephine, stalker na kasi ang bruhang yun. Nong sinabi nya na maraming babae si William, napapahikbi agad sya kala mo naman girlfriend ni William na pinagtaksilan.
Oh well, tama nga naman si Josephine. Pagkatapos kong makita ang kissing scene nila ng isang girl sa bar, napapaniwala na ako sa sinabi ni Josephine.Pero bakit ganun? Ang weird ko lang. Ilang beses na akong nakaramdam ng weird feelings na yun. Kong hahawak sya sa kamay ko, nakakaramdam ako ng pangunguryente tapos nong sinabi nyang gf nya daw ako, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!! Nababaliw na ko! Anu ba nangyayari sa akin!? <(>_<)>
Kong sinasabi nyong napapraning lang ako, nako Hindi ah! Hindi naman ako nagkakape eh.
At kong sinasabi nyong naiinlove na ko sa shokoy na yun, hay nako! Ewan ko lang! >_<"Nak!" *Tok tok tok* "anong nangyayari sayo?" Biglang salita ni mama sa labas ng kwarto ko. Hala! Baka nalamang di pa ko natutulog.
"Wala naman ma," sabi ko nalang.
"Ahh kala ko nananaginip ka, nagdadabog ka kasi." Eh? Ganern? Umaapaw na pala ang emosyon ko. Nagagawa kong magdabog.
"Ahh pasinsya na ma. Malamok kasi eh" sabi ko sabay hampas sa braso.kunwari pumapatay ng mosquito.
"Ahh sige nak. Goodnight."
"Goodnight." Nahiga nalang uli ako at napatalukbong ng kumot. Ang weird ko na talaga T.T
-----
Kinabukasan ay nagsimba kami. Buti nalang at kinaya kong bumangon. Bale 3 hours lang tulog ko. Tsk!
Natapos ang mass at nagpunta muna kami sa bakery para bumili ng pandesal. Yung mainit at isasawsaw ni mama sa kape nya. Sa amin naman ni Josephine ay gatas.
Napansin kong tinititigan ako ni josephine kaya tinignan ko din sya ng kunot-noo.
"Anong problema mo? ""Ahh wala naman ate, pero matanong lang. Ba't ang itim ng nasa ilalim ng mata mo? Umiyak ka ba?" Huh?? Kinapa ko naman ang mata ko sa ilalim. Aray ko! Ba't namamaga to?? Hala hindi naman ako umiyak kagabi ah.at sino naman ang iiyakan ko? Tss.
"Sandali lang ah.." Sabi ko kila mama at pumunta ng cr. May malaking salamin sa cr kaya doon ko tinignan ang eyebags na to.
"Hala napano to?? Nako naman napano ba to kagabi?? Ang itim nga! Huhu sana mawala na to bukas kundi pagtitripan ako ng shokoy na yun T_T "
"Janette ano nangyari dyan?" Biglang sulpot ni mama. Tinakpan ko naman kaagad ang ilalim ng mata ko at umiwas sa kanya.
"Haha wala to ma. Anu uhh.. Nakagat yata ng lamok, ay! Ipis pala hehe. Gagamutin ko nalang sa kwarto " sabi ko at tumakbo pa kwarto.
"Pero Nak! May ointment ka ba dun? " pahabol pa ni mama. Di ko sya pinansin at pumasok na.
Hooh! Nakakahiya naman.. Umiwas ako kila mama, baka kasi magtanong kong bakit ginabi na ko ng uwi. Phew buti naman at di pa sila nagtanong. Wala pa kasi akong naiisip na palusot.
Tumingin uli ako sa salamin. Waaaah!! Ang panget-panget ko na T___T halata talagang maitim sa ilalim. Waah! Pano na yan! Magagandahan pa kaya si William sakin kong ganito itsura ko??
Eh? O_O Takteeeeeeeeeeee!!!! Ba't ko biglang naisip yun?!!!!! Anu ba nangyayari sayo Janette??! Nakakahiya ka! >___<
Hoooo, kakalimutan ko ang iniisip kong yun! Hay nako! Mababaliw ako nito eh.
Naghanap nalang ako ng ointment at nilagay sa umiitim kong eyebags. Naglagay nadin ako ng icepack para mawala ang pamamaga. Grabe parang nagkablack-eye naman ako sa sitwasyon kong to. Yun nga lang di ko alam sanhi nito.
-----
Pasukan na naman at kasalukuyang inihahatid ko papuntang school nila si Josephine. Grabe ang daldal nga nya eh. At Alam mo ba kong sino ang laging topic? Sino pa ba, edi si Shokoy -.-
Wala na, nilamon na ni william ang sistema ni Josephine.Ako na nga itong napapagod na makinig sa kanya eh. Hay nako. Bakit kasi si William nalang ang laging bukambibig ng bruhang toh. Nakakaselos tuloy *pout*
O______O
Hanudaw?!!! Ay Enebe be!!! Nakakainis na ah!!!! Raaaaaawr!! Sarap kong ipakain sa pating! Anu ba tong naiisip ko!? Shut up na nga lang ako. Huhuhu! Anu ba!! Pangalawang beses na ah T_____T"Good morning! " bigla-bigla nalang na may umakbay sa akin. Nagulat naman kaagad ako. Pagtingin ko nandyan ang taong shokoy sa gilid ko. Ngiting-ngiti pa ang loko.
Dug dug, dug dug, dug dug..!
Ayan na naman T____T
Nakakaramdam na naman ako ng kawerduhan huhu tulungan nyo kooo! Anu ba toh??TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018