Chapter 17

53 2 0
                                    






Pagkatapos ng magandang pangyayaring iyon ay balik normal na naman ang buhay ko.
Busy na sa mga projects at gaganaping exam. Hindi na nga ako masyadong naglalabas sa bahay dahil sa dami ng Gawain. At hindi ko narin nakakausap si william. Nakikita kong busy din sya. Since malapit na syang grumaduate.




Habang abala sa pagsasagot ng mga home works, panay naman ang daldal ng isang batang abnormal sa tabi ko. Sa sobrang daldal nya ay nadidistract ako sa ginagawa ko.
nako naman! Ano bang meron sa kanila at nagagawa akong bwesitin ng ganito :/




"Tapos ate, Alam mo ba. Pagkatapos ng exam namin pumunta ako sa university nyo. Bumili ako ng goodies para ibigay Kay William. " Aba, echosera to.Naunahan pa ko.
Kusa pa talagang pumunta sa school para lang makita si William.





Patuloy lang sya sa pagsasalita at hindi ko napansin na nakikinig na ko sa mga sinasabi nya.
"Nakakaloka lang talaga ang nangyari ha..may girl na bumubuntot Kay william. Ewan ko nga ba kong hindi nya iyon nahahalata pero yung babae.. Jusko! Ang Landi teh! Kitang-kita talaga ng dalawang magaganda kong mata na sinadya nya talagang matumba para masalo sya ni William. At hindi nga ako nagkamali. Nasalo nga talaga sya ni william.. Hmp! "
ANOOOOOOO?!!! Nako ang landi nga nya Grrrrr... Buti nalang at hindi ko nakita ang eksenang yun kundi mapapatay ko ang malanding girl na yun >:(






"Pagkatapos anong nangyari??? " tanong ko sa kanya.



"Ayun. Nag-usap sila. Ang saya nga nilang tignan eh. Hindi ko na tuloy naibigay ang mga goodies dahil kinakain na ako ng frustration.. "
Hoo... Kalma lang Janette.. Sinalo lang naman tsaka nag-usap daw. Wag agad magreact okay?




"Pagkatapos nun umalis ka na? " sunod kong tanong Kay Josephine.




"Yup. Naiinis na kasi ako kaya umalis nalang ako. Hmp! Ang malanding babaeng yun. Mas maganda pa nga ako dun eh tapos kong makakapit Kay william parang i-rirape na ang Tao. Higad talaga! Malanding panget grr!! " Ugh! Ayoko nang marinig pa. Pati ako naiinis rin tuloy.




Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Josephine .
Nababahala ako sa mangyayari. Hindi ko naman kasi inisip na may magkakagusto pang iba sa kanya. Pucha naman, ang dami kong karibal T_T
Una si Josephine, pangalawa yung honey, tapos ngayon iba na naman? Oh gosh! Pano pag dumami pa sila? Sa tingin nyo mapapansin pa ko ni william pag ganun?
Hays!! Ewan ko nalang.



Imbis na maistress ako sa exam Kay william pa ko nagkaganito.
Ganito ba talaga kapag patay na patay ka sa isang Tao,?
Parang mamamatay ka nga -.-





Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon