"Ikaw ang pinsan ni Maria? " turo ko sa taong nakaupo sa harap ko.
"Yeah, I'm Shein. Nice meeting you" tumayo sya at naglahad ng kamay sa harap ko. Huwat? Eto talaga ang pinsan ng loka-lokang yun?
Hindi talaga ako makapaniwala. Para kasing ang gwapo nya para maging pinsan lang ni Maria hue hue! XDTinanggap ko naman ang kamay nya. Kahit sa kamay makikita talagang ang kinis. Ang puti-puti pa. Kahiya naman sa balat ko ehh.
"Uhmm.. Kanina ka pa ba dito? " kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Hindi ko akalain na isang gwapong maputi na chinito ang pinahintay ko ng matagal sa waiting shed na to."Umm.. " tumingin sya sa relo nya..
"11:29 akong pumunta dito tapos mga 2 ka na nang dumating. I guess oo. " nakangiti pa talaga ito habang nagsasalita.. O talagang ganyan lang ang mata nya?
Napanganga tuloy ako sa sinabi nya. OhMyGosh! Higit isang oras ko pala sya pinahintay?! O____OBigla namang kumunot ang mukha nya. Wait, parang ang pamilyar?
Tumingin ako sa paligid. Nagbago ang lugar. Nasa isang makitid pero malinis na kwarto ako nakatayo at parang papel na tela lang ang tumatakip sa manipis na pader na mukhang gawa sa kahoy. Tinignan ko ang desenyo ng paligid. Mukhang mamahalin lahat ang gamit. Mga antique ang banga at nakasulat sa hindi ko maintindihang letra o character ang mga nakapaskil na paintings.
"Bakit ngayon ka lang?! " sigaw ng taong nasa harapan ko.
Kinilabutan agad ako sa boses nya. Para iyong malakas na kulog na bigla-bigla nalang dumagundong.Narealize ko ang mukha nang nasa harap ko.
Isang maputing chinito na umaapoy sa galit ang nakita ko. Nakasuot sya ng mamahaling tela at may palamuti ang katawan nya. May headwear din sya sa ulo na nagpatago ng buhok nya."ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA PAGHINTAYIN AKO DITO NG DALAWANG ORAS! SINO KA BA SA AKALA MO?! ISA KA LANG ALIPIN SA PALASYONG TO! " sigaw nya sa akin at nataranta naman agad ang buong sistema ko. Pumatak ang luha ko sa sobrang takot at nanginig ang buong katawan ko.
"Kamahalan, Patawarin nyo po ang isang mangmang na aliping tulad ko! Hindi ko po sinasadya na ipaghintay kayo ng matagal. Gumawa po ako ng kasalanan, hindi ako nararapat pagkaawaan ng isang maharlikang tulad mo. Bagkus nagmamakaawa ako na sana'y pakinggan mo ang dahilan ng lahat ng to"
Nakadapa kong sabi sa kanya. At parang timang na umiiyak doon."Kong ganun, sabihin mo sa akin ang dahilan!" Panandalian akong tumingala para makita ang ekspresyon nya at bumalik uli sa dating pwesto.
"Mahal na prinsipe, inutusan pa po ako ni Young master william na ibili sya ng pagkaing dagat para sa kanyang pananghalian. " yung paborito nyang seafood dahil isa syang shokoy. XD
"Kaya po natagalan ako sa pagdating. Patawarin nyo ako kamahalan. "
Dumapa uli ako hanggang sa manose-to-nose ko na ang sahig"Kong ganun, kasalanan ng young master mo ang lahat ng to, tama ba ako? " natigilan daw ako sa sinabi nya kaya inangat ko ang mukha ko para tignan sya.
"P-po? "
"Malinaw naman na ang naging dahilan ng pagkahuli mo ay ang pag-utos sayo ni William kaya sya ang may malaking kasalanan. " muli akong dumapa at nagmakaawa.
"Kamahalan, walang Alam ang young master dito. Ako nalang po ang parusahan nyo dahil ako ang may mabigat na kasalanan" sabi ko pa sa kanya.
"Kong ganun, inaako mo ang kaparusahang para Kay william? " kahit natatakot ay tumango ako.
"Kahit Alam mong ikamatay mo ito? " napalunok naman ako pero tumango padin ako.
"O sige, sa paglubog ng araw bukas ay ipapabitay kita sa labas ng palasyo. "
Tripleng lunok ang nagawa ko sa sinabi nya. Ohmaygosh! Ito na pala ang huling araw ko? T_T
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018