"Hi! " napapitlag nalang ako nang may umakbay sa akin. Tinignan ko ito at nakita ang babaeng may kapareho kong nararamdaman para Kay William.
Kusang tumaas ang isang kilay ko pero ibinalik ko din ito sa dati dahil ang rude naman ng dating ko sa kanya.
"Hi din. " maikli kong bati.Napangiti naman sya at nagsimulang maghalungkat sa handbag nya. "Buti at nakita kita agad dito, I have something to give you " nakasmile nyang sabi at naglahad ng pink envelop sa akin.
Kahit nag-aalinlangan ay ikinuha ko parin ang envelop na yun.
Tinignan ko sya na nakangiti padin..
"Anu to? ""Open it para malaman mo. "Aniya nya na mukhang excited sa pagkakasabi. Nagtaka naman ako sa papel na hinahawak ko. Bakit kaya nya ako binigyan nito? Mukhang invitation letter ang hawak ko. I wonder kong anu ang nakasulat sa loob.
"Ohh invitation letter nga. "Naisabi ko nalang matapos makita ang letter sa loob.
"Yes! And I'm happy if you'll come in my celebration. It's on Friday na kaya maaga pa kitang inimbitahan para makapagprepare ka ng masusuot mo. No need ng magbigay ng regalo kasi all I wanted for my birthday is a special guests.. "
Speechless naman si ako sa sinabi nya. Kakaiba naman ng gusto nya para sa birthday party nya. Ayaw ng regalo eh kong ako ang nasa kinatatayuan nya, ikatutuwa ko ang sandamakmak na regalo sa harapan ko.
Pero.. Di masink-in sa isipan ko ang sabi nyang mga espesyal na bisita para sa selebrasyon. Kong iniimbitahan nya ako sa birthday party nya, ibig bang sabihin nun.. Espesyal rin akong bisita para sa kanya? Sa ano namang dahilan kong bakit naituri nya akong ganun?".... Medyo kakaiba ang party na to kaya sana hindi ka maging uncomfortable.. Lahat ng guest ay may dapat na damit na naka-assign sa kanila at may naka-assigned din sayong damit na dapat mong suotin on that day. " O.o Ano daw? Medyo nagtaka naman ako sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang kumunot sa harap nya.
"Haha! I hope you'll understand what I mean. Nasa letter na yan ang dapat mong suotin para sa birthday ko. Umaasa akong makakapunta ka. " nakangiti uli nyang saad at umalis na dala ang handbag nya.
Nanatili lang ako sa pwesto habang binabasa ang nakasulat sa letter na bigay ni Shella.
So magtwe-twenty na sya sa makalawa.. Mukhang bongga nga ng selebrasyon eh kasi may ganito pang letter at may pakulo pa sya para sa birthday nya.
6 pm pa yung party at sa fjrjajdjem address ang nakapaloob sa venue.
Medyo napalalim ang hinga ko nang mapunta na sa pinakahuling letra ng papel na to ang mga mata ko.
Ibinasa ko ng paunti-unti ang nakasulat kong ano ang dapat kong suoting damit."Sailormoon outfit.. Ahh okay ito pala.. " O__________O
"ANOO?!!!! SAILORMOON OUTFIT?!! " Pucha! Ba't ito ang susuotin ko? Ano ako magcocosplay????Ugh!! Nagpauto naman ako sa babaeng yun :/
Ano ba yan! Bakit sa dinamidami ng pwede kong suotin yung mukhang kikay na pambata pa ang naka-assigned sakin?? Aba naman to! Grabe ha!
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018