Kabanata 4: Bagong mundo.

1.3K 28 0
                                    


"Para saan, ama? Para sa kayamanan? Para sa katanyagan? O di kaya'y para sa karangyaan na maaari nyong matamo pagkat ang dalawang kaharian ay magiging isa?" Hindi ko nais na magsalita ng ganito ngunit ang kagustuhan kong 'wag makasal ay nangingibabaw talaga sa aking puso.

"Noah!" Gulat na sigaw ng aking ina.

"Walang galang!" Si Ama, na sinampal ako. Napahawak ako sa pisngi ko at nagsimula nanaman akong umiyak.

"Sa tanang buhay ko ay ito ang unang pagkakataon na ako'y pinagbuhatan ninyo ng kamay ng dahil lamang sa prinsipeng iyan?!" Masama kong tinapunan ng tingin ang prinsipeng nananahimik lamang.

"Buo na ang aking pasya, Hya! Kayo ay ikakasal sa lalong madaling panahon, ipahahanda ko na ang punong bulwagan! Bukas na bukas ay ikakasal kayo!"

"Hindi maaari!"

"Wala ka ng magagawa Hya, ito ang iyong kapalaran, tanggapin mo na lamang ito." Tumalikod ako sa aking ama.

"Kung ito ang kapalaran ko ay hindi ko ito matatanggap, ako ang gagawa ng sarili kong kapalaran." Pag-iwan ko ng mga salita at mabilis na lumisan. Tumakbo ako palabas ng palasyo patungo sa kagubatan.

Patuloy lamang ako sa pagtangis at pagtakbo, kay sakit sa pakiramdam na hindi man lang naisip ng mga magulang ko ang aking nararamdaman.

Napagbuhatan pa ako ng kamay na syang lubhang nagpabigat sa aking kalooban, tila nais ko na lamang na maglaho o mamatay.

Nais kong maupo kaya't hahawak sana ko sa isa sa pinakamalaking puno dito ngunit ng nailapat ko ang aking kamay ay napasigaw ako.

"Aahhh!!" Tumagos ako sa katawan nito at tila nahuhulog ako paibaba, "Aahhh! Tulongg!" Patuloy ako sa pagkahulog pababa hanggang sa maramdaman kong bumagsak na nga ako sa lupa.

"Aray, anong nangyari? Kay sakit ng aking pang-upo." Hinimas-himas ko ito bago tumayo at laking gulat ko sa aking nakita.

Maraming tao, tila mga karwaheng mabibilis na umaandar. Maingay at magulo, sandali? Nasaan ako? Anong lugar ito?

Pinagmasdan ko ang punong pinagbagsakan ko, wala itong pinagkaiba sa punong aking hinawakan kanina, anong nangyari at napadpad ako rito?

Dahan dahan akong naglakad at tila bigla ay hindi ko na makita ang mundong kinalakihan ko. Lahat ba ay nagbago? O naglaho? Patuloy lamang ako sa paglalakad ngunit hindi ko mawari kung saan ako patutungo, mahabaging ballah ('yon ang tawag sa Diyos nila, imbento lang ulit 😁) Nasaang lugar ba ako? Isa ba itong kaharian? Ngunit kung gayon, tila kakaiba yata ang kahariang ito.

"Ah, Miss? Anong tema mo? Bat ganyan suot mo? Anong klaseng party ang pinuntahan mo? Hahaha!" Wika ng isang lalaking estranghero, marami sila at puro kalalakihan. Iba ang kanilang kasuotan kumapara sa akin.

"P-party?" Ulit kong tanong.

"Oo party, para kasing galing ka pa sa sinaunang party. Where are you going?" Natatawa nyang bigkas.

"Paumanhin ginoo, ngunit hindi ko maunawaan ang iyong tinuturan, anong mundo ba ito?" Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang sa aking mga paa, ano't tila kakaiba ang mga tao rito?

"Are you in drugs?" 'Ano ba ang kanyang sinasabi? Hindi ko sya maunawaan.'

"Mawalang galang na lamang, mauuna na ako." Nilisan ko sila at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Maraming mga tao ang sakin ay nakatingin, tila ako'y kanilang hinuhusgahan, nasaan ba talaga ako?

Napadpad ako sa isang malaki at mataas na gusali, palasyo rin ba ito? Magara ito ngunit mas magara ang aming kaharian. Maaari kaya akong pumasok dito? Hindi bale, walang kawal na nagbabantay sa lagusan kaya papasok na lamang ako. Tinungo ko ito at pinagmasdang mabuti ang bawat gusali. Nakakamangha, sadyang kakaiba ang kaharian nila. Ang kaharian namin ay gawa sa bato ngunit napapalibutan ito ng mga ginto at diyamante, ano't tila ang naririto ay sinasalamin ako?

"Ano ba yang suot nya? Nasa university sya at wala sa party."

"Nakakatawa, parang ignorante pa."

"Oo nga, I wonder kung saang lupalop nanggaling 'yan."

Nakaririndi ang mga tinig ng mga kababaihan dito, sino ang kanilang pinag-uusapan?

"Pare tignan mo oh, ang ganda nung babae."

"Oo nga pare, chicks na chicks."

"Kaso lang, look what she's wearing, para syang nasa sinaunang panahon."

Rinig ko namang bulungan ng mga kalalakihan sa kabilang parte ng gusaling ito.

Isa akong maharlika at may taglay na mga kapangyarihan, kaya't naririnig ko kahit sa malayo ang kanilang mga tinig.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon