Kabanata 1: Prinsesa

2.7K 40 0
                                    

Hyacinth~

Masaya akong bumangon sa aking pagkakahiga at namintana, kay ganda ng kalingatan. Tila ito'y walang dinaramdam, kay payapa nito.

Nagpalit ako ng aking kasuotan at tinungo ang pinto palabas ng aking silid.

"Mahal na prinsesa, ang hari at reyna ay gising na at hinihintay na lamang kayo sa silid kainan." Sabi ng isa sa mga naatasan na magbantay sa labas ng aking silid.

"Maraming salamat, bulwa." Nginitian ko sya at ako'y humuhuni pa papunta sa silid kainan, masyadong maganda ang araw na ito upang ako'y maging malungkot.

"Magandang umaga Ama, Ina." Bati ko sa kanila at dinampian ng halik sa kanilang mga pisngi.

"Ano't tila kay saya mo, Hyacinth?" Wika ng aking Ina.

"Walang dahilan upang ako'y maging malungkot Ina, kung kaya't hali na at kumain." Hindi maalis ang ngiti ko sa aking mga labi.

"Hindi ba't palagi namang masaya ang ating anak aking mahal na reyna?" Wika ng aking Ama.

"Kung sabagay, ang katotohanang iyan ay hindi ko na maiaalis pa sa kanya."

"Maiba ako Ina, Ama, nais ko sanang mamasyal sa ilog na madalas nating puntahan nung ako'y paslit pa lamang Ina, maaari ba?"

Nagtapunan sila ng tingin sa isa't-isa na wari'y hindi ako pahihintulutan.

"Anak, sa tingin ko'y magiging masama ang panahon ngayon, hindi ba maaari na dumito ka muna at magpahinga na lamang?"

"Ngunit Ina, ilang araw na akong hindi nakakalabas ng palasyo, hindi ba't kamakaylan lamang ay iyo ng winika ang bagay na iyan gayong kay ganda at kay payapa ng panahon? Bakit ayaw nyo akong pahintulutang mamasyal? Tila may tinatago kayo sa akin?" Kataka-taka lamang dahil noon ay hindi sila ganito sa akin.

"Wala kaming itinatago saiyo anak, sige. Lumabas ka ng palasyo ngunit magsama ka ng dalawang kawal at dalawang bulwa upang umalalay sa iyong pamamasyal."

"Talaga Ama? Maraming salamat, kay saya ko." Masigla kong wika at niyakap ang aking Ama.

"Mag-iingat ka lamang, Hyacinth."

"Na syang aking gagawin, Ina." Mabilis kong tinapos ang aking pagkain upang makalabas na agad ako at makapamasyal.

**

Haring Noah~

"Sa tingin mo ba'y tama ang ating balak? Baka kamuhian tayo ng ating anak, Noah."

"Matagal ko ng napagtanto ang bagay na ito Hyana, iniisip ko lang ang kapakanan ng ating anak. Maganda na iyong maaga pa lamang ay mapaghandaan nya na ang paghalili sa ating dalawa, paslit pa lamang sya ay sinanay na natin sya sa pakikipaglaban. Hanggang ngayon sa pagtanda nya ay hinuhubog pa natin sya upang sa pagdating ng panahon ay hindi nya mapabayaan ang kahariang magkasama nating itinatag." Pagpapaliwanag ko.

"Nakikinita ko na ang pagtanggi ngayon pa lamang ni Hya."

"Ito'y kautusan ko hindi bilang Ama nya kung hindi bilang hari ng kahariang ito."

"Ngunit kailan ba darating ang iyong napili, aking hari?"

"Sya'y manggagaling lamang sa hindi kalayuang kaharian kung kaya't ang kanyang paglalakbay ay magtatagal lamang ng isang araw at marahil bukas makalawa'y naririto na sya." Patawad aking anak, para saiyo ang gagawin naming ito, sana kami'y maunawaan mo.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon