Kabanata 13: Takot

1.1K 27 0
                                    

Lawrence~

One week had passed since Hyacinth left the home. I feel lonely, I don't know why I'm feeling this. I've been alone for four years tapos biglang ganito?

No'ng araw na ma-realized kong nagka-gusto na sa'kin si Hyacinth, at no'ng araw na binasa ko ulit ang tungkol sa history nila, nag-alala ko ng sobra.

Nag-aalala ko para kay Hyacinth, nabanggit do'n na hihirap ang tibok ng puso nila kung hindi sila mamahalin ng taong minamahal nila. I got scared, if Hyacinth is really falling for me then her life is at risk. I wonder if she knows about the history about loving someone from the other world.

Natatakot lang ako na kung totoo nga 'yon, baka mamaya may mangyaring masama sa kanya kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal nya.

Nagring ang phone ko, sinagot ko ang tawag ni Joshua.

[Hoy lalake, nandito kami sa labas ng condo mo.]

Hindi na 'ko sumagot at pinagbuksan sila.

"Salamat ha, nangawit yung daliri ko kakapindot ng doorbell mo." Reklamo ni Jacob at naunang pumasok.

"What are you punks doing here?" I asked them.

"What a nice welcome, dude." Kyle sarcastically said.

"We just wanna hang out with you. It's been a long time bro." -Joshua.

"Long time? Lagi naman tayong magkakasama ha?"

"Kasama? 'Yon ba yung laging lutang at hindi makausap ng maayos? Yung puro notebook mo nalang yung tinitignan mo kasi nando'n yung pangalan nung babaeng kamuka ni Pat."

"Hyacinth, pre." Singit sa kanya ni Jacob.

"Oh 'yon, tapos kasama ka nga namin sa mga inuman pero nakikihang-out ka ba? Hindi 'di ba?" -Joshua.

"Tell us bro, are you falling for that girl?" Klye suddenly asked.

"No, I'm not."

"You're not? Don't fool us bro, we've known you for years. 'Yang mga inaarte mo mula no'ng sinabi mong umalis na si Hyacinth sa bahay mo ay yung inaarte mo no'ng nawala si Pat." -Joshua.

Alam nila lahat, mula sa pagtira at pag-alis ni Hyacinth dito sa bahay ko. Ang hindi ko lang sinabi ay yung totoong pagkatao nya at kung saan sya galing.

"I'm not falling for her, and it can't be."

"Tss, ayan tayo eh. Alam mo pare mahirap magsinungaling sa ibang tao, pero mas mahirap magsinungaling sa sarili mo. Tanggapin mo na, na unti-unti ka ng nahuhulog sa kanya." Seryosong sabi ni Jacob tapos kumuha ng alak sa ref.

"Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya, hindi pwede mga pre." Totoo naman 'di ba?

"Why? Because she has Patricia's face? You're just fooling yourself, bro." -Kyle.

"One rule I gave to myself since the day that Patricia died, hindi ako magmamahal ng iba, alam nyo 'yan." Sagot ko.

"Hahaha! At sa tingin mo naniwala kami do'n? Pre bata ka pa, marami pang dadating sa buhay mo. There is no rule at love, you feel what you feel. That's it." Kyle again.

"I don't know, I don't want to entertain all of what I'm feeling right now. Baka nakokonsensya lang ako dahil pinalayas ko sya dis-oras ng gabi, oo 'yon nga yun."
Sabi ko nalang at uminom ng alak.

Ayokong mahulog sa kanya. Baka hindi ko 'yon mapanindigan hanggang sa huli. Mahihirapan lang sya.

**

Hyacinth~

"Handa na ba ang mga hukbo?" Tanong ko sa punong kawal. Suot ko ang aking kasuotang pangdigma, ito ay iniregalo saakin ni Ama ng magdaan ang aking kaarawan bago sya mamaalam.

"Handa na ang lahat mahal na prinsesa."

"Anak, kailangan mo pa bang gawin ito? Hayaan mo na lamang ang mga kawal ang sumabak sa digmaan."

"Hindi maaari Ina, buhay ng aking Ama ang kinuha. Buhay ang kapalit at nais kong sa kamay ko mamamatay ang hari ng kahariang Naja."

"Nag-aalala lamang ako saiyo anak, nawala na ang 'yong Ama, hindi ko nais na pati ikaw ay mawala." Tumatangis na wika nya, niyakap ko sya.

"Isinusumpa ko ina, magbabalik ako...














ng buhay, kaya't wag ka ng mangamba Ina."

"Mag-ingat ka, Anak."

"Na syang aking gagawin Ina." Umalis na ako ng punong bulwagan at nagtungo sa lagusan ng palasyo, naroon nakapila ang ilang hukbo.

"Ang mga kabayo, nasa ayos na ba?"

"Maayos na ang lahat mahal na prinsesa, narito ang iyong kabayong gagamitin patungo sa kahariang Naja."

"Nais kong gumamit kayong lahat ng kabayo upang mapadali ang inyong paglalakbay, ayoko ng mabagal na kilos. Nais ko ng makamit ang hustisyang nararapat para sa aking Ama."

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon