Kabanata 30: Accepting her world.

1K 25 0
                                    


"Kung naririto ka lamang sana aking Hari ay maaaring nakikita mo pa at nakakasama ang iyong anak, iba na ang kanyang kapalarang pinili."

Narito ako sa silid kung saan matagal nang nakatayo ang rebulto naming dalawa, ginawa ito mula ng matapos itatag ang kahariang Chanta.

"May digmaang naganap kanina lamang aking Hari, ang buong akala ko'y mapapaslang na ako. Mabuti na lamang ay dumating ang ating Anak."

Aking Anak na lubos kong ipinagmamalaki, natitiyak ko na dumating na ang takdang oras upang ibigay sa kanya ang matagal ng nakalaan para sa kanya.

**

Lawrence~

"Grabe, hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on sa mga nakita ko pare." Sabi ni Joshua.

"Paano kang makakamove-on eh kanina lang 'yon nangyari." Jacob.

"This world is so amazing man, you can kill anyone you want and look at the place. There are so many bodyguards and maids! I envy Hyacinth, really." Kyle.

Nandito kami sa kwartong pinagdalhan sa'min, may nakahain nang mga pagkain. Hinihintay nalang namin ang reyna.

"My girlfriend is so scary." I mumbled, these three stopped from talking and threw a look at me. "What?" I asked innocently.

"Ngayon ka pa ba matatakot sa girlfriend mo?" Joshua.

"Kami rin naman natatakot ah, pero alam naman namin na mabait na tao si Hyacinth. She just did what's right to save her kingdom." Jacob.

"They're right, well if you don't want Hyacinth now. I can take your place dude." Kyle.

Pinagbabatukan ko silang tatlo. "Mga gunggong, sinabi ko lang na nakakatakot sya pero hindi ko sinabi na mali ang ginawa nya at mas lalong hindi ko sya aayawan 'no! Isunod ko kaya kayo do'n sa haring pinugutan nya ng ulo?!" Mga katangahan kasi eh, asa pa silang iiwan ko si Hyacinth 'no.

"Sorry okay? Sorry, you just ruined our moment here." Joshua said and then roamed the whole place.

"I think I'm in a live action show earlier bro's. Lahat totoo hahaha." Jacob.

"Tatanungin ko nga kung may kapatid ba si Hyacinth para sya nalang liligawan ko." Kyle.

"Paumanhin Kyle ngunit wala akong kapatid."

"Hyacinth?!" Dali dali akong tumayo sa upuan ko at niyakap sya. "Ano okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo? Ano magsalita ka."

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa, bakit ba napaka-ganda pakinggang ng tawa nya?

"Ayos lamang ako mahal ko, kaya ko ang aking sarili."

"Eh bakit naman kasi bumangon ka agad sa higaan mo? Mamaya hindi pa magaling yang mga sugat mo eh." Eh kasi kung sa hospital hindi ka papatayuin agad.

"Baka nakakalimutan mong isa akong malakas na nilalang mahal ko at hindi kami katulad nyong mga tao."

"Nag-alala lang ako, kaya--"

"Kaya kung iyong mamarapatin Ginoo? Maaari na ba tayong umupo ng makakain na tayo ng hapunan?" Nagulat ako ng nasa gilid pala namin ang Reyna, ba't ba hindi ko sya napansin? Nakakahiya tuloy!

"Ah, s-sorry po." Mahina silang tumawa ni Hyacinth, umupo na kami at kumain.

"Ah mawalang galang na po Reyna, bakit po hindi kayo kumakain ng baboy, baka o kahit anong karne? Puro gulay at tinapay 'to eh." Nasiko ko si Joshua.

"Kumain ka na lang dyan, you're too noisy!" Sigaw kong pabulong sa kanya.

"You know that I'm not eating too much vegetables bro, tss." Tumikhim ang Reyna.

"Pagkat lahat ng iyong nabanggit ay aming mga kaibigan o alaga, sila ay naaasahan gaya na lamang ng mga kabayo o maging ng baboy ramo."

"Talaga po? Pati baboy ramo? 'Di ba po mabangis 'yon?" Tanung din ni Jacob.

"Walang mabangis pagdating sa aking Anak, tama ba ako, Hya?" Ngumiti lang si Hyacinth.

"Wow, nakakabilib ka talaga mahal ko-- este, Hyacinth--aray!" Sabi ni Kyle na tinapakan ko ang paa, bwisit na 'to nang-aasar na 'to eh.

"Anak, maaari mo silang ilibot sa buong kaharian. Maging sa labas nito." Sabi ng Reyna.

"Ngunit Ina, magulo pa ang ating palasyo hindi ba?"

"Naipalinis ko na ang dapat linisin at ayusin Hya, wala ka ng dapat pang ipag-alala."

"Kung gayon, nais nyo ba 'yon mga ginoo? Mahal ko?" Tanong nya sa'ming apat.

"Oo naman 'no." Joshua.

"Maganda 'yan." Jacob.

"Sige sige, maha-- Hyacinth." Kyle, para silang mga bata.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon