Kabanata 29: Hagupit ng Prinsesa.

1K 28 0
                                    


Tumayo ako, inipon ko ang lahat ng lakas ko. Hinayaan kong palutangin ng kakayahan ko ang aking katawan pataas, ako'y sumumpa.

"A-ang kahariang Chanta ay itinatag ng aking Ama, ito ay mananatili sa aming l-lahi ng ilan pang daang taon! Walang makakasakop nito sinuman sa inyo!"

"B-buhay ka parin?" Gulat na tanong ng haring lapastangan.

"Sa inaakala mo ba'y dito magtatapos ang lahat? Ang aking nasasakupan ay sa akin lamang! Ikaw na lapastangang sumugod sa aming kaharian, ay pinapatawan ko ng parusang kamatayan!" Pinagalaw ko ng isip ko ang espada ko mula sa baba, "Paslangin lahat ng kaaway." Utos ko dito. "Ipadarama ko sa inyo ang impyernong inyong kasasadlakan!" Humangin ng napakalakas.




Isa-isang nagbagsakan...









Ang mga ulo ng mga lapastangang kawal.

"Paalam, haring lapastangan." Kumidlat ng napaka-lakas















Kasunod nito ang pagbagsak ng ulo nya. Ang ulo ng haring lapastangan.




Tapos na ang digmaan, muli ng makakamit ang kapayapaan sa bawat kaharian.

Unti-unting nanghina ang katawan ko't naramdaman ko ang aking pagbagsak.

"Hyacinth!" Nasalo ako ni Lawrence.

"Aking Anak!" Dumulog silang lahat sa akin.

"T-tapos na Ina, payapa na ulit ang ating kaharian. H-hindi ko hahayaan na masakop ito ng sinoman."

"Tama na Anak, payapain mo na ang iyong sarili."

"H-hanggang sa aking kamatayan Ina, i-ipagtatanggol kita kasabay ng kahariang itinatag nyo ni Ama." Lumuluha na sya.

"Salamat Anak, ipinagmamalaki kita."

"K-kayong tatlo, n-nais nyo pabang maging aking kaibigan sa kabila ng inyong nasaksihan?" Nagtinginan sila.

"Nakakatakot ka nga, pero nakakamangha ka Hyacinth. Walang dahilan para ayawan ka namin."

"Ikaw, mahal ko?"

"Sa umpisa palang tanggap na kita."

"Kung gayon, maraming salamat sa inyo." Huli kong bigkas bago ako tuluyang mawalan ng malay.

**

Reyna Hyana~

"Hyacinth! Bulwa, magpatawag ng manggagamot. Lahat ng sugatan ay dalhin sa silid pagamutan! Ngayundin!"

"Masusunod, Mahal na Reyna."

"Kayo mga ginoo, sumunod kayo sa akin." Tukoy ko sa mga kasama ni Hyacinth na magbalik dito, nagtungo kami sa silid ng aking anak.

"Ihiga mo na lamang sya."

Ginawa nya ang utos ko at agad namang may dumating na manggamot.

"Kayo na ang bahala sa aking anak, may nais lamang akong gawin."

"Masusunod, Mahal na Reyna."

"Kayong tatlo, sumunod kayo sa akin." Nagtungo naman ako sa silid kung saan dinadala ang mga sinisiyasat.

"Ikaw Ginoo ang minahal ng aking anak?" Tukoy ko sa lalaking may matipunong pangangatawan, batid kong malinis ang kanyang kalooban.

"O-opo, Mahal na R-reyna." Naiilang at natatakot nyang sagot.

"At kayo? Bakit kayo napadpad dito?" Tanong ko sa tatlo pa.

"K-kaibigan po kami nitong si Lawrence, t-tanggap po namin ang m-mundong ginagalawan ni Hyacinth. She trusts us that's why we came here."

"Anong ngalan mo?"

"J-joshua po."

"Hindi ko masyadong maintindihan ang iyong tinuturan, nais ko lang sabihin sa inyo na kay lalakas ng loob nyong pumunta dito sa aming mundo?" Nais ko lamang subukin ang kanilang paninindigan.

"P-pasensya na po, ako nga po pala si Jacob."

"Bigyan nyo ako ng sapat na dahilan upang hindi ko kayo parusan."

"Ako po si Kyle, please wag nyo po kaming patayin." Turan ng isa pa.

"Naghihintay ako sa inyong kasagutan." Ulit ko.

"Dahil mahal ko po si Hyacinth, bago pa sya bumalik sa mundo namin ay nakapag-desisyon na po akong sumugal para sa pagmamahal ko sa kanya." Sagot ng kasintahan ni Hya.

"Hanggang saan ang kaya mong isugal para sa aking anak?"

"Hanggang sa mamatay ako." Walang alinlangan nyang sagot.

"Syang tunay?" Kinuha ko ang aking sandata. "Paano na lamang kung sabihin ko sa iyong nais kitang paslangin sa mga oras na ito?"

"Tatanggapin ko po." Inangat ko ang espada ko, nakita ko ang pagpikit nya. Wala akong balak na paslangin sya, tulad ng sinabi ko...









"Sinusubukan ko lamang ang paninindigan mo, maging nang mga kaibigan mo. Ikinagagalak ko na ikaw ang minahal ng aking anak."

"A-ano po?" Gulat nyang tanong.

"Bulwa, ihanda ang silid kainan para sa mga panauhin. Dalhin sila patungo roon, magpapalit lamang ako ng aking kasuotan."

"Masusunod, Mahal na Reyna. Mga Ginoo, nais ko sundan ninyo ako."

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon