Kabanata 11: Paglisan

1.1K 25 0
                                    

Hyacinth~

Masama ang aking loob, hindi ko batid kung bakit bigla na lamang syang naging ganoon saakin. Masakit ang mga binitawan nyang salita. Hindi ko man nauunawaan iyon lahat ngunit batid ko ang kanyang hinagpis, kung kaya't kahit mabigat sa loob ko ang lisanin ang tahanan nya ay handa kong tanggapin.

Naglakad-lakad lamang ako, sa tatlumpung araw kong pananatili sa mundong ito ay naging mahirap pagkat para akong nangangapa sa dilim.

Miminsan lang akong nakalabas ng tirahan nya at sinusubukang hanapin ang punong lagusan ngunit nabibigo lamang kami.

Tiyak kong malalim na ang gabi ng dahil sa kalangitan, nais ko mang bumalik sa kanya ay hindi na maaari pa. Bibigat lamang lalo ang aking kalooban.

Napadpad ako sa isang masukal na daan at nababalot ito ng kadiliman, kaunti na lamang ang mga taong nagdaraan.

"Wow, Miss, anong ginagawa mo ng ganitong oras ng gabi? Mag-isa ka lang ba?" May narinig akong tinig sa di kalayuan saakin, labis nya kong pinagmamasdan.

"Paumanhin ginoo, ako ba ang inyong kinakausap?"

"Hahaha! Masyadong matalinghaga magsalita 'to pare." Sabi pa ng isa.

Hindi ko na lamang sila binigyang pansin at patuloy na naglakad, masyadong mabigat ang aking kalooban sa mga oras na ito. Ayoko ng maraming kausap.

"Teka Miss, sasamahan ka na namin. Dadalin ka namin sa langit, hahaha!" Sabi ng isa at hinapit ako saaking baywang.

"Wala kang karapatang hawakan ako!" Sigaw ko at sinipa ko sya sa kanyang tiyan kung kaya't sya'y tumilapon palayo. "Lapastangan!" Nais ko ring parusahan ang isa pa ngunit mabilis syang tumakbo palayo.

Isa ito sa pagkakaiba ng mundo namin sa mundong 'to, maraming lapastangan at bastos ang nabubuhay dito.

Pinagpatuloy ko ang paglalakbay ko, hanggang sa maging pamilyar saakin ang napuntahan ko. Muli ko itong inalala sa aking isipan. Hindi ako maaaring magkamali, dito ako bumagsak ng mahulog ako sa isang malaking puno, nilibot ko ang aking paningin.

Hindi nga ako nagkamali, narito ang puno.

Ang punong lagusan patungo sa tunay kong tahanan, sa tingin ko ay ito na ang oras para bumalik. Paalam ginoo, ngunit pinapangako. Babalikan kita, magbabalik ako ginoo.

**

Lawrence~

"Hey bro, what's with the mood?" Joshua asked.

"C'mon dude, Rence has always been like that, why bother to ask him now?" -Jacob.

"Iba kasi ang aura nya ngayon pre, haha dahil ba'to do'n sa babaeng nasa sinaunang panahon? Yung kamuka ng Patricia mo?" -Kyle.

Hindi ko naman kasi sinasadya yung mga nasabi ko sa kanya kagabi, nabigla lang ako, hindi ko naman alam na madali syang kausap.

"Don't talk to me."

"You know what Jacob, if Lawrence is not my childhood friend? I'm gonna punch this punk very hard." -Joshua.

"Eh kaso kaibigan mo. Hahaha! Nga pala Rence, yung race na hindi mo napuntahan, inaalok ulit ngayon. 50k na 'yon."

"Okay. Pupunta 'ko."

Car racing is my stress reliever, sa tuwing sasabak ako sa karera, do'n ko nilalabas lahat ng sama ko ng loob. Walang palya 'yon.

"Nice one, dude." -Kyle.

"Uwi muna 'ko."

Mabilis akong nagpunta sa sasakayan ko at mabilis din 'yong pinaandar. Saglit lang ng marating ko na ang condo ko.

"Hyacinth?" Tawag ko sa kanya, "Hya--" pero napatigil ako ng maalala kong umalis na nga pala sya. Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon.

Dis-oras na ng gabi ng umalis 'yon, baka mapagtripan 'yon ng mga adik sa kanto. Eh teka ba't ko nga ba iniisip yon eh kasinglakas nga yon ng leon, tss.

Magluluto sana ako ng lunch kaso nga wala na pala si Hyacinth dito, lagi na kasi akong nagluluto ng pagkain mula nang dito sya tumira sa condo ko.

Ang hirap kaya nyang pakainin, mas gusto pa nya ang tinapay, gulay at prutas. Kahit konti, ayaw man lang nyang tumikim ng karne o manok. Tinanong ko sya kung bakit ayaw nya ang sagot ba naman.

"Kalapastanganan kung kakainin ko ang aking mga kaibigan, ginoo."

Mga manok, baboy at baka ay kaibigan nya? Siguro nga baka do'n sa mundo nila.

Somehow, I miss her. Wala ng maingay at makulit, wala na ang tumirang masayahin sa bahay na'to. Wala na si Hyacinth, wala na ang babaeng nahulog sa'kin-- teka? Nahulog sa'kin? Kinuha ko agad ang laptop ko at napamura.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon