Hyacinth~
Minabuti ko ng magtanong muna kay lawrence bago ako lumabas, baka kasi sumigaw nanaman sya.
"Halika mahal ko, nagluluto na'ko ng kakainin mo." Napangiti ako, dumeretso ako sa kanyang silid lutuan.
"Kay bango ng iyong niluluto." Napalingon ako sa mga panauhin nya, "Kayo'y mga panauhin ni Lawrence hindi ba? Magandang araw sa inyo." Ngumiti ako.
"M-magandang... araw din." Bati nilang tatlo.
"Ano't tila kapwa nakatulala kayo? Hindi ba kaaya-aya ang aking kasuotan?" Gaya ng mga sinusuot ko sa kaharian namin ay hindi nalalayo sa mga sinusuot ko ngayon.
"A-ah hindi, m-maganda." Sabay ulit nilang sabi.
"Nakakaaliw kayong tatlo, sabay-sabay kayong sumasagot. Lawrence, bakit ka tahimik riyan?"
"Ah wala, natatawa lang ako. Come on bro's kain na tayo."
"Halika mga Ginoo, sa aming kaharian, kahit tatlo lamang kaming mag-anak ay sabay-sabay kaming dumudulog sa hapag."
"K-kaharian?" Sila ulit.
"Ah, don't mind it bro, kumain nalang tayo. May pupuntahan pa kami ni Hyacinth."
"Saan tayo patutungo, Lawrence?" Tanong ko, wala syang nabanggit sa akin.
"Mamaya ko na lang sasabihin ha? Sige na kumain ka na." Kaya naman kumain na ako.
Nagulat na lamang ako ng hinila nilang tatlo si Lawrence patungo sa kanyang silid.
**
Lawrence~
"Can you explain that to us, bro?" Joshua asked, I knew it.
"What?"
"That, she's quiet different from us. The way she talks, she wears at anong kaharian nila ang sinasabi nya?" Jacob, ang daldal kasi minsan ng babaeng 'yon.
"Sabi ko naman 'di ba? 'Wag nyo ng pansinin 'yon, wala tayong magagawa kung gano'n sya magsalita."
"Pare, alam mo naman na pwede mong sabihin sa'min ang lahat 'di ba? Lahat na pinagsamahan natin, ngayon ka pa ba magtatago?" Kyle.
"I understand your point Kyle, but this is not the right time. Someday I will let you three know her more, but promise me one thing."
"Kailan ka ba namin tinanggihan?" Joshua.
"Malay nyo ngayon palang?" Pagbibiro ko.
"Ang sama mo 'no?" Jacob.
"Sana matanggap nyo sya kapag nalaman nyo."
**
Hyacinth~
Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti akong nasasanay sa mundong aking ginagalawan, ngunit gayunpaman, hindi ko kinakalimutan ang mundong aking pinagmulan.
"Mahal, ito yung damit mo ha. Kailangan kapag umakyat ako ng stage, ikaw ang magsasabit ng medalya ko." Binigyan nya ako ng isang napakagarang kasuotan.
Sa aking muling pagdating sa buhay ni Lawrence ay muli nyang pinagpatuloy ang kanyang nasirang buhay, ang pagsasanay at trabaho.
Sa katunayan nga'y, ngayong araw ang sinasabi nyang pagtatapos ng lahat ng pagsasanay nya. Kumbaga samin, isa na syang mahusay na mandirigma.
"Napakaganda nito, Lawrence." Ngumiti ako.
"Kasi maganda rin yung magsusuot, sige na magpalit ka na ng damit. Baka ma-late pa tayo."
"Na syang aking gagawin, mahal ko."
**
"Lawrence, hindi ba't ito ang gusali kung saan tayo unang nagtagpo?"
"Oo, ito nga. Marami dito ang kilala ka kasi kaparehas mo ng mukha ang isang nag-aaral dito dati, pero wag mo nalang silang pansinin ha?" Tumango ako.
**
Lawrence~
Today is my graduation day. I bought Hyacinth a decent dress that she can wear in this most special day of mine because finally, I passed the second stage of my life.
Habang dumadaan kami sa hallway ay pinagtitinginan sya, may mga bumubulong na buhay pa pala si Patricia, meron ding ibang nagtataka.
"Kamuka nya 'di ba?"
"Oo nga, pero imposible 'yon kasi patay na ang ex na 'yon ni Lawrence."
"Mas maganda pa sya kay Patricia."
"Napaka-puti din nya."Ilan lang 'yan sa mga bulungan kada madadaanan namin, tulad ng sinabi ko kay Hyacinth, hindi nya nga pinansin ang mga tao.
She's just walking like she's in her palace. With grace, with elegance, with her beautiful smile.
We're already here in quadrangle, all graduates is ready.
Nagsimula ang introduction na kung ano ano, hanggang sa magsusuotan na ng medalya at kasama ko ngang paakyat si Hyacinth sa stage.
"Let's congragulate, our Summa Cum Laude and the biggest shareholder in this school, Lawrence Foust!" Sabi ng emcee.
**