"Marahil ay hindi ko batid maging ang iyong ngalan, ngunit ang ayoko sa lahat ay naghahain ng digmaan sa aking kaharian. Wala akong sinasanto pagdating sa pakikipaglaban."
"Masyado mo akong pinapahanga sa iyong katapangan Prinsesa, kay taas ng tingin mo sa iyong sarili."
"Bakit hindi mo ako subukin?" Hamon ko.
"Kung iyan ang iyong nais, sugudin sya!" May limampung kawal siguro ang ngayo'y nakapalibot sa akin.
"Hyacinth!" Rinig kong sigaw ni Lawrence, hawak-hawak sya nila Joshua, nais nyang magtungo sa akin.
"Manatili ka lamang riyan, kaya ko ito."
"Ano pang tinatayo-tayo nyo riyan? Ba't hindi nyo ako sugudin?" Tanong ko sa kanila at agad nga akong sinugod, puro tunog ng espada ang nangibabaw sa buong bulwagan. Ilang saglit pa'y mag-isa na lamang akong nakatayo at wala ni isa mang galos na natamo.
"Sadya ngang magaling ka't may taglay na bilis, mapipilitan akong paslangin ka sa aking mga kamay."
"Syang tunay? Huwag kang pakasisiguro, lapastangan. Huwag mo akong maliitin."
Agad nya akong sinugod ngunit mabilis akong kumilos at nagpunta sa kanyang likod, malakas ko syang sinipa dahilan ng pagtalsik nya sa malayo.
"Ano sa inaakala mo ang tingin mo sa akin lapastangan? Isang kawal na papatubo pa lamang?" Bumangon sya sa kanyang pagkakahiga at pumunta sa akin.
"Wag kang magdiwang pagkat nagsisimula pa lamang tayo! Totoo nga ang nababalitang kinatatakutan ka ng lahat sa taglay mong kabangisan, ngunit ibahin mo ako pagkat ako na ang papaslang saiyo!"
Tumaas ang aking labi at sa isang iglap ay para akong isang kidlat na pumaikot sa kanya. "Yaa!" Ginalusan ko ang kanyang kalahating katawan. "Ikaw? Huwag mo akong patawanin Ginoo, pagkat wala sa mundong ito ang papaslang sa akin." Tinapunan ko ng tingin sila Lawrence.
Makikita sa mga mata nila ang takot at pangamba.
"Anong tinatayo-tayo nyo riyan? Sugudin sya!" Utos nya, gaya ng kanina ay ganoon din karami ang lumusob ng sabay sa akin. Lahat ay napabagsak ko, ngunit sa pagkakataong ito, napaluhod ako. Nasugatan ang likod ko.
"Hyacinth!"
Narinig ko ang sabay na pagsigaw ng aking Ina maging nila Lawrence.
"Ano Prinsesa? Tila yata'y nauubusan ka na ng lakas?" Tinukod ko ang espada ko at tumayo.
"Bakit hindi na lamang natin ito tapusin? Sisiguraduhin kong ikaw na ang susunod na luluhod sa sahig! Yaa!!" Espada sa espada. Tulad ng dati, hari sa prinsesa ang labanan.
Magkadikit ang espada namin. "May huli ka bang habilin bago ka tuluyang mamaalam?" Tanong nya sa akin.
"Ikaw marahil ang magsabi ng huli mong habilin, pagkat sa aking espada, mamamatay ka!" At muli kaming nag-tuos.
Sugatan na kaming pareho, may mga dumating nang kawal nila. Gayundin sa pangkat namin.
"Isinusumpa ko! Pagsisisihan nyo ang pagpasok sa kahariang ito!!" Malakas kong sigaw, kumidlat ng malakas. Nagdilim ang buong kapaligiran. "Mamamatay kayong lahat!!" Lahat ng abilidad na mayroon ako ay ginamit ko, pagiging mabilis, parang leon at tigre sa bangis, pagpapagalaw ng mga bagay na ginamit ko laban sa kaaway.
"Hyacinth!" Sigaw ni Lawrence.
Maging sila ay nakisugod na rin, gayundin ang aking Ina.
Kawal sa kawal, hindi ko binibigyan ng pagkakataon na mawala sa aking paningin ang hari ng mga Poho.
"Ikaw ay sa akin lamang!" Muli kaming nagsagupaan, hanggang sa...
Nilibot ko ang buong paligid kaunti na lamang ang buhay.
Bumagsak ang espada ko, kasabay ng malakas na pagtawa na haring lapastangan.
"Hindi ba't sinabi ko na saiyo? Sa aking mga kamay ka mamatay!" Hindi ako makapagsalita, naging dahan-dahan sa aking paningin ang kilos ng mga tao sa aking paligid.
Hinawakan ko ang tyan kong may saksak, tangis ng aking Ina ang aking naririnig. Malakas na pagbigkas ni Lawrence ng pangalan ko.
Napaluhod ako, pumikit ang aking mga mata.
"Hyacinth!"
Ito na ba ang katapusan ko? Ang kapalaran ko? Biglang lumitaw sa aking isip ang mukha ng aking Ama at ang bilin nya.
'Alagaan mo ang 'yong Ina.'
Dumilat ako, hindi maaaring dito magtapos ang lahat. Nangako ako kay Ama, kaya't hanggang kamatayan, ipagtatanggol ko si Ina at ang kaharian.
**