"And with a beautiful Patricia in his side huh?" Natawa ako.
Nang makaakyat kami at masuotan ako ni Hyacinth ng medalya ay pumunta kami sa mic. Mabuti nalang tinuruan ko na sya kagabe pa.
"As you can see, I have no parents and relatives here that's why this pretty woman beside me guide me for this special day to all of us. Sya si Hyacinth, ang girlfriend ko." Ngumiti ako, marami ang nabigla at nagbulungan. Kasi nga akala nila si Pat ang kasama ko, tinignan ko si Hyacinth. She's smilling beautifully "She's not Patricia you we're thinking guys, Pat is died years ago. She's different compared to Pat, really. I once get scared of falling inlove again, pero nung dumating sya sa buhay ko, akala ko minahal ko lang sya dahil kamuka sya ng dating mahal ko, natakot ako at tinaboy sya palayo. Hanggang sa tumagal, nalaman kong mahal ko pala talaga sya kasi mahal ko sya. Sumugal ako ulit at hindi inisip ang takot, sabi ko gano'n talaga siguro. Life is a gamble, you need to lay your bet. So, graduates. All I can say is, fight your fears. Take all the risk that you can take, because maybe one day, it will be all worth fighting for. Para sa mga magulang ko, at para sa babaeng mahal ko. Inaalay ko ang medalyang ito para sainyo." Niyakap ako ni Hyacinth, ang saya ko ngayon. Sobra.
**
"Congrats bro." Bati naming apat sa isa't-isa.
"Ang ganda ng speech mo ah, pati ikaw Hyacinth ang ganda mo lalo ngayon." Joshua.
"Oo nga, pa-picture naman tayo oh." Sabi ni Jacob at nilabas ang camera nya, close na sila at masaya 'ko para do'n, matagal kong hinintay ang araw na 'to.
"Hyacinth, kapag iniwan ka ni Lawrence sasaluhin kita." Kyle, binatukan ko sya.
"Gago ka din eh 'no."
"Aray, joke lang naman eh."
"Nakakaaliw kayong pagmasdan alam nyo ba yu--"
"Hyacinth!" Sigaw naming apat, bigla syang nawalan ng malay at bumagsak.
"Bro tumawag ka ng ambulansya!" Utos ni Joshua kay Jacob.
"No! Hindi! Sa bahay nalang kami!" Sabi ko at binuhat si Hyacinth, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Sasama na kami." Sabi ni Kyle na hindi ko na pinansin at mabilis na tinakbo ang kotse ko, sumakay na silang lahat do'n. Si Joshua ang nagmamaneho.
What happened to you Hyacinth, did your heart is not beating well? Did I do something wrong? Are you gonna leave me again, huh?
"Hyacinth, pakiusap gumising ka." Mahigpit kong hawak ang kamay nya, alam kong ayos lang sya dahil sa pulso nya, mabilis ang tibok no'n.
Nakarating kami ng condo ng mabilis, inihiga ko si Hyacinth sa kwarto nya. Hindi namin malaman ang gagawin, ayokong tumawag ng doktor.
"Bro, let's call a doctor." Joshua insisted.
"No! Doctor can't do anything to her!"
"C'mon bro, anong gagawin natin dito? Stand all the time and wait until she dies here?" Jacob.
"Hindi sya mamamatay!" Inaalog ko lang si Hyacinth at umaasang magigising sya no'n.
Ilang minuto pa...
"Ina!" Sabay ng paggising nya ang pagsigaw nya.
"Hyacinth?!" Agad ko syang niyakap.
"Ang aking Ina." She's crying.
"Hush now baby, ano bang nangyari?"
"May masamang pangitain sa akin ang Ballah, kailangan kong umalis." Makikita sa mukha nya ang sobrang pag-aalala.
"At paano ako? Iiwan mo nanaman ako?"
"Batid mong paulit-ulit man akong umalis ay muli akong magbabalik Lawrence."
"Bro, can you explain to us what going on?" Joshua.
"Not now, Joshua."
"Then when?! You're carrying your problem by yourself? Wala na ba kaming silbi sa'yo?! Wala ka na bang tiwala sa'ming mga kaibigan mo?" Napatingin ako kay Jacob sa sinabi nyang 'yon.
"Pakiusap, wag kayong mag-away."
"Okay, sorry mga pre. Alam nyo namang may mga kumplikadong nangyayari 'di ba? All of you are my buddies right? Are you all willing to accept kung ano ang maaari nyong makita?"
"Kaibigan mo kami pare, tatanggapin namin kahit ano pa yan. Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ni Kyle.
"Kahit ako hindi ko pa alam, we'll see." I faced Hyacinth. "Nawala ka na sa akin ng isang beses, hindi ko na hahayaan pang mawala ka ulit. Kaya sasama ako, kami." Handa na kami sa kung anong matutuklasan namin, handa na ako.
"Ngunit Lawrence, hindi maaaring malaman nila, baka kamuhian lamang nila ako."
"Hindi Hyacinth!" Sabay-sabay nilang sabi at itinaas pa ang palad na parang nangangako.
"Magtiwala ka sa'kin, hindi nila 'yon gagawin." Tumango nalang si Hyacinth at bahagyang ngumiti.
Sa wakas.
**