Kahariang Chanta in the multimedia.
**
"Ibig sabihin, totoo ang lahat ng sinasabi nya? Oh, nandito ang litrato ng punong sinasabi nya at nandito rin iyong kaharian nila, totoo ngang napapalibutan iyon ng mga ginto." I continued reading. Sobrang namangha ako sa itsura ng kaharian nila, parang unrealistic. Parang sa fairytales ko lang nakita ang mga gano'ng klaseng kaharian.
"Nasaksihan din ng lalaki ang pagsilang ng mag-asawang Noah at Hyana ng isang napakagandang dalaga na pinangalanang 'Hyacinth' tatlong daang taon na ang nakakalipas."
"What?!! Oh God, really? Three hundred years old na sya?! T-teka, three hundred one pa nga! Bakit hindi man lang sya tumatanda?!" Napalakas na talaga ang boses ko dahil sa mga nababasa ko.
"Bilang kaisa-isang anak, ang kapalaran nya na maging tagapagmana ng kaharian nila ang dapat nyang harapin sa oras na itinakda. Kailangan nyang makasal upang makasama nya sa pamamahala ng buong kaharian ng chanta."
"Ah, 'yon yung sinasabi nyang kaya sya tumakbo at napadpad dito." Ang mga sumunod na nabasa ko ang hindi ko makuhang paniwalaan.
"Ang lahing kanilang pinagmulan ay maraming abilidad na kayang gawin, kaya nilang mang-hipnotismo at magpasunod ng tao. Magpagalaw ng bagay sa pamamagitan lamang ng isip. May lakas na parang isang bampira, leon at tigre. Iisa lang ang kahinaang mayroon sa kanila at ang papatay sa kanila. Ito ay ang mahulog ang loob nila sa isang nilalang na hindi nila kauri, lalo na kung galing ito sa mundo ng mga tao. Kapag nagmahal sila, isa lang at pang-habang buhay na. Pero kung hindi sila mamahalin pabalik, maaari nila 'yong ikamatay. Puso ang pinakamatinik nilang kaaway. Kapag dumating na sa puntong tumibok ang puso nila sa isang tao, kailangan mahalin rin sila nito. Sa lahing pinagmulan nila ay dapat lamang na masunod kung anong nakatakda at ito ay upang ialay ang puso para sa mahal nila, titibok lang ito para sa taong tunay nilang minamahal."
"Oh God, she's really different from us, all I know is she's--"
"Ginoo, oras na ng hapunan. Halika't sabayan mo ako." Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Bigla ay lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Nakangiti sya, yung ngiti nya, bakit ganito? Bakit kinakabahan ako sa tuwing ngumingiti sya sa'kin? Bakit iba ang pakiramdam ko?
"Ginoo?" Dapat sinisigawan ko na sya dahil sa pang-iistorbo nya sa'kin, dahil sa kakulitan nya. Pero hindi ko 'yon magawa sa tuwing makikita ko ang mukha nyang masaya.
"Ginoo, anong nangyari saiyo?"
Hindi ko na namalayan na nakalapit na sya sa'kin at nakalagay ang palad nya sa noo ko.
Patricia, ikaw ba 'yan? Dahil yung nararamdaman ko sa'yo dati... nararamdaman ko ulit ngayon, ikaw ba ang nasa katawan ng babaeng 'to?Nararamdaman ko kasi na parang nahuhulog na 'ko sa kanya.
"Ginoo?" Doon lang ako bumalik sa sarili ko ng bigla nya kong yakapin, lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad ko syang naitulak palayo.
"How dare you to hug me?! This is all your fault! Since the day that I saw you, my life gets ruined! Ginugulo nang kung anomang nararamdaman kong ito ang isip ko! Bakit ka pa kasi napadpad dito?! At bakit ba kasi na sa'yo ang mukha ng babaeng minahal ko?! Sana mawala ka na lang ulit!" Hindi ko alam kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Tumayo sya mula sa pagkakabagsak, pagtingin nya sa'kin, umiiyak na sya. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa pag-iyak nya, bigla parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.
"Hindi ko batid kung bakit mo ako kinamumuhian. Nais ko lang naman na makasalo ka sa hapunan, hindi ko batid kung saan mo hinuhugot ang iyong galit. Hindi ko ninais na mapadpad dito, hindi ko ninais na maging pabigat lamang ako saiyo. Ngunit kung nais mo akong mawala, malugod ko iyong tatanggapin. Salamat sa panahong hinayaan mo akong manirahan dito, kahit pinangako mong tutulungan mo ako ay huwag na lamang. Hahanapin ko mag-isa ang punong lagusan pabalik kung saan ako nabibilang, patawarin mo ako." Pinahid nya ang luha nya at yumuko sakin. "Isa pa, nais ko nang makuha ang aking kasuotan."
I have no words to say, did what I said is out of the line? Naging harsh ba ako masyado? Pumunta ako sa closet ko at kinuha ang damit nyang nakahanger.
Inabot nya yun at tumalikod.
"Patawarin mo rin ako pagkat hindi ko ninais... na mahulog sa'yo. Paalam, ginoo." Nawala na sya ng tuluyan sa paningin ko.
Mahulog sa'yo? Ibig ba nyang sabihin ay nagkakagusto na sya sa'kin? Mali, dapat hindi ko na 'yon pansinin. Wala 'yon infatuation lang nya 'yon.
**