Kabanata 18: Pag-urong

1K 23 0
                                    

Ama, bakit naman ganito ang kapalarang itinakda nyo sa akin? Kay lupit ng kapalarang ito Ama, mas nanaisin ko pang manatiling walang asawa kaysa ang mapangasawa ang taong hindi ko napupusuan.

"Mahal na Prinsesa, narito na ang iyong kasuotan para sa gaganaping kasal nyo. May nais ka pa bang iba bukod dito?" Tanong ng punong bulwa.

"Nais kong hindi matuloy ang kasal, maaari ba iyon?"

"Maaari ka bang matabihan?" Tumango ako. "Hindi ko man batid ang bigat saiyong dibdib ay nararamdaman ko ito, ang kapalaran ay kapalaran mahal na Prinsesa."

"Ngunit hindi ito ang nais kong kapalaran, bulwa." Nagsimula na akong tumangis, inihilig nya ang ulo ko sa kanyang balikat. Naging malaya ang aking pag-iyak.

"May mga kapalaran na hindi na napipigilan pa mahal na Prinsesa, katulad na lamang ng saiyo. Ito ay para sa buong kaharian, kung nais mong pigilan ang kapalarang nakatakda para saiyo, handa ka bang panindigan iyon? Handa ka bang mag-sakripisyo at tumayong mag-isa para sa kaharian?"

Natigilan ako sa kanyang mga winika, nais kong pag-isipan ang lahat. Ayokong biguin ang kahariang itinatag ng aking Ama.

**

Dumating na ang araw na sa tingin ko'y isang bangungot para sa akin, ito ang araw ng aking pakikipag-isang dibdib. Tatanggapin ko na lamang ba ang kapalaran kong ito?

"Nasa punong bulwagan na ang Prinsipe, ikaw na lamang ang hinihintay Mahal na Prinsesa." Punong bulwa.

Hindi na ba ito mapipigilan pa?

Napakagara ng aking kasuotan, tila pinaghandaan talaga ang araw na ito. Lumabas na kami ng aking silid at tinungo ang punong bulwagan.

Naroon na nga ang lahat, nilapitan ako ni Prinsipe Mulan at hinagkan ang likod ng aking kamay. "Napakaganda mo aking Prinsesa."

"Patawad aking Anak. Inuulit ko lamang, ito ay nakatakda nang mangyari sanggol ka pa lamang."

"Nauunawaan ko, ngunit nais ko lang malaman nyo, na hindi ko ito ikinagagalak."

Umakyat ng muli ang aking Ina sa kanyang trono. "Simulan na ang ritwal." Na syang agad agad na sinunod.

"Ngayong araw ay ating masasaksihan ang pag-iisang dibdib ng Prinsipe Mulan ng kahariang Kindo at ang Prinsesa ng kahariang Chanta, may tutol ba sa kasalang ito?" Walang nangahas na magtaas ng kamay, sino nga ba ang mangangahas? Wala. "Kung gayon ay sisimulan ko na."

Inumpisahan nya ang ritwal na kinaugalian ng kahariang ito.

'Kung nais mong pigilan ang kapalarang nakatakda para saiyo, handa ka bang panindigan iyon?'

Muling pumasok sa aking isip ang sinabi ng aking punong bulwa, nagawa kong maghasik ng digmaan. Magagawa ko iyon sa mahaba pang panahon. Bahagya akong umatras.

"Patawad aking Ina, ngunit hindi ko tinatanggap ang kapalaran kong ito." Dali-dali akong umalis ng punong bulwagan ngunit hindi pa man ako ganap na nakakalabas ay sya namang bigla kong pagbagsak.

"Prinsesa!" Narinig ko pang sigaw ng marami bago tuluyang mawala ang aking ulirat.

**

Reyna Hyana~

"Magpatawag ng mga babaylan, ngayun din!" Pag-utos ko, sana'y mali ang aking hinuha.

Makalipas ang ilang sandali ..

"Kamusta ang aking Anak?" Narito kami sa lihim na silid, ang mga babaylan saamin ay may kakayahang malaman ang mga naganap na.

"Sya'y napunta sa mundo ng mga tao kamakailan lamang hindi ba?" Tumango ako. "At doon sya'y tinulungan at kinupkop ng isang lalaki. Lalaki na nagpapatibok ng kanyang puso." Tama nga ang aking hinuha.

"Kagilagilalas." Tanging nasambit ko lamang.

"Ang lahing inyong pinagmulan ay may kasaysayan mahal na Reyna, isa lamang ang inyong minamahal at pinag-aalayan ng puso, ano't tila hindi nyo nabantayan ng mabuti ang inyong anak? Hindi ba nya batid na maaari nyang ikapahamak ang pagmamahal sa isang taong hindi nyo kabilang?"

"Tinalikdan nya kami nang araw na malaman nya ang tungkol sa pakikiisang dibdib kung kaya't nangyari ito, marahil ay natuklasan nya ang punong lagusan patungo sa kabilang panig ng mundo."

"Nagkakamali ka mahal na reyna, hindi nya batid ang bagay na iyon. Hindi nya ninais na mapadpad sa lugar na iyon, isa lamang ang maaaring maganap mahal na Reyna."

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon