Lawrence~
"Bro, are you listening?" We're here in our classroom, I'm Lawrence Foust. Twenty-two, graduating in college, and these chipmunks are disturbing me. Tinanggal ko ang earphone ko at masungit na hinarap sila.
"Hindi nyo ba nakikita na nakikinig ako ng music? Bakit ba kalabit kayo ng kalabit dyan?"
"Napaka-suplado mo talaga 'no?" Joshua Caza, twenty-one. We've been friends since chilhood.
"Yeah right, you need to change." Jacob Sy, twenty-one. We've been friends since elementary.
"Hay nako, hindi na talaga nagbago." At si Kyle Peñaflor, twenty-two. Naging magkaibigan kami no'ng high school.
"Bakit ba?" Naiiritang tanong ko, ayoko sa lahat yung dinadaldal ako.
"Ang sabi ko kasi may car racing mamaya, sasali ka ba?" Sabi ni Joshua. Bukod sa pagmo-model, nagca-car racing din ako at ako lang naman ang rank 1 sa mga racer.
"How much?"
"Almost fifty thousand, but we never know." Curious 'bout me? Well, I have nothing to say about myself but, I'm alone in my life. My parents died in an airplane accident. Nagtatrabaho ako para sa sarili ko.
Nagsimula akong maging model ng mga damit, gamit, kotse at kung ano-ano pa no'ng first-year highschool ako. Mapili ako sa kinukuha kong trabaho. Kapag hindi ko gusto, hindi ko pinapatulan. Walong taon na 'ko sa industriyang ginagalawan ko kaya hindi nyo ko masisisi kung minsan gusto ko ng tahimik.
I joined car racing in my first year of college. Different places, different people I've been to, that's why popularity is covering me. Kung tutuusin hindi ko na kinakailangan na magtrabaho pa dahil milyon milyon na ang perang hawak ko, sa murang edad kong 'to bilyonaryo na 'ko.
"I don't know, I'll think about it." I said.
"Tss, what a--" Joshua cut his words when our classmate entered the room.
"L-lawrence, si P-patricia--"
Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko, bakit binabanggit nya ang pangalan ni Patricia?
"Yung ex ni Lawrence?" Si Jacob ang naunang magsalita. Medyo gulat din.
"O-oo, nando'n s-sa lobby." Humihingal nitong sabi, bakas din sa mukha ang gulat.
"What? Are you crazy?! Patricia is de--"
"Stop it, Kyle." I said and went straight out of the room.
They're calling me but I don't mind listening to them, I want to see that girl. Is she really Patricia? How come? Patricia didn't exist in my world anymore.
"Labas!" Sigaw ko sa mga estudyante sa loob ng elevator, para sa mga mayayaman na estudyante lang ang school na 'to. Walang scholar ang tinatanggap dito, isa ako sa may pinaka-malaking share sa university na 'to kaya isang sabi ko lang, nasusunod ako. Agad-agad kong pinindot ang ground floor at hindi ako mapakali.
Nang magbukas ang elevator, I saw crowded people in the lobby, may isang babaeng binu-bully sa gitna nilang lahat. I just saw her back, napatingin ako sa suot nya. Her attire is like it never existed in this world.
"Hahaha! Nakakatawa ang suot nya."
"Oo nga, sayang maganda pa naman."
"Pero girls, wala ba kayong napapansin sa mukha nya? Kamukang-kamuka sya ni Patricia, yung ex ni Lawrence?"
Dahil sa bulungan nilang ang lalakas naman, hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kanila.
"Tabi!" Sigaw ko at mabilis silang umalis at nabigyan ako ng daan papunta do'n sa babae.
"Who is she?" I asked the one girl na malapit sa'kin.
"W-we don't know, she's so strange."
"Iba ang pananalita nya at tinatanong nya kung anong lugar ba 'to." Sabi pa ng isa.
"Hoy ikaw babae, sino ka? Humarap ka sa'kin." Pagtawag ko sa kanya.
Unti-unti syang humarap, malaya kong napagmasdan ang mukha nya. Halos manlaki ang mata ko at hindi ako makapagsalita. Imposible 'to.
*Flashback two years ago*
Anniversarry namin ngayon ni Patricia, sabi ko sa kanya na sabay na kaming pumasok sa university kaya susunduin ko sya sa bahay nya.
Nakita ko syang nag-aabang sa kabilang kalsada, hindi ako makakapag U-turn kaya tinext ko sya na tumawid nalang, lumabas ako ng kotse ko para abangan sya.
Green light na kaya naglalakad na sya patawid, masaya pa syang kumakaway-kaway sa'kin habang naglalakad ng biglang...
May kotseng dere-deretso ang takbo na akala mo hindi nag-green light, bumubusina ito ng bumubusina. Parang nawalan sya ng preno.
Nagpagewang-gewang ang kotse nya kaya...
Nabunggo nya...
Si Patricia...
Parang tumigil ang mundo ko ng makita kong tumalsik sa malayo ang katawan nya.
Nabato ako sa kinatatayuan ko at hindi agad ako nakagalaw.
**