"Kalalabas mo lang ba ng iyong silid, Ina?"
"Kanina pa, ngunit dumaan muna ako sa paggaganapan ng inyong kasal. Nakahanda na ang lahat Anak, kayo na lamang ang hinihintay." Nakangiti nyang sambit.
"Maraming salamat Ina, sa palagi mong pagdamay sa akin ay lubos kong ikinatutuwa pagkat mayroon akong isang Inang maalaga." Niyapos ko sya.
"Maiba ako, ano't tila sila lamang ang kasama mo Ginoo? Nasaan ang iyong mga magulang? Hindi ba nila batid na ikaw ay ikakasal na?" Pinagmasdan ko ang mukha ni Lawrence, lungkot ang nakikita ko sa kanya.
"Masakit man dahil wala sila sa araw ng kasal ko pero okay lang, sigurado naman akong masaya po sila para sa'kin."
"Paumanhin Ginoo, hindi ko batid na namayapa na ang iyong mga magulang. Gayunpaman, narito ako upang humalili sa kanila. Habang buhay ako, ako ang iyong magiging Ina." Wika ni Ina habang nakangiti.
"Salamat po, Mahal na Reyna." Ngumiti sya, iyong ngiting lagi kong nais na makita.
"Madali kayo pagkat nais kong magsimula na ang kasal."
**
Lawrence~
"Bro, congrats ha. Nauna kang matatali kesa sa'min, akala ko ba sabay-sabay tayo?" Sabi ni Joshua.
"Oo nga, hindi mo man lang kami hinintay." Si Jacob. This time, ramdam kong seryoso sila. Pinangako namin 'yan sa isa't-isa dati but what can I do? This is my fate.
"I just want to remind you bro that we're always here for you. Kahit may asawa kana, nandito parin kami. Tsaka walang kalimutan ha?" Madramang sabi ni Kyle.
"Oo naman. Salamat sa inyo." Masayang bati ko at nag man to man hug kami. "Masaya ako dahil kayo ang naging kaibigan ko, until the day that I'll get married, you guys never leave my side. All of you stand as my family, I will treasure you forever bro's." Para kaming mga babae na maluha-luha ngayon, minsan lang kami maging ganito kaseryoso. Nakakahiya mang aminin pero pagdating sa ganitong moment? Madali kaming maiyak, hahaha.
"Wala 'yon sa'min, ano tara na? Baka mauna pa sayo si Hyacinth hahaha." Lokong Joshua talaga 'to oh.
Paglabas namin may nakaabang nang kawal.
"Sumunod po kayo sa'kin mga Ginoo."
Sumunod nga kami sa kanya at dinala nya kami sa kwarto...
Ni Hyacinth, na akala mo isang napaka-gandang diwata, anghel o ano pang pwedeng itawag sa kanya.
"Wow, may mas igaganda pa pala si Hyacinth." Sabi ni Joshua.
"Grabe, mas maganda pa sya sa isang diwata." Jacob.
"Very stunning." Kyle. Lahat sila halos mapanganga na.
"Stop fantasizing my bride, she's mine."
"Mahal na Prinsesa, naririto na sila." Sabi ng kawal.
"Halika na, mahal ko." Nakangiti nyang nilagay ang kamay nya sa braso ko, yung tatlo naman nasa likod lang namin.
May taling pinatong sa'ming dalawa, parang sa simbahan din pero bakit ngayon? Tsaka bakit sabay kami? Diba dapat una ako sa altar?
"Ganito ba ang tradisyon ng pagkakasal sa inyo Hyacinth?" Tanong ni Joshua.
"Syang tunay."
"Kakaiba pala talaga dito 'no?" Jacob.
"Mas maganda yata yung sa'tin bro, hahaha." Kyle.
"Manahimik na nga kayo dyan." Sabi ko nalang.
"Nariyan na sila, magbigay pugay sa ikakasal." Sabi ng Reyna, lahat ng mga tao sa parteng 'to ng kaharian ay lumuhod.
Tama si Hyacinth, madami ngang bisita. Kung sa simbahan namin siksikan na sila, eh dito kalahati palang ng parteng 'to ng palasyo ang sinakop nila.
Naglakad kami sa pulang carpet, at least ito parehas ng sa'min. Nakarating kami sa baba ng trono, meron do'n isang matandang lalaki. 'Yon siguro ang magkakasal sa'min, nagsimula ang pagbabasa nya. Parang nagmimisa, tapos merong kulay blue na parang tinta na tinuldukan ng tatlo ang gitna ng noo namin.
"Ngayon, isa na kayong ganap na mag-asawa. Maaari mo ng halikan ang iyong kabiyak, ginoo." 'Yon lang yun? Walang vows?
"'Yon lang po yun? Walang pangakuan para sa isa't-isa?" Tanong ni Joshua, salamat bro ha. Na-voice out mo.
"Ang pag-iisang dibdib na nagaganap dito sa aming kaharian ay isang tanda ng pangako sa isa't-isa, hindi na kailangan pa ng anumang salita. Isa pa, hindi mahalaga ang bagay na iyon dito pagkat sa oras na makasal ka, tungkulin mong gampanan ang lahat. Gusto mo man ito o hindi." Sagot ng nagkakasal sa'min, ah gano'n pala 'yon.
**