"Kung gayon, bilisan nyo na ang pagkain." Nakangiting sabi ni Hyacinth tapos itong mga gunggong naman na 'to parang bata na inaagawan ng pagkain."Hoy umayos nga kayo dyan!" Bulong ko sa kanilang tatlo.
"Bilisan daw kasi eh." Joshua.
"Excited na 'ko 'no." Jacob.
"Oo nga, kumain ka na lang din dyan Lawrence." Kyle.
"Jeez, paano ko ba kayo naging mga kaibigan! Tss." Nakakahiya ang mga 'to.
"Nakakatuwa ang mga kaibigan mo Ginoo." Nakangiting sabi sa'kin ng Reyna.
"Eh hehe, medyo lang po." Nahihiya kong sagot at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
*
"Wow, grabe! Napakalaki talaga ng kaharian nyo Hyacinth, inabot na tayo ng gabi pero kalahati palang nalilibot natin?!" Manghang sabi ni Joshua.
"Oo nga, I'm tired bro's." Jacob.
"We're not done yet hoy, may labas pa!" Energetic na sabi naman ni Kyle, isip bata din 'to minsan eh 'no.
Tumawa ng mahinhin si Hyacinth. "Maaari tayong magpatuloy bukas kung inyong nanaisin."
"Bukas nalang ulit, mahal ko. Medyo pagod na rin ako eh." Sabi ko.
"Teka, gusto ko pa!"
"Oh sige Kyle, mag-isa ka nalang. Pag may nakasalubong ka dyang kalaban, magiging alaala ka nalang." Sabi ko at nagtago naman sya sa likod ko.
"Kung iyan ang iyong nais, ihahatid ko na kayo sa inyong magiging silid. Sumunod lamang kayo sa akin." Naglakad ulit sya.
Nakarating kami sa isang kwarto na bumukas no'ng itinaas ni Hyacinth ang kanyang palad.
"Wow, high tech ah." Joshua.
"Ito ang inyong silid, maliit lamang ito ngunit tiyak kong kakasya na kayo rito."
"Anong maliit ka dyan, eh parang dalawang condo na 'to eh!" Nagugulat na sabi ni Jacob.
"Isa lamang ito sa mga silid pang panauhin, kung may nais pa kayo, magsabi lamang kayo sa mga kawal na nakabantay sa labas. Maaari ko na ba kayong iwan?" Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Kyle, pasaway talaga!
"Ilan ba ang kwarto dito, Hyacinth?"
"Apat na raan ang silid na naririto sa buong palasyo bukod pa ang silid ng aking Ama at Ina maging ng sa akin, bakit mo naitanong?"
"Four hundred?! Grabe ang dami naman!"
"Marami ang naninirahan sa loob ng palasyong ito. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang silid at ang laki ay depende sa dami nang kanilang bilang. Magmula sa mga bulwa, sa mga kawal hanggang sa pinamakataas na punong konseho kung kaya't ganoon karami ang silid na naririto."
"Grabe, sobrang solid ng kaharian mo. Baka pwede namang makahingi ng isa--"
"Hoy Kyle tumigil ka na nga! Ah Hyacinth, sige na magpahinga ka na, mahal ko." Yumakap ako sa kanya.
"Nawa'y magkaroon ka ng payapang pagtulog, mahal ko." Sabi nya at umalis na.
**
Hyacinth~
"Ngayong payapa na ang ating kaharian ng dahil din sa'yo ay maaari ka ng bumalik sa mundong pinanggalingan ng iyong minamahal aking Anak. Ihatid mo na ang iyong mga panauhin, ayos na ako rito. Kaya ko nang pangalagaan ang aking sarili." Wika ng aking Ina.
"Ngunit hindi kita maaring iwan mag-isa. Kahit ganap ng payapa ang ating kaharian, anong malay natin at may magbabadya ulit?"
"Mas uunahin ko ang kapakanan mo Anak kaysa sa iba pa, kaya sige na. Humayo na kayo, mahal kong Anak."
**
Iyan ang huling usapan namin ni Ina, sa ngayo'y may ilang linggo na kaming nakabalik sa mundo ng mga tao mula sa aming kaharian.
"Mahal ko."
"Narito ka na pala? Kamusta ang iyong trabaho?"
"Ayos lang, ang dami ngang hassle sa office eh." Inihiga nya ang kanyang ulo sa aking mga hita, ilan sa kanilang mga salita ay unti-unti ko ng nauunawaan pagkat sinasanay nya ako.
"Nais mo bang ipagluto kita ng makakain?"
"Mahal ko, Prinsesa ka. Ikaw ang dapat pinagsisilbihan ko."
"Ngunit wala ako sa aming kaharian mahal ko, hindi mo na kailangan pa na ituring akong Prinsesa. Kaya sige na, maupo ka na at ipagluluto na kita." Hindi sya nagpatalo at hinawakan ako sa aking kamay kaya't muli akong napaupo, hinawakan nya ang mga kamay ko.
"Hyacinth, nasa kaharian ka man o wala. Kahit na wala kang korona suot, ituturing parin kitang Prinsesa. Kaya 'wag ka ng makulit at pumasok kana lang sa kwarto mo, matulog na tayo." Hinagkan nya ang likod ng aking mga palad.
"Ngunit hindi ka pa naghahapunan."
"Okay na 'ko, kumain na 'ko sa office kanina."
"Nakasisiguro ka ba?"
"Oo naman, sige na. Matulog kana, goodnight mahal ko." Hinagkan nya ang aking noo.
"Hangad kong maging maganda ang iyong pagtulog, mahal ko."
Sinarado ko na ang pinto ng aking silid at payapang natulog, kay sarap sa pakiramdam ng magmahal at mahalin. Ito ang bagay na hindi ko naramdaman kay Mulan.
Ang kapalarang aking tinahak ay naiiba sa lahat, gayunpaman, puno ng galak ang aking puso.
**