EPILOUGE

1.3K 35 0
                                    


Sa paglipas ng maraming taon, gaya ng inaasahan ng Reynang si Hyacinth, ay sumakabilang buhay ang taong nagmula sa mundo ng mga tao.

Nagkaroon ito ng malubhang karamdaman na sa dalawang magkaibang mundo ma'y hindi na nabigyan ng maayos na panlunas.

Ang lalaking kanyang minahal at pinag-alayan ng kanyang puso, ang lalaking nakasama nya sa lahat ng digmaang kanilang kinaharap.

Ang lalaking nagbigay sa kanya ng saya at nagparamdam sa kanya ng matiwasay na pagmamahal, lalaking makakasama nya hanggang sa huling hantungan.

**

"Ina, bakit kailangan nyo pa ako sa inyong pagpupulong?" Tanong sa kanya ng kanyang Anak.

"Nais kong masaksihan nyong lahat ang aking isasagawa sa mga oras na ito." Bigkas ni Hyacinth na nakaupo na lamang sa kanyang trono pagkat hindi na nya kaya pang makatayo ng maayos.

"Ang koronang iniwan ng aking Hari ay napapanahon nang maipasa sa aming nag-iisang anak."

"Ano? Ngunit Ina, hindi ko nais na humalili kay Ama. Napakalaking resposibilidad ang sa akin ay inyong pinapataw." Taliwas na turan ng kanyang Anak.

"Maging ang iyong Ama ay ganyan din noong una syang patawan ng ganitong bagay, ngunit buong loob nya itong ginampanan. Buong tapang nya itong kinaharap na batid kong nananalaytay din saiyong dugo aking Anak, kaya naman huwag mo kaming bibiguin lalo na ang iyong Ama."

Nais pa sanang magsalita ng Prinsipe ngunit hindi nya na lamang ito tinuloy, gaya ng kanyang Ina ay paslit pa lamang sya ay hinuhubog na sya ng mga ito sa kakaharapin nyang buhay. Hindi nya nais na mabigo nya ang mga ito.

"Kahapon lamang ng mawala ang aking Hari, na syang aking buhay. Patawad Anak kung maaaga kang mauulila, matagal na naming nailathala ito sayo hindi ba? Na ang pagkawala ng iyong Ama ay sya ring aking katapusan."

Humihirap ang kanyang paghinga, tanda na ilang sandali na lamang ay mawawalan na sya ng malay.

"Nais ko lamang ipabatid sayo na mahal na mahal ka namin Anak, pagbutihin mo ang pagiging isang pinuno. Isuot mo saiyong magiging Reyna ang aking korona. Pagkaingatan nyo ito at ipamana sa ating mga susunod pang lahi." Tumatangis na sya, maging ang kanyang Anak at iba pang mga taong nakakasaksi ng kanyang huling habilin.

"Ina." Tangis na wika ng kanyang Anak.

"Ang kahariang ito ay ituring mong aming puso, pagkaingatan mo ito na gaya namin ay hanggang sa huli naming hininga. Matiwasay kong tatanggapin ang aking pagkamatay pagkat ito…
















Ang aking kapalaran." Kasabay ng mga huling binigkas ay sya ring kanyang huling hininga.

Wala na si Hyacinth, wala na ang Reyna.

Dumulog ang Prinsipe sa tronong kinauupuan ng kanyang Ina at doon ay malayang umiyak.

Ang Reynang nagbubuwis ng buhay, ang Reynang kailanman ay hindi pinabayaan ang kanyang mga nasasakupan.

Ang Reynang naging bayani ng lahat, ang kanyang Inang Reyna ay pumanaw na.

Masakit ngunit tanggap nya ang kapalarang kinaharap ng kanyang Ina, maayos na itong makapagpapahinga kasama ng kanyang Ama.

"Ipinapangako ko Ina, sa lahat ng naririto ako ay susumpa. Gaya ng inyong ginawa ni Ama ay iaaalay ko ang aking buhay sa ating kaharian! Mananatili itong nasa ating lahi hanggang sa ako ay mamatay!" Isinuot nya ang naiwang korona ng kanyang Ama. "Aking Ama't Ina, ipinagmamalaki ko kayo."

**

Gaya ng mga iniwang sumpa, ang kahariang Chanta ay nananatiling matayog at mapayapa. Ito ay pinagkaingatang lubos.

Ito ay sumisimbolo sa pagiging magiting ng Hari at Reyna na mula sa magkaibang mundo ay tumungo ng sabay sa buhay na walang hanggan.










W  A  K  A  S  ...





**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon