Kabanata 37: Hari't Reyna.

1.1K 24 0
                                    


"Tsaka yung buhay ko sa mundo natin? Hindi ko naman 'yon tatalikuran. It's just that, with here? I finally found a family. Well you will always be part of my life guys, you know how much I treasure you, right? Besides I know how to approach others naman--"

"Pero dude, hindi ito ang mundo mo." Singit ni Joshua sa sasabihin ko pa. Kitang-kita sa mukha ang hindi nya pag-sang-ayon.

"Alam ko, pero nakita nyo naman 'di ba? Maayos tayong tinanggap ng mga tao dito. Mula no'ng pinatong ang koronang 'to sa'kin, tinanggap ko na rin lahat ng responsibilidad. Kung natanggap ko nga si Hyacinth, of course I can accept all people here. This is all new to me but Hyacinth will be there to guide and lift me up, this is my fate and I am accepting it."

"Hindi na ba magbabago 'yan?" Jacob.

"Kung ito yung kapalit para manatili sa buhay ko si Hyacinth? Wala na sigurong dahilan para magdalawang isip pa 'ko pre."

"Mahal na mahal mo talaga 'no?" Kyle.

"Sobra, kung nagawa kong sumugal no'ng umpisa palang para sa kanya, kaya kong sumugal ng sumugal kahit buhay ko na yung itataya ko."

**

Hyacinth~

Koronang pinatong sa aking ulo, habang buhay na responsibilidad ang sa akin ay ipinataw. Ang nakatakda ay syang naganap maliban sa isa.

Ang pagmamahal ng lalaking hindi ko kauri ay lubhang hindi katanggap tanggap sa aming lahi, ngunit napipigilan ba ang pusong umiibig?

Ako si Hyacinth, ang nag-iisang anak ng dating Hari at Reyna. Isang masiyahin, mahinhin, mabait, ngunit isang babaeng mabangis sa lahat.

Ngunit ngayon ay isa nang Reyna na magtatanggol sa kanyang nasasakupan, isang Reynang magpapanatili ng kapayapaan. Isang Reynang may paninindigan.

"Kamusta ka, Ama? Isa na akong ganap ng Reyna, ang inyong itinakda ni Ina ay sya ng ipinatupad. Tila nais ko na lamang na bumalik sa pagiging Prinsesa." Narito ako sa puntod ng aking Ama, hindi ko ikakaila na maging hanggang ngayon ay dinaramdam ko parin ang kanyang pagkawala.

Tila kahapon lang nang mangyari ang lahat, hindi ko batid kung hanggang kailan mapapayapa ang aking kalooban ngunit umaasa ako na nalalapit na ito.

"Anak? Muli ka nanamang tumatangis?"

"Oh Ina, tapos ka na bang manguha ng mga bulaklak?"

"Oo, narito na." Ipinatong nya iyon sa mismong lupa na nakatabon sa napwe(kabaong) ng aking Ama.

"Kay gaganda nila, Ina." Pinahid ko ang aking luha.

"Dinaramdam mo parin ang kanyang pagkawala tama ba ako?"

"Ang bagay na iyon ay hindi maiaalis sa akin ina, maging saiyo rin."

"Batid ko Anak, pagkat pareho lamang tayo ng nararamdaman. Ngunit batid ko na batid mo ring may mga bagay na iniiwan na lamang sa nakaraan. Huwag kang pakukulong sa sakit na iyong nararamdaman Anak, tandaan mo, may asawa ka na at di magtatagal ay lalaki ang iyong Anak na hinuhubog mo na ngayon pa lamang upang maging isang mahusay na mandirigma ng sa gayon ay sa hinaharap ay sumunod sya sa yapak ng kanyang Ama. Nais mo ba na sa pagdating ng panahon na iyon ay ganyan ka pa rin? Nakakulong sa malungkot mong nakaraan?"

"Ano ka ba Ina, syempre ay hindi. Nangungulila lamang ako kay Ama, tila kahapon lamang nang sya ay nawala."

"Kapag may taong nawala, may taong papalit Anak, at naririto na sya." !Ngumiti ang aking Ina sa aking likuran.

"Aking Hari." Mahinang sambit ko.

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Ina.

"Mag-iingat ka, Ina." Sagot ko naman. "Halika mahal ko, tabihan mo ako rito." Lumapit sya sa akin at dinaluhan ako sa pagkakaupo.

"Nami-miss mo 'no?" Sambit nya.

"Nakakalungkot lamang kung isipin, ang huli naming pag-uusap bago ako bumalik ay alitan pang naganap. Pinagsisisihan ko na ako'y tumutol sa nais nilang mangyari at sila'y tinalikdan."

"Somehow, naging maganda rin 'yon, mahal ko. Dahil kung hindi, edi sana hindi kita kasama ngayon. Sana wala ako dito sa mundo nyo."

"Marahil nga, kung alam ko lamang sana na mangyayari iyon, hindi sana alitan ang huling alaalang binigay ko sa kanya."

"Pero sabi mo naman 'di ba na nagkausap kayo bago talaga sya mamatay? Siguro napatawad ka na nya no'n, mahal ko." Isinandig nya ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib.

"Kayhirap lamang talagang tanggapin."

"Alam ko ang nararamdaman mo, kasi ako namayatan din ng magulang. Dalawa pa 'yon ah, pero sabi ko, tuloy lang ang buhay."

"Syang tunay, mahal ko. Gaano man kasakit ang pagkawala ni Ama ay malugod kong tinanggap na sya ay hindi na muling magbabalik pa." Tumayo ako sa aking pagkakaupo. "Tayo na sa ating palasyo, mahal ko." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at dinampian nya ng halik ang likod nito.

"Tara na sa palasyo natin, mahal ko. Hinihintay na tayo ng little prince natin." Ngumiti sya at gayundin ako.

Ilang buwan mula ng kami ay ikasal ay agad kaming biniyayaan ng isang munting paslit, ang aming Prinsipe. Kay sayang magkaroon ng matatawag mong sarili mong dugo't laman.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon