Kabanata 23: Gold and diamonds.

1K 26 0
                                    

Lawrence~

Hay nako, puputi na yata ang buhok ko sa kunsumisyon sa babaeng 'yon. Kung hindi ko lang 'yon mahal, pinalayas ko na ulit 'yon. Pero syempre, joke lang 'yon. Kahit maubos pa pera ko kakabili ng appliances, okay lang.

"Okay na po Sir, papirma nalang po." Kinuha ko ang resibo at pinirmahan.

"Salamat." Bumili na kasi ulit ako ng mga bagong appliances.

All those things na nasira nya ay hindi ko na binalak na ipaayos pa. Pinagtatapon ko na lahat, she's impossible. Paano nya nagawang sirain lahat ng appliances na 'yon gamit lang ang isang kamay nya. As in, durog na durog talaga lahat.

"Lawrence, bumili ka ng mga bagong kagamitan?" Napahawak ako sa dibdib ko ng lumabas si Hyacinth sa kwarto nya at naka night gown pa.

"Jeez, ano ba yang suot mo? Napaikli."

"Oo tama ka, may ganitong kasuotan ako saming kaharian ngunit hanggang paa iyon. Ang isang ito'y kalahati lamang ng aking hita ang sinakop."

Jeez, I'm a man Hyacinth, a man!

"Where did you get that dress huh?" I was about to close the door when I heard noisy people.

"Woah, woah. Don't close the door bro." Sila Joshua!

"Hinihintay mo ba kami? Ang sweet ah." Jacob.

"Pasok na kami ah." Kyle.

Siniksik nila ako sa pinto kaya malaya silang nakapasok.

"Nag-shopping ka?" Joshua.

"Iba talaga kapag mayaman 'no?" Jacob.

"Oo nga eh, waldas lang ng waldas." Kyle.

"Ano ba umalis nga kayo d--"

"WOW!" They said in unison, I hurriedly came to Hyacinth who is looking at them innocently. I hugged her just to hide her body to this three assholes!

"Kayong tatlo? Humanda kayo sa'kin mamaya!" Dinala ko si Hyacinth sa kwarto nya.

"Lawrence, sino sila?"

"Ikaw! Magpalit ka nga ng damit! Kapag may lalaki wag kang magpapakita ng ganyang damit!" Eh kasi naman eh, nakakainis.

"Pinag... tataasan mo nanaman ako ng iyong tinig Lawrence."

"Sorry, sorry. Saan mo ba kasi nakuha ang damit na 'to?"

"Ikaw ang nagbigay nito sa akin."

Oo nga pala, sa kanya ko pinagamit ang mga damit ni Mommy. Bukas na bukas nga mamimili ako ng mga damit nya.

"Wag ka ng magsusuot ng ganyan kapag may lalaki ha."

"Pero ikaw man ay lalaki rin."

Oo nga 'no, "Eh teka, iba ako. Kasintahan mo 'ko 'di ba? Sige na magpalit kana." Lumabas ako.

"Aray naman, bro!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong bugok na 'to ng batukan ko silang prenteng nakaupo sa sala at may nginangata pa.

"Ang kakapal ng mukha nyo 'no? Basta basta nalang kayong pumupunta dito ng walang pasabi!"

"Hoy, lagi naman kaming ganito ha!" Sabi ni Joshua.

"Just tell us bro, how did you find her?" Jacob asked.

"How many rounds she can take?" Kyle.

"Assholes! Stop saying nonsense or I'll break your face!"

"Eh kasi naman bakit nandito sya?" Joshua.

"Kase dito na sya nakatira." Sagot ko.

"Oh my f! Live in na kayo?! Mai-post nga sa insta, sigurado ako trending ka nanaman!" Jacob.

"Eh kung basagin ko kaya yang phone mo?"

"Sabi ko nga eh, joke lang."

"Pero bakit dito? Wala ba syang bahay?" Kyle.

"She has nowhere to go, besides she's my girlfriend. Nothing more is happening to us, I just wanna make it clear."

"Poor Hyacinth." Joshua.

"Nagkakamali ka bro, mas mayaman pa sya sa'ting apat."

"Eh? Wala ngang bahay 'di ba?"

"Meron, malayong malayo lang."

"Kung mayaman nga sya, ba't hindi sya bumili ng sarili nyang condo?" Kyle.

"Para saan pa? Nandito naman ako. Basta mas mayaman pa sya sa'ting apat, kahit pagsama-samahin pa nating ang mga yaman natin."

"Weh? That's impossible bro." Joshua.

"You know me bro, I'm not a liar. Believe me, her world is covered with gold and diamonds."

"Then show us what she got." Jacob.

"Dadating tayo dyan." Sabi ko at inumpisahan ng magluto ng lunch, "Dumagdag pa kayo sa ipagluluto ko eh 'no?"

"Bakit hindi ba marunong magluto 'yon?"

"Sabi ko naman sayo 'di ba? Mayaman 'yon, napapalibutan ng bodyguards at maids. Vegetables for lunch, assholes." Nginitian ko sila ng maloko. 'Di ko maiwasang hindi matawa.

"Seriously? Naghihirap ka na ba? Even if you've lost your career, hindi ka mauubusan ng pera so what's with the vegetable for lunch?" Kyle.

"Hahaha! Hindi sya kumakain ng mga meat at pork kahit baka."

"Ano? Tsk, sabihin mo nga, tao ba 'yon?" Tanong ni Joshua, tumawa lang ako.

"Lawrence, maaari na bang lumabas?" Sumilip sya sa pinto.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon