"Bro, niloloko mo ba kami? Anong gagawin natin sa punong 'to?" Dito agad kami pumunta, tinanggal lang namin ang toga namin at hindi na nagpalit."Ito ang lagusan patungo sa mundong aking ginagalawan, ano man ang masasaksihan at malalaman nyo ay sana'y maluwag nyong matanggap." Si Hyacinth, seryoso ang mukha nya. "Mapapatunayan ko lang na tapat kayo sa akin at kung matatanggap nyo ang katauhan ko kapag nakapasok kayo dyan." Tinuro nya ang puno.
"Tayo? Papasok dyan? You must be kidding me Hyacinth, imposible 'yan." Jacob.
"May tiwala ba kayo sa akin?" Tumango kaming apat. "Malalaman natin." Humarap sya sa puno. "Lagusan, pahintulutan kaming makapasok." Sabi nya. "Bago nyo hawakan ang katawan ng punong ito ay maghanda na kayo, lawakan nyo ang inyong pag-iisip, tayo na." Sabay-sabay naming hinawakan ang puno.
"Aahhh!!" Sabay-sabay na sigaw naming apat. Para kaming nahuhulog sa bangin.
"Aray!" Sabay-sabay din naming daing at hinawakan ang pwet namin.
"Narito na tayo."
"Hyacinth naman, gubat parin 'to eh." Reklamo ni Kyle.
"Ito ang aking mundo, tsaka ko na ipapaliwanag sa inyo kapag may pagkakataon." Sabi nya.
"Bro, naka-drugs ba sya?"
"Shut up, Joshua."
"Dude, this place is creepy."
"I feel you, Jacob."
"Will all of you just shut up?!" Sigaw ko sa kanila. Ang iingay eh.
Tinignan ko si Hyacinth, hindi sya masyadong malayo sa'min. Nakapikit sya.
"Hyacinth, anong ginagawa mo?"
"Pinakikinggap ko ang nagaganap sa palasyo, at hindi ko nagugustuhan ang aking naririnig."
Nagkatinginan kaming apat.
"Hyaci--" napatakip kami ng tenga ng bigla syang umungol na parang lobo, basta yung para syang may tinatawag, ilang saglit lang may narinig kaming tumatakbo papalapit sa'min.
"Kamusta kaibigan? Kinagagalak kitang muling makita." Sabi nya sa...
Kabayo? Kabayong pa-triangle, kasi isa sa unahan, tapos may nakakabit na dalawa sa likod. Gets nyo?
"She's getting wierd again." Joshua poked me.
"Sila ang mga panauhin ko, ngunit wala na akong oras upang ipakilala pa sila isa-isa. Kayong apat, sumakay kayo sa kabayo." Napanganga kami.
"Hindi kami marunong mangabayo." Sabi ko.
"Wala akong nabanggit na kayo ang magpapatakbo, sakay na. Bawat sandali'y mahalaga." Napaka-seryoso nya kaya wala nalang kaming nagawa kung hindi ang sumakay.
"Woah!" The four of us shout.
"I don't want to die this early Hyacinth!" Joshua.
"Paumanhin, nais ko lamang magmadali, hyah!" Lalo pang bumilis ang takbo ng kabayo.
"Wow, nakikita nyo ba 'yon bro? Parang palasyo!" Kyle.
"Oo nga, nasa united kingdom ba tayo?!" Joshua, tuwang-tuwa sila sa nakikita nila.
Hindi ko itatanggi, napaka-ganda ng lugar na 'to. Napaka-lawak, talaga namang labas palang ng palasyo ay napakaganda na.
"This is what I told you guys, her world is covered with gold and diamonds."
"You're right, if I know you being poor? Iisipin kong piniperahan mo lang sya hahaha!" Jacob.
"Paparating ang prinsesa! Buksan ang tarangkahan!" Rinig naming sigaw ng mga lalaking nasa taas ng tower, 'yon ba ang mga kawal na sinasabi nya?
Bumukas ang malaking pinto, gulat kaming apat. Maraming nakakalat na bangkay, mga duguan sila.
"Maganda sa labas, pangit sa loob pare. Uwi nalang tayo." Natatakot na sabi ni Kyle.
"Hindi ba't binalaan ko na kayo? Ihanda nyo ang mga sarili nyo sa pagpasok sa aking mundo, ngunit wag kayong mag-alala. Nasa ilalim kayo ng aking pangangalaga."
"Salamat, mahal ko." Ngumiti lang sya ng tipid.
"Kawal? Anong nangyari dito? Sinong lapastangan ang naghasik ng kaguluhan sa aking palasyo!" Sigaw nya, ibang iba sya ngayon.
Hindi ko na nakikita ang masayahin, mabait at mahinhin na Hyacinth, ang nakikita ko ay isang mabangis na leon at tigre.
Yung apat nakatulala lang, I bet natatakot silang magsalita.
"Muling naghasik ang kaharian ng Naja sa tulong pa ng kahariang Poho, marami nang kawal natin ang napaslang mahal na prinsesa."
"Nasaan sila?"
"Patuloy ang labanan na nagaganap sa loob ng palasyo."
"At bakit naririto kayo?"
"Ipinaiwan kami ng punong kawal dito upang magbantay kung sakaling mayroon pang ibang dumating, Mahal na Prinsesa."
**