Kabanata 27: Muling pagsalakay.

1K 22 0
                                    


Humarap sya sa'min, "Huwag kayong hihiwalay sa akin, ipangako nyong hindi kayo hihiwalay sa akin!" Nag-aalab sa galit ang mga mata nya.

"O-oo." 'Yon lang ang nasabi namin, pinatakbo nya ulit ang kabayo at dumaan sa isang parang kweba. Dim ang ilaw dito, parang sikretong daan ang dating sa'kin nito.

"Narito ang mga sandata, kumuha kayo ng isa na nais nyong gamitin upang pangalagaan ang inyong mga sarili." What? No way!

"We're not a killer, Hyacinth!" Joshua.

"I'm not going to use any of those!" Jacob.

"Me too, s-sorry." Kyle.

"Hyacinth, gusto mong pumatay kami?"

"Kung kinakailangan lamang Lawrence, hindi nyo batid ang sasalubong sa inyong pagpasok sa loob. Nais nyo bang mapaslang dito?"

Nagkatinginan kaming apat, wala kaming nagawa kung hindi gawin ang sinabi nya.

"Walang problema kahit ilan pa ang paslangin nyo, sa lugar na ito. Walang batas na gaya ng sa inyo." Pagkatapos pinatakbo nya ulit yung kabayo.

"Kung kinakailangan lang mga bro." Sabi ko na lang sa kanila.

Ilang pinto pa ang dinaanan namin, patunay lang na napakalaki talaga ng palasyo na'to dahil ang lalaki ng mga kabayo pero nakakapasok sila sa loob.

May naririnig akong kalansing ng mga bakal 'yon pala may nag eespadahan sa madadaanan namin, may mga naka-itim at naka-blue.

Walang habas na inespada ni Hyacinth ang mga nakaitim na damit, patay lahat ng nadadaanan namin. Parang wala lang sa kanya ang pagpatay.

"Bro, she's scary." Joshua said na bahagya pang nanginginig.

"I didn't know that she would be brutal like this." Jacob.

"That's how they lived here, Jacob." I said.

"Adventure ayt?" Tss, Kyle.

Nakarating kami sa isang napalaking space, tapos sa harap may dalawang malaking upuan na napapalibutan ng mga diamonds.

'Yon siguro ang trono ng hari at reyna.

"All I can see is gold and diamonds dude." Manghang sabi ni Joshua.

"Totoo ngang mas mayaman sya pare." Jacob.

"Pwede bang dito nalang ako tumira?" Kyle.

"Eh kung isaksak ko kaya sayo 'tong espadang 'to? Uunahan mo pa'ko eh."

"Joke lang 'no."

**

Hyacinth~

Muli nanaman akong nanggagalaiti sa galit, pagkatapos ba ng aking Ama ay ang aking Ina naman ang susunod nilang papaslangin?!

"Wala ka nang hari na katulong sa pamamahala ng kahariang ito Hyana, ipaubaya mo na lamang ito sa amin." Sabi ng hari ng mga poho.

"Ikamatay ko man ay hindi ko isusuko ang kahariang itinayo ng aking Hari! Bilang reyna ng kahariang ito, hanggang kamatayan ako ay lalaban!"

Sigaw ng aking Ina, nakababa na ang kanyang espada at sugatan na rin. Hindi ko naiibigan ang aking nakikita, muli nanamang mababahidan ng dugo ang aking mga kamay.

"Wag kayong aalis dito, kaibigan ikaw na ang bahala sa kanila." Bumaba ako ng kabayo at unti-unting naglakad papunta sa kanila.

Nakatalikod sila sa akin pagkat nakatutok ng espada ng hari na lapastangan sa leeg ng aking Ina.

"Kung 'yan ang 'yong nais, makakamit mo ang kamatayang iyong hinihingi."

Itinutok ko rin ang espada ko sa leeg ng haring lapastangan.

"At sa tingin mo'y hahayaan ko iyong mangyari?" Matapang kong bigkas.

"Ang prinsesa ng kahariang Chanta."

"At ang lapastangang hari ng kahariang Poho, haring nakakasulasok ang pagmumukha." Taas noo kong sagot.

"Kay lakas ng loob mong labanan ako? Kaya mo ba ang iyong sarili?"

"Wag mo akong tanungin ng bagay na ikalulungkot mo ang magiging sagot, lapastangan. Batid mong mas malakas pa ako higit na kanino man, bitawan mo ang sugatan kong Ina at ako ang iyong harapin!" Humarap sya sa akin.

"Ano sa inaakala mo ang kaya mong gawin sa akin? Paslangin ako?"

"Hindi ba? Papaslangin kita sa paraan kung paano ko pinaslang ang hari ng mga Naja! Isang malaking pagkakamali ang paghahasik mo ng digmaan dito sa aking kaharian!"

Tumawa sya na akala mo'y demonyo.

"Masyado mo akong pinapatawa paslit na Prinsesa."

Lumakad ako ng dahan-dahan palibot sa kanya, "Paslit na Prinsesa? Tatlong daan na akong nabubuhay, sino sa atin ang paslit, lapastangan?"

"Hindi mo pa ako lubusang kilala!" Singhal nya.

"Gaya ng sa akin? Hindi mo pa ako lubusang kilala." Buong tapang kong salita.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon