"Masusunod."
"May mga paparating! Ihanda ang mga pasabog!" Sigaw ng isang kawal.
Pinagmasdan ko ang mga paparating.
"Sandali lamang, hindi sila kaaway." Sila ay galing sa kahariang Kindo.
"Nagagalak akong muli kang makita mahal na prinsesa." Wika ni Mulan na nakasakay sa kanyang kabayo.
"Na syang taliwas sa aking nararamdaman, Prinsipeng walang kakayahan." Nanggagalaiti kong wika.
"Sandali lamang prinsesa, ano't tila galit na galit ka? Narito ako upang tumulong sa inyo."
"At noong napaslang ang aking Ama ay nasaan ka? Ngayon ka pa lilitaw kung kailan patay na ang aking Ama?! Umalis ka na lamang. Hindi ko kailangan ng iyong tulong."
"Ikaw ay aking mapapangasawa kung kaya't hindi ko dapat na hayaan ka lamang sa isang digmaan." Naalala ko ang sinabi ni Ama.
"Bahala ka." Sabi ko na lamang sa kanya at sumakay na sa aking kabayo "Hangga't maaari, iwasan nyong mapaslang. Paslangin lahat ng kawal na manlalaban, wala kayong ititira miski isa man sa kanila, sa akin ang haring lapastangan. Tayo na! Ngayong araw na ito, dadanak ang dugo! Hyaa!!" Pagpalo ko sa kabayo ay agad itong tumakbo, nakasunod ang aking mga kawal maging si Mulan.
Bata pa lamang ay hinubog na ako upang matutong lumaban sa isang digmaan, maraming kaalaman at kakayahan ang tinubo sa aking pagkatao.
Noon ay hindi ko nais na kumitil ng buhay, subalit ngayon ay kikitil ako para sa aking Ama. Buhay sa buhay, hari sa prinsesa.
Hindi rin nagtagal ang aming paglalakbay at nang makarating kami sa kaharian ng Naja ay kalat na ang aking mga hukbo, mabilis nagsilabasan ang kanilang mga kawal. Tila inaasahan nila ang aming pagdating.
"Mag-iingat ka mahal na prinsesa, iwasan mong mamatay."
"Hindi ako naparito upang mamatay Mulan, narito ako upang maghiganti. Sugod!" Bigay senyales ko.
Mabilis na lumusob ang aking mga kawal, tila nararamdaman nila ang poot at galit ko. Para saiyo ito Ama, hustisyang nararapat lamang na ialay saiyo.
Diniretso ko ang aking kabayo hanggang sa loob ng kanilang palasyo, ang hari ang habol ko, iyon lang at wala ng iba pa.
**
Lawrence~
"Ano ba Lawrence, kanina ka pa, hindi ka ba makakapag-focus? Ang papangit ng mga shots oh, ayusin mo naman ang pagmomodel mo!" Sigaw sa'kin ng photographer ko.
"Sabi ko kasi gusto kong mag day-off pero ano?! Pinasundo mo pa 'ko!" Sigaw ko pabalik.
"Sobra na kung ipo-postponed nanaman ito Lawrence, all magazine corporation is waiting for this so please, cooperate?! You've been like that for two months!"
"At ngayon sinisigawan mo'ko? Baka nakakalimutan mo kung sinong kausap mo? Di bale, aalis nalang ako." Sabi ko ng kinuha ang damit ko at sinuot.
"Teka, saan ka pupunta Lawrence?!"
"Maghanap ka na ng ibang model mo! Marami pang nag-aabang sa'kin dyang iba!" Ang ayoko kasi sa lahat yung sinisigawan ako.
They can't blame me, I've been wasted since Hyacinth left. There are times that I always seen her face everywhere.
Nagdrive na'ko pauwi, naipit pa'ko sa traffic na nagpadagdag ng init ng ulo ko. Palingon-lingon ako kasi baka may ibang daan pa pero iba ang nakita ko.
Yung puno, yung punong nakita ko sa picture. Hindi ako pwedeng magkamali, yun yung punong naging dahilan kung bakit ko nakilala si Hyacinth.
I went out of my car hurriedly and went straight to that tree, is it real or just my imaginations again? I slapped my face and reality hit me.
Ang sabi ni Hyacinth do'n sa punong pinagmulan nya hinawakan nya lang yun tapos tumagos na sya, eh kung hawakan ko din kaya 'to?
Teka, hindi pwede. Baliw na'ko kapag ginawa ko 'yon, ayokong mapunta sa sinaunang panahon. Sa mundong hindi ako kabilang.
I left and drove home, I am still calculating my feelings. I don't want to rush things kasi baka nakikita ko lang talaga ang mukha ni Patricia sa kanya kaya ako nagkakaganito.
Hindi sapat ang dalawang buwan para matutunan kong mahalin sya o kahit magustuhan man lang, madali akong mahulog pero hindi sa pagkakataon na'to.
Kung niloloko ko lang ang sarili ko at nagpapakabulag sa nararamdaman ko, problema ko na 'yon.
For now, I want to make it clear.
**