Kabanata 15: Hustisya

1K 23 0
                                    

Hyacinth~

Marami sa aking mga kawal ang napaslang ngunit mas marami ang napaslang sa kabilang panig, natagpuan ko ang hari sa kanyang trono.

"Kamusta hari ng mga Naja, kinagagalak kitang makilala." Bumaba ako sa aking kabayo.

"Anong puno't dulo ng iyong pagsugod dito prinsesa ng kahariang Chanta?"

Tumawa ako na parang ako ang nagwagi. "Nais mo pa bang iulat ko ang kalapastanganang ginawa mo sa aming palasyo? Nais mo pa bang ilathala ko saiyo ang pagkamatay ng aking Ama?!"

"Kung gayon, nagtagumpay ako." Humagalpak sya ng tawa na akala mo wala ng bukas.

"Wag ka munang magsaya, hindi ako naparito upang makita ang iyong paghagalpak, naparito ako upang maningil...








ng buhay."

Kinuha ko ang espada ko at naghanda sa magaganap.

"Masyado mo akong minamaliit prinsesa ng mga Chanta, anong inaakala mo? Ang isang tulad mo ang kikitil sa aking buhay? Anong laban sa akin ng isang prinsesang patubo pa lamang?"

"Wag mong maliitin ang aking kakayahan, lapastangan ka!"

Tinalikdan nya ako.

"Wag mo'kong tatalikdan!" Malakas kong bigkas at hinagisan sya ng maliit na punyal, tumusok iyon sa kanyang kanang balikat.

"Lapastangan!" Singhal nya. "Ibigay sa akin ang aking espada!" Sigaw nya na agad namang sinunod ng kanyang kawal, agad syang sumugod sa akin at mabilis ko itong hinarang.

"Pagsisisihan mo ang pagparito mo sa aking kaharian pagkat dito mismo dadanak ang iyong dugo!"

"Sayo ang dadanak at hindi saakin!" Mabilis akong kumilos.

Espada sa espada, nagalusan ako sa aking braso maging sya ay mayroon din.

"Isa lang sa atin ang mabubuhay dito, at ako yun! Yaa!"

Tumalon ako sa kanyang likod at mabilis kong sinugatan ito.

"Mahal na hari!" Sigaw ng kanyang mga tagapamuno.

"Walang makikialam!" Sigaw nya pabalik.

"Prinsesa Hyacinth!" Narinig ko ang pagsigaw ni Mulan na agad kong tinignan, sinamantala ng haring lapastangang iyon kung kaya mabilis nya akong nagalusan sa aking hita.

"Ako ang mabubuhay sa pagtutuos na ito at hindi ikaw!" Nais nyang itusok sa akin ang kanyang espada.

Ngunit hindi ko iyon naramdaman sa aking katawan, pagkat sinalag iyon ng espada ni Mulan.

"At sa tingin mo'y hahayaan kong paslangin mo ang aking mapapangasawa?"

Tumayo ako at inayos ang aking sarili.

"Umalis ka na lamang rito Mulan, sa akin ang laban na ito."

"Ngunit mahal na prinsesa--"

"Hari sa prinsesa, buhay sa buhay!"

Lumusob ako ng mabilis na ikinabigla ng hari, nais kong maramdaman nya ang poot sa aking dibdib.

Nakikipaglaban man ay hindi nya madaig ang aking bilis, mas higit akong malakas kanino man kung kaya't pagpapatiwakal ang pagkalaban sa akin.

Nabitawan nya ang kanyang espada, sugatan na ang kanyang katawan.

"Pakiusap prinsesa, huwag mong kikitlin ang aking buhay! May pamilya pa ako."

"At ako'y wala?! Kaaya-ayang makita na naglulumuhod sa aking harapan ang isang hari na hindi na makalaban pa, pagsisihan mo hanggang kamatayan ang iyong ginawa sa aking Ama! Hyaa!" Itinaas ko ang aking espada upang isaksak sa kanyang ulunan ngunit...

"Huwag, prinsesa!"

Sumigaw ang isang paslit.

"Huwag mong kitlin ang buhay ng aking Ama, pakiusap." Tumatangis ito't naglulumuhod.

"Gaya mo'y isa ring akong anak na binawian ng Ama, paslit."

"Huwag kang magpalamon sa iyong galit, prinsesa." Ang reyna ng mga Naja.

"Patawa ngunit galit na lamang ang mayroon ako sa akin puso. At patawad muli pagkat buhay ang kinuha kaya't buhay ang kapalit, ikaw hari na lapastangang pumaslang sa aking Ama! Ipadarama ko saiyo ang aking poot at paghihinagpis! Yaaa!"
















Dumanak ang dugo, gumulong ang kanyang pugot na ulo. Isa akong mabait na anak, ngunit isa rin akong mabangis na tigre at leon na kinatatakutan. Hindi ko ipagkakait sa lahat ng tao ang kamatayang nararapat para lamang sa kanila.

"Nakuha ko na ang hustisya para sa aking Ama, tapos na ang digmaang ito!" Sumakay ako sa aking kabayo at mabilis na tinahak ang lagusan palabas ng kahariang ito, hinarang ako ng mga kawal at tila nais pang lumaban.

"Ang hari lamang ang aking sadya kung kaya't huwag nyo ng tangkaing lumaban pa, pagkat hindi ako magdadalawang isip na paslangin kayong lahat." Wika ko, mabilis nila akong binigyan ng daan. "Mga kawal! Tayo na! Hyaa!"

Ama, hustisya'y nakamit na.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon