Hyacinth~
Hindi ako binigo ng malaking puno, humawak ako sa katawan nito at tumagos papunta dito, papunta sa mundong kinabibilangan ko.
Pakiramdam ko ay tila napakatagal ng ako'y maulila sa sarili kong kaharian, nasasabik na akong mayakap ang aking ama't ina.
Mabilis kong tinakbo ang daan patungo sa palasyo, mabuti na lamang ay hindi ito kalayuan. Malinaw ko ng natatanaw ang mga kawal na nagbabantay sa malaking lagusan.
"Ang prinsesa! Dumarating ang ating prinsesa! Buksan ang lagusan!" Rinig kong sigaw ng punong tagapagbantay ng lagusan. Ngunit may pinagtataka lamang ako.
"Punong tagapagbantay, ano't tila kay daming kawal ang nakapaligid sa palasyo?"
"Paumanhin ngunit ang ating kaharian ay nilusob kamakaylan lamang, mahal na Prinsesa." Halos matutop ko ang aking bibig, batid kong maraming gustong lumusob saaming kaharian pagkat nasisilaw sila sa taglay nitong yaman kaya't nais nila itong mapasa-kanila.Ngunit kay tagal ng panahon na natigil ang digmaan, ano't ngayo'y bumabalik itong muli?
"Ang aking ama't-ina?"
"Naroon sa silid nila ang reyna, ngunit ang hari ay nasa silid pagamutan pa--" Hindi ko na pinatapos ang kanyang pagsasalita at mabilis na lumisan.
Nagtungo ako sa silid pagamutan, nanginginig ang aking kalamnan. Nakita kong nakahiga si Ama at ginagamot pa.
"Ama." Tanging nabigkas ko lamang.
Natigil silang lahat, maging ang aking Ama ay nais na tumayo at pumunta saakin. Nagsimula ng magpatakan ang mga luha ko.
"A-aking anak." Sya'y hirap na hirap sa kanyang pagsasalita.
"Anong kalagayan nya?!" Galit kong tanong sa manggagamot.
"Sya ay nasaksak ng espadang may lason sa kanyang tagiliran at tumagos ito hanggang sa kanyang likod, malubha ang kanyang lagay kung kaya't nagpapunta ako ng kawal sa kahariang Hama upang utusang hanapin ang mga halamang gamot na wala dito sa'ting kaharian."
"Kamalasan!" Galit kong sigaw "Sabihin nyo saakin ngayon ama, anong kaharian ang lumusob saating palasyo?!" Nagngingitngit ang aking mga ngipin sa galit.
"K-kalmahin mo ang 'yong sarili Anak, ang kahariang N-naja ang l-lumusob saatin kamaylan lamang." Hindi ko naiibigan ang aking nakikita.
"Paumanhin prinsesa ngunit ang hari ay nangangaylangan ng sobrang pahinga, hindi nya maaaring pwersahin ang kanyang sarili sa pagsasalita. Ang lason ay unti-unti ng kumakalat sa kanyang katawan, kung kaya't naninilaw ang ibang bahagi nito--"
"A-anak, ito a-ang dahilan k-kung bakit n-nais kitang m-maikasal sa p-prinsipe ng kahariang Kingdo, nang sa gano'y lumakas ang ating hukbo sa oras na salakayin tayo ng mga gustong manakop saating kaharian. N-ngunit tumakbo k-ka palayo at kami'y iyong tinalikuran."
"Ama, ako'y napadpad sa isang mundong hindi ko kilala--" Napatigil ako sa aking pagsasalita ng bumagsak ang kamay ang aking Ama. "Ama? Ama!"
"H-hyacinth, nais k-kong malaman m-mong mahal na mahal kita. Anoman ang m-mangyari saakin ay 'wag m-mong pababayaan ang iyong ina. Alagaan mo s-sya para saki--"
Napakapit ako ng madiin sakanya nang tuluyan nang magsara ang kanyang mga mata.
Ang aking Ama ay wala na, patay na ang aking Ama! Napakasakit na ganito ang sasalubong saaking pagbabalik, hindi mapatid ang aking pagluha.
"Ama!" Malakas kong sigaw, buong sakit at paghihinagpis.
"Noah? Noah, aking hari!" Dali-daling dumalo si Ina sa kandungan ng aking Ama, dalawa kaming umiiyak at tila hindi ito matitigil.
"Isinusumpa ko, sa kahariang ito. Hustisya para sa pagkamatay ng aking Ama! Buhay ang kinuha, buhay ang kapalit! Ipadarama ko sa kanilang lahat ang aking poot at paghihinagpis!!" Malakas kong sigaw, kumidlat ng malakas. Naggalawan at nagbagsakan ng sabay-sabay ang mga kagamitan na naririto sa loob ng silid na, pakiramdam ko'y rinig sa buong palasyo ang aking tinig at galit. "Sa digmaang aking gagawin, ipadarama ko sa kanila ang aking galit!" Muli ay isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan. Walang hanggang sakit ang saakin ay ibinigay nila, titiyakin ko na walang hanggang sakit din ang magiging kapalit nito.
"Anak." Niyapos ako ng aking Ina, wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Lubhang kay sakit ng pagkamatay ng aking Ama.
"Punong bulwa, ayusin ang burol ng hari. Hindi ko na nais pang pahirapan ang aking ina kaya't nais kong bukas na bukas ay ihahatid na sya sa kanyang huling hantungan."
"Masusunod mahal na Prinsesa."
**