Hyacinth~
Tila alam ko na kung saan patutungo ang pagpupulong na ito, ano't ano man ang mangyari ay malugod kong tatanggapin alang alang sa kaharian ng aking Ama.
"Ang Ginoong ito?" Wika ng ika-limang punong konseho.
"Nararamdaman kong hindi natin sya kauri, saan nanggaling ang Ginoong ito?" Ika-anim na konseho.
"Sya'y nanggaling sa mundo ng mga tao." Sabi ni Ina.
Pinagmasdan ko si Lawrence, pagtataka ang makikita mo sa kanyang mga mata.
"Ano kamo?! Ngunit hindi ito maaari Mahal na Reyna! Isa itong kalokohan!" Sabi ng ika-pitong konseho na napatayo pa sa kanyang pagkakaupo.
"Hindi maaaring makasal ang dalawang magkaibang uri Mahal na Reyna, ngayon pa lamang mangyayari ang bagay na ito sa buong kasaysayan." At sabi ng huling konseho.
"Mawalang galang na punong konseho ngunit wala kayong--" Pinutol ni Ina ang aking pagsasalita.
"Batid ko, ngunit batid nyo rin ang kasaysayan ng aming lahi. Ang pagmamahal ng hindi namin kauri ay mapahamak, kung kaya't wala akong nagawa."
"Ina." Tanging nasambit ko.
"Ang kanilang pag-iibigan ay aking pinahintulutan imbis na aking hadlangan, hindi ko nais na malagay ang buhay ng aking Anak sa kapahamakan." Tinignan ako ni Ina "Ano't-ano pa man ay ang nakatakda ay nakatakda, kaya't minumungkahi ko na ito'y bigyan nyo na lamang ng pormal na basbas."
"Kung gayon ay wala kaming ibang magagawa kung hindi ang umayon saiyo."
"Batid rin namin na dalisay ang kanilang pagmamahalan pagkat ang Ginoong ito ay malugod tayong tinanggap at hindi kinatakutan." Nagagalak akong malaman na wala silang tutol sa bagay na ito.
"Lahat tayo'y nagkakaisa, kung gayon. Maaari na nating isagawa ang nakatakda."
"Binabati ka namin Mahal na Prinsesa." Ngumiti ako sa kanilang lahat, tinignan ko si Lawrence. Batid kong naguguluhan sya sa mga nangyayari.
Kaunting sandali na lamang mahal ko, tayo'y magiging tunay nang buo.
"Hyacinth? Ginoo? Pumarito kayo."
Lumapit kami sa aking Ina.
"Bukas na bukas ay itatalaga ang pag-iisang dibdib ng aking anak na si Hyacinth at ang Ginoong nanggaling sa mundo ng mga tao, ang ngalan nya'y Lawrence." Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni Lawrence, naguguluhan ngunit nagagalak sya sa kanyang narinig. "Sa ngalan ng aking namayapang asawang Hari, ibinibigay ko ang aking basbas sa dalawang nag-iibigan. Ang pagsasalin ng korona ay magaganap na."
Palakpakan mula sa mga konseho ang namayani, ang aking sayang nararamdaman ay walang mapaglagyan.
"Matungo na kayo sa inyong silid, paghandaan ang inyong pag-iisang dibdib bukas."
"Masusunod Ina, halika na, mahal ko." Nilisan namin ang punong bulwagan.
"Hyacinth, totoo ba 'yon? Ikakasal na tayo?"
"Bakit ganyan ang iyong tono? Hindi mo ba nais na makaisang dibdib ako?"
"Eh k-kasi nabigla ako, ganito ba talaga dito?"
"Tulad ng sinabi ni Ina, ang nakatakda ay nakatakda. Walang makakapigil nito sinoman, tutol ka ba sa magaganap bukas, mahal ko?"
**
Lawrence~
I can't believe it! I'm getting married?!In just one snap?! No engagement party? No engagement ring?! I even have no contribution to this!
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Hyacinth ng magtanong ako.
"Hindi gano'n mahal ko, nabigla lang ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari."
"Ganoon ang nakaugalian dito, hindi ba't mahal mo ako? Ano't tila tumututol ka?"
"H-hindi! Nakakahiya kasi hindi man lang ako nakapag-handa."
"Iyon lamang ba?"
"Of course, masaya ako mahal ko. Masaya ako na ikakasal na tayong dalawa, sana makayanan natin ang buhay mag-asawa."
I hugged her, I don't want to lose Hyacinth. Kaya kahit ang bilis ng pangyayari, who am I to complain? She's my love, she's my Princess.
"Nagagalak akong malaman na hindi ka tutol, mahal ko." Nakarinig kami ng putukan, fireworks siguro 'yon. "Kumalat na ang balita."
"Balita?"
"Ang ating pag-iisang dibdib ay agad ng ipinakalat sa buong palasyo, ipinaaalam na ito maging sa ibang kaharian pa."
"Gano'n?"
**