Kabanata 32: Ang nakatakda.

981 27 0
                                    

(A/n: fastforward po tayo ha? 😁)

'Nalalapit na ang nakatakda, magbalik ka na.'

Mabilis akong napabangon sa aking pagkakahiga, may maliit na tinig na sa aking pagtulog ay gumambala.

Marahil ay isa nanaman itong pangitain na hindi ko maaaring iisang tabi lamang, natitiyak ko namang maganda ang pangitain na iyon pagkat kaunting kaba man lang ay hindi ko nadama.

Nagpalit ako ng aking kasuotan-- kasuotan ng taong nakatira sa mundong ito, lumabas ako ng aking silid at nakasalubong ko si Lawrence.

"Ano't tila kay aga mong nagising? Hindi ba't mamaya pa ang oras ng iyong pagpasok?"

"Nag day-off ako, gusto ko kasing makasama ng buong araw ang girlfriend ko." Yumakap sya sa akin at hinagkan ako sa aking noo.

"Paumanhin mahal ko ngunit kailangan kong umuwi ng palasyo, may pangitain na gumising sa aking pagkakatulog."

"Huh?! Nanaman?! Ano, masama naman ba? Nako 'wag kana kaya pumunta baka this time mapahamak kana eh!" Aligaga nyang sabi.

Natawa ako ng mahina at sya'y pinagmasdan.

**

Lawrence~

Aba, tignan mo'tong Prinsesang 'to, sobra na 'kong nag-aalala dito tapos tatawanan lang ako? Kung hindi ko lang 'to mahal eh!

"Tss, wag ka namang tumawa lang dyan."

"Paumanhin mahal ko, wag kang mag-alala pagkat sa pakiwari ko'y hindi masama ang pangitain sa pagkakataong ito. Gayunpaman, kailangan ko ng lumisan, kalamahin mo ang iyong sarili pagkat maiiwan kita pansamantala."

"Hephep, I'll go with you, malulungkot ako ng mag-isa dito 'no."

"Kung iyan ang iyong nais, madali ka." Pagkasabi nya no'n nagpalit agad ako ng damit sa kwarto ko, jeez. Isang utos nya lang sunod agad ako. Kaya natatawag akong under eh, well anong magagawa ko? Nagmahal ako ng hindi ko kauri at sad to say, mas malakas pa sa'kin hahaha.

"I'm ready!" Sigaw ko, baka kasi iwan ako no'n eh.

"Halika na?" Tumango ako, this day is my free day. Mas maganda sa kaharian nila kaya do'n nalang kami gagala haha, sasabihin ko sa kanyang isakay nya ulit ako sa kabayo.

Baliktad 'no? Babae ang gumagawa ng gano'n imbis na lalaki, eh wala eh. Strong kasi girlfriend ko hahaha!

Nakarating kami sa kaharian nila at sinalubong kami ng Reyna, sa'kin agad nakatingin? Mukhang bad mood ang Reyna, tsk.

"Anong maipaglilingkod ko saiyo Ina? Kay aga akong ginambala ng isang pangitain?" Tanong ni Hyacinth, umupo ang Reyna sa trono nya.

Every time I came here, parang pakiramdam ko lagi akong nasa United Kingdom but this is kinda more beautiful and unique.

"Ano't naririto ka na naman?" Nagulat ako ng tanungin ako ng Reyna, badmood nga. Red days?

"A-ah gusto k-ko lang p-pong makasama si Hyacinth ngayong ng buong araw."

"Mainam, pagkat may isa akong iaanunsyo maya-maya lamang. Punong bulwa, ipatawag na ang buong konseho."

"Masusunod Mahal na Reyna."

"Ano ito Ina? Anong anunsyo ang iyong ilalathala?"

"Mamaya na lamang, Hyacinth."

"Narito na sila Mahal na Reyna." Dumating nga ang ilang lalaki at babae, mga nasa walo sila. I think nasa 40's na sila pero malay ko ba, si Hyacinth nga 300 years old na pero parang 30 lang eh.

"Maupo kayo, maging ikaw Ginoo." Turo sa'kin ng Reyna, edi umupo tss. Nakakatakot na ang pagiging seryoso nya ha.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ipinatawag ko kayo upang ating talakayin ang matagal ng nakatakda. Nais kong hingin ang inyong basbas." Sabi nya at tumingin sa mga pinatawag nyang konseho kuno, pakiramdam ko nasa isa akong botohan para sa mga tatakbong presidente ng pilipinas ah.

"Ang pagsasalin muli ng korona?" Pangalanan ko nalang kaya sila ng mga number? Baka kilala ko sila 'no? Okay, sabi yan ni number 1, guy.

"Ano't nais mo pang hingin ang aming basbas?" Sabi ni number 2, guy.

"Pagkat sa pagkakataong ito ay ang kapalarang inihanda ay syang nag-iba." Sabi ng Reyna.

"Paanong nag-iba? Hindi ba't si Prinsipe Mulan mula sa kahariang Kindo ang ipakakasal sa iyong anak na Prinsesa?" Sabi ni number 3, girl. Hoy boyfriend here!

"Na syang hindi na magaganap pagkat ang aking anak ay may ibang napusuan." Sabi ulit ng Reyna, oo tama, at ako 'yon! Ako lang!

"At sino naman ito?" Tanong ni number 4, girl.

"Ang Ginoong katabi ng aking Anak."

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon