Bumalik lang ang wisyo ko ng makarinig na 'ko ng mga nagkakagulong tao, iniwan ko ang kotse ko at tumakbo ng mabilis papunta sa kanya.Blood covered her whole body, even her face is full of blood. No words came out in my mouth, I kneeled down and hugged her.
"Patriciaa!" Malakas kong sigaw, umiiyak na 'ko at hindi malaman ang gagawin ko. "Please, please Patricia 'wag mo 'kong iiwan! Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko.
Niyuyugyog ko ang katawan nya at umaasa na magkamalay pa sya, hanggang sa dumating ang ambulansya at hiniga sya sa stretcher.
"I'm sorry Sir, dead on the spot ang pasyente." Bumagsak ang mga tuhod ko sa narinig, para akong sinaksak deretso sa dibdib, hindi ko matanggap. Wala na si Patricia? Wala na ang babaeng pag-aalayan ko ng buhay?
*Flashback ends*
"Woah! Dude can you slap me?" I heard joshua said at parang doon lang ako bumalik sa ulirat.
"Me too, can you?" Dagdag pa ni Jacob.
"She's alive? That's impossible!" 'Oo, Kyle. That's really impossible.'
"Joshua, hawakan mo sya." Utos ko na gagawin palang sana nya ay natigil na.
"Huwag mong balakin na ako'y hawakan, ginoo." Hindi sya pinansin ni Joshua at nagtuloy-tuloy sya sa paglapit. Ang boses nya, ganyan na ganyan ang boses nya. "Sabi ng huwag kang lalapit eh!" Sigaw ng babae at tinabig ang braso ni Joshua.
Lahat kami nagulat, dahil tabig lang 'yon pero malakas na tumalsik si Joshua sa kumpulang mga estudyante, lahat napasinghap sa ginawa nya.
"Wow dude, she's so strong!" Jacob.
"Don't tell me to hold her bro, I don't want to die here." Kyle.
I stepped forward to her, I need to tame her. Kailangan ko syang makausap ng maayos.
"Anong pangalan mo?" Mahinhin kong tanong.
"Huwag kang lalapit sa'kin!" Sagot nya.
"Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan." Patience Lawrence, patience.
"Nais ko lamang makalabas sa gusaling ito ngunit pinipigilan nila ako, anong mundo ba ito at tila iba ang inyong pananalita?"
They're right, she's strange.
"What are you doing here lady? Paano ka nakapasok? May I.D. ka bang ganito?" Before you enter this school, the automatic gate will scan your I.D.
"Ano ang iyong bininigkas? Hindi kita maintindihan at ano ang bagay na 'yan?" Bakit ba masyadong malalim ang pananalita ng babaeng 'to?
**
Hyacinth~
Nais ko nang makauwi sa aming palasyo ngunit hindi ko mawari kung nasaang lugar ako. Ama, Ina, tulungan ninyo ako. Tumatangis na ako at hindi malaman ang gagawin.
"Nais ko ng makauwi sa aming kaharian." Patuloy ang pagbagsak ng luha ko, para akong isang kuting na nawalay sa kanyang ina.
"Anong pangalan mo?" Tanong ulit ng ginoong ito.
"H-hyacinth ang aking ngalan, maaari mo ba akong tulungan na makabalik sa aming kaharian? Nais ko ng makita ang aking ama't-ina."
Ako'y nagulat ng pahidin ng mga kamay nya ang aking luha, napaatras ako sa kanyang ginawa.
"Wag kang mag-alala. I'll help you." Hindi ko masyadong nauunawaan ang kanyang tinuturan ngunit nababatid ko na sya ay mabait na tao. Hindi gaya ng ibang naririto na tila ako ay ginagawang isang katawa-tawa. "All of you, leave the lobby, now!" Nagulat ako ng sumigaw sya sa mga taong naririto at mabilis na nag-alisan ang lahat. Kamangha-mangha, para syang si Ama.
"Dude, what are you trying to do in that -- that girl."
"Jeez, ni hindi mo sya matawag sa pangalan nya."
"We're going somewhere."
"Woah! Pare may balak ka bang--"
"Shut up Joshua, kailangan ko syang amuhin."
"Ako ba'y iyong tutulungan o ikaw ay makikipagtalastasan lamang riyan?" Ulit ko sa kanya pagkat kay kupad nyang kumilos.
"Anong sabi--" Pumikit sya ng sandali at muli akong binalingan ng tingin, "Halika sumama ka sa'kin."
Pagkasabi nya noon ay hinila nya 'ko kung saan, narito nanaman ang mga tao't pinagtitingan ako. Kung dala ko lamang ang aking sandata ay walang habas ko silang papaslangin.
Bilin iyon sa akin ng aking Ama, huwag daw akong maging mabait sa mga taong may masamang ginagawa sa'kin at kanina pa marahil ay nakapaslang na ako.
"Hop in." Tinignan ko ang lalaking ito ng naguguluhan.
"Hop... in? Ano iyon?"
"Aish, ibig kong sabihin, sakay."
"Nais mo akong sumakay sa karwaheng ito? Ngunit saan tayo patutungo?"
"Kailangan kong malaman, LAHAT. Kaya mag-uusap tayo pero hindi dito, sige na sakay na." Ipinasok nya ako sa loob ng karwahe, nagpatianod na lamang ako at tahimik na nagmatyag sa anomang gagawin nya.
Mas malakas ako kumpara sa isang lalaki kaya't kung may gawin man ang lalaking ito sa akin anumang oras ay baka mapaslang ko sya.
**
![](https://img.wattpad.com/cover/106986900-288-k157713.jpg)