"Eh nasaan na sya? Gusto ko pa naman magpasalamat sa kanya."
"Naroon na sya sa mundo namin." Hindi mawala ang aking pag ngiti.
"Halika na? Uuwi na tayo sa bahay natin." Hinawakan nya ang kamay ko.
"Bahay? Tahanan mo ba ang iyong tinutukoy?"
"Oo, dahil tayo na. Do'n kana uuwi, bakit may iba ka pa bang kakilala dito?"
"Anong tayo na? Nakatayo na tayo Ginoo."
"Hahaha! Ang ibig kong sabihin, dahil magkasintahan na tayo, iisa na ang titirhan natin."
Tumango ako.
"Halika na, mahal ko."
"Salamat, Ginoo." Ngumiti ako.
"Tsaka pwedeng 'wag mo na 'ko tawaging Ginoo? Gusto ko kasing tawagin mo na 'ko sa pangalan kong Lawrence."
"Law… rence, kay hirap banggitin ngunit wag kang mag-alala, sasanayin ko na ang aking sarili na tawagin ka saiyong napaka-hirap bigkasin na ngalan."
Niyakag nya ko papasok sa isang napaka-gandang karwahe.
"Napakaganda ng iyong karwahe, law… rence."
"Hyacinth, hindi 'to karwahe. Kotse ang tawag dito."
"Ngunit mas gusto kong tawagin itong karwahe." Pagrereklamo ko.
"Hyacinth, hindi pwedeng karwahe ang itatawag mo dito. Pagtatawanan ka ng mga tao."
"Ayoko, iyon ang gusto kong itawag dito."
"Oh sige na, panalo ka na. Para kang bata."
"Anong sabi mo? Matanda na ako Ginoo!"
"Hay nako, oo na matanda ka na. Hindi ko alam na may pagka-isip bata ang girlfriend ko." Tumawa sya at pinisil ang pisngi ko.
"Girl… friend?"
"Kasintahan, girlfriend." Hinagkan nya ako sa noo. "Halika na, papakainin kita ng maraming tinapay, gulay at prutas." Tumango ako at ngumiti.
"Law… rence, kamusta ka nga pala noong ako'y lumisan?"
"Nasira ang buhay ko alam mo ba 'yon? Pati pag-aaral ko nasira, masyado akong nangulila dahil sa pagkawala mo."
Nagulat ako. "Ang pagsasanay mo'y nasira? Hindi maaari iyon, kaiangan mong pagbutihan ang iyong pagsasanay pagkat sabi ng aking Ama, ang pagsasanay o kaalaman ay madadala mo hanggang saiyong kamatayan." Bigla akong nawalan ng saya ng maalala ko ang sinapit ng aking Ama.
"Tama naman yung sinabi ng Papa mo."
"P-papa?"
**
Lawrence~
"Papa, 'yon ang tawag dito sa Ama. Teka ba't bigla kang naging malungkot?" Kasi biglang nawala yung ngiti nya, tumingala sya sa langit.
"Pagkat sumakabilang buhay na ang aking Ama, noong araw na bumalik ako sa aming mundo, may naghasik ng digmaan sa aming kaharian." Does she mean, war? "Pagkarating ko roon ang syang pagkamatay ng aking Ama, sandali lamang kaming nakapag-usap." I feel bad.
"Sorry, matatanggap mo rin ang pagkawala nya, Hyacinth."
"Ang buong akala ko nga'y matatahimik na ang aking kalooban kapag nabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nya. Ngunit, walang sandali na hindi ko sya naaalala, sa lahat ng sulok ng aming palasyo ay may alaala sya. Hindi pala sapat ang pagpaslang ko sa taong pumaslang sa kanya."
"What? I mean, ano? Pumaslang ka? Pumatay ka ng tao?" Grabe lang ha, kahit na lalaki ako hindi ko kayang pumatay ng tao.
"Ang haring pumaslang sa aking ama ay sya ring aking pinaslang, pinadama ko ang aking poot at paghihinagpis sa kanilang kaharian."
"Pero kahit na, dapat hindi mo nilagay sa kamay mo ang batas."
"Batas? Walang ganyan sa aming mundo, maaari mong paslangin ang sinomang may malaking kasalanan saiyo ngunit asahan mong doon na rin magsisimula ang gantihan. Maraming kaharian ang gustong sumakop sa aming kaharian dahil sa taglay nitong yaman. Paslit pa lamang ay hinubog na ako sa pakikipagdigma dahil ako ang susunod na magmamana ng buong kaharian."
"Ang laki nga talaga ng pagkakaiba ng mundo nyo sa mundo namin 'no?" Nakarating kami ng condo ko.
"Sa tuwing nakikita ko ang tirahan mong ito, nagagalak ako. Tila nababalot din ito ng karangyaan, ano ang iyong ginagawa upang maging ganito ito?" Nilibot nya ang sala.
"Nagtatrabaho, kung tutuusin, milyon milyon na ang pera ko. Hindi ko na kailangang magbanat pa ng buto, pero boring kasi kapag nandito ka lang, wala kang magawa."
"Ibig sabihin pinaghihirapan mo rin ang karangyaang tinatamasa mo ngayon?"
"Of course, kung hindi ka magtatrabaho, hindi ka kikita ng pera."
**