"Wala rin palang pinagkaiba ang mga tao dito sa mga kawal namin Lawrence.""Huh? Kawal?"
"Oo, masikap silang nagbabantay sa loob at labas ng palasyo, nagsisilbi at nakikipaglaban kapalit ng salapi at ginto."
"Alam mo, gusto kong makapunta sa lugar nyo, parang ang ganda kasi do'n.
"Totoong maganda sa aming mundo Lawrence, ngunit nababalot ito ng digmaan. Tila hindi matatapos hanggang may natitirang sakim sa kayamanan."
"Masaya na nakakatakot."
"Syang tunay." Umupo sya sa sofa at pinaghahanda ko naman sya ng pagkain, tss. Starting today, I need to buy bread, fruits and vegetables. I think those foods are all poison to me, tsk.
"Pero pansin mo ba?"
"Ang alin?"
"Na tuwid na ang pagbigkas mo sa pangalan ko hahaha."
Ngumiti sya. "Oo nga, Lawrence." Tumayo sya at humawak sa braso ko. "Lawrence, Lawrence, Lawrence." Tumatalon nyang sabi.
"Hahaha! You're so funny, tigilan mo nga 'yan. I didn't know that you had a childish side."
"Malapit na 'kong mainis saiyo kung nalalaman mo lamang."
**
Hyacinth~
"Oh, bakit?"
"Pagkat patuloy ka paring nagbibigkas ng mga salitang alam mong hindi ko nauunawaan, anong malay ko't masama na pala ang oyong tinururan?"
Binitawan nya ang maliit na punyal na kanyang hawak at yumakap saakin.
"Kahit kailan, hindi na 'ko magsasabi ng ikasasama ng loob mo mahal ko."
"Nararamdaman mo ba ang pintig ng aking puso?"
"Oo, ang lakas nga eh."
"Alam mo ba kung bakit ako naparitong muli? Utos 'yon ng aking Inang Reyna. Handa na sana akong tanggapin ang kapalaran ko ngunit hindi nangyari iyon, pinabalik nya ako dito. Kung nasaan ang nagpapatibok ng aking puso."
Kumalas sya sa yakap.
"Hyacinth, about that--"
"Tumitibok daw ang puso ko para saiyo, ikaw ang lalaking minamahal ko ngunit ikaw din daw ang kamatayan ko."
"Hyacinth--"
"Sa oras na tumigil ka sa pagmamahal saakin, titigil na rin ang pagtibok ng puso ko. Sa oras na iyon, katapusan ko na." Muli nya akong niyakap.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon, dahil hanggat nabubuhay ako, mamahalin kita."
**
Makalipas ang isang linggo..
"Ano ba Lawrence! Palagi mo na lamang akong pinapakailaman sa aking mga ginagawa, papaano ako matututo sa aking sarili?!"
"Paano kitang hindi papakialaman eh halos lahat na ng gamit dito nasira mo na! Hyacinth naman, wag ka ng makulit!"
"Ano't tila nauubusan kana ng pasensya sa akin?! Palagi mo na lamang akong pinagtataasan ng boses! Baka nakakalimutan mong isa akong Prinsesa!"
"Paano ba naman kasi, yung washing machine nasira mo. Yung ref binuksan mo lang nasira na ang pinto no'n. Tapos nung isang beses, nainis ka sa flat screen tv dahil sabi mo ayaw lumabas ng mga tao do'n, anong ginawa mo? Winasak mo 'di ba? What do you expect me to react?!"
"Kasalanan iyon ng lumikha sa kanila pagkat hindi matibay ang pagkakagawa!"
"Eh paano yung pagpapagalaw mo ng mga bagay bagay dito gamit yang isip mo at pagkatapos ay ibabagsak mo nalang bigla?! Kasalanan din ba 'yon ng may gawa?!"
"Marahil ay oo! Bahala ka sa nais mong isipin, palagi ka na lang ganyan."
Pumasok ako sa silid na inihanda nya para sa akin, nagsimula ng pumatak ang aking mga luha. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang nangyari ito.
Ilang sandali lamang ay pumasok si Lawrence na may malungkot na mukha.
"Ano pa ang iyong ginagawa dito? Nais mo bang pagalitan nanaman ako?"
"Hyacinth, palagi nalang ba tayong ganito? Isang linggo na tayong nag-aaway dahil lang sa mga gamit, para tayong aso't-pusa na nag-aagawan sa isang tinik."
"Nais ko lang namang matutunan ang mga bagay na wala sa mundo namin, ngunit tila ipinagdadamot mo ito sa akin." Pinatong nya ang kamay nya sa aking balikat.
"Wala akong pinagdadamot sayo mahal ko. Lahat ng sa'kin, sa'yo na rin. Kaya lang hayaan mo'kong turuan ka pa isa-isa para mabilis kang matuto. Tsaka isa pa, lagi nalang ako umaarkila ng truck para lang itapon lahat ng nasira."
"Talaga? Hindi ako sanay sa mundong 'to, handa ka bang turuan ako sa lahat ng bagay dito? Kahit na mapagod ka pa?"
"Kahit pa mapagod ako."
"Kung gayon, paumanhin sa lahat. Hindi na mauulit."
"Promise yan ah, I love you." Niyakap nya ako.
**