"Natitiyak kong napaka-rami ng dadalo bukas, humayo ka at pumunta sa iyong mundo. Sunduin mo ang iyong mga kaibigan." Nakangiti nyang sabi."Oo nga 'no, sige Hyacinth. Pero hatid mo 'ko, baka hindi ako papasukin ng lolang puno eh." Narinig ko nanaman ang pagtawa nya.
"Batid nya nang magaganap ang mga bagay na ito kaya't malaya mong magagamit ang lagusan kahit kailan mo man nainis, sige na humayo ka na." Humalik ako sa likod ng palad nya.
"Babalik agad ako." Ngumiti lang sya.
Kaya excited akong tumakbo palabas at nakatawid naman agad ako sa mundo namin, hindi na 'ko umuwi ng condo. I called them via video call.
"Hoy mga gunggong, bilisan nyo pumunta kayo dito sa puno!" Masaya kong sabi.
"Tanghaling tapat hoy! Mainit." Joshua.
"Tinatamad ako, bakit ba?" Jacob.
"I'm sleepy, I got drunk last night, bro." Kyle.
"I'm getting married!" I shouted happily.
"'Yon lang pala-- what?! Getting married?!" Sabay-sabay nilang gulat na tanong.
"Agad agad?!" Joshua.
"Kay Hyacinth?!" Jacob.
"Saan venue?!" Kyle.
"Sa kaharian lang naman nila." Nagyayabang kong sabi.
"Oh sige pupunta na 'ko!" Joshua.
"Ako rin!" Jacob.
"Magpapaiwan ba 'ko? Syempre hindi!" Kyle.
Hahaha! Sabay-sabay silang nawala kaya in-end ko na ang call, alam ko na ang nasa isip nila. Excited silang makabalik sa kaharian.
Five minutes more, narinig ko ang malalakas na preno ng sasakyan nila.
"Yung totoo? Gusto nyo bang ma-car nap ang kotse nyong tatlo?" Eh kasi iiwan naman 'yon dito tapos nagdala pa.
"Excited na 'ko eh." Joshua.
"Ayoko mag-commute, matagal." Jacob.
"Pakuha nalang natin sa driver natin." Kyle.
At isa-isa nga nilang tinawagan ang mga driver nila, mga gunggong. Pwede naman nilang isama yung driver nila kanina gusto nahihirapan pa.
"Okay na, lets go! Excited na kami!" Joshua.
"Saan? Sa kasal ko?"
"Hindi, na makabalik ng palasyo nila." Natatawang sagot ni Jacob, binatukan ko nga.
"Salamat ha! Natouch talaga ako!" Sarkastiko kong sabi. "Eh kung sabihin ko kaya sa punong 'to na 'wag nalang kayong papasukin?"
"Bro, walang ganyanan!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Hoy bilisan nyo na!" Kyle.
"Oo na!" Sabay-sabay kaming pumasok sa lagusang puno.
**
Hyacinth~
"Mabuti't narito na kayo, halina kayo't sumabay sa aming pananghalian." Bati ko sa mga Ginoo, kay bilis nga nilang nakarating. Akala ko'y aabutin pa sila ng gabi.
"Hyacinth, kailan ang kasal nyo?" Tanong ni Joshua.
"Bukas na bukas din."
"Ano?! Bakit naman agad agad?!-- aray!" Si Jacob.
"Stop shouting you dimwit!" Pinalo sya ni Lawrence sa ulo. "Mahiya ka nga sa Mahal na Reyna! Ah, pag-pasensyahan nyo nalang po sya."
"Hyacinth, ilibot mo naman ulit kami dito oh. Marami pa kaming hindi napuntahan eh." Paalam ni Kyle.
"Paumanhin saiyo Ginoo ngunit bukas na ang pag-iisang dibdib nila, isasagawa iyon pag putok ng araw. Maaari kayong mamasyal kinabukasan." Sagot ni Ina.
"Ah, gano'n po ba. Sige okay lang po hehehe." Nahihiyang sagot ni Kyle.
Wala nang nagsalita pa sa amin kaya mabilis kaming natapos sa aming pagkain, nauna ng magtungo si Ina sa kanyang silid upang magpahinga.
"Halina kayo, ihahatid ko na kayo sa inyong silid. Kailangan na nating magpahinga, maaga pa tayo bukas." Ngumiti lang sila sa akin.
Nang maihatid ko sila ay pumarito na ako sa aking silid, muli kong pinagmasdan ang aking kasuotan. Napakaganda nito, humiga na ako sa aking kama at payapang nahimbing.
**
Silaw ng liwanag at huni ng maliliit na ibon ang sa akin ay gumising, namintana ako. Kay ganda ng araw, tila masaya sya sa magaganap maya-maya.
Nagpalit ako ng aking kasuotan at saktong paglabas ko sa aking silid ay sya ring paglabas ng tatlong Ginoo kasama ng pinakamamahal ko.
"Magandang umaga mga Ginoo, mahal ko, tayo ng magtungo sa silid kainan." Ngiti kong bati sa kanila.
"Eto nanaman, kakain nanaman ako ng tinapay at gulay." Rinig kong sambit ni Joshua.
"Ano ang iyong tinuran, Ginoo?" Maang na tanong ko.
"Ha? Ah, wala ah. Hahaha! Sabi ko masarap ang gulay at tinapay." Tinalikuran ko sya at lihim na ngumiti, mabuti nalang ang mahal ko'y nasanay na sa ganoong pagkain.
"Magandang araw, Mahal na Prinsesa." Bati ng mga bulwa na nakabantay.
"Gayon din sainyo, nasaan ang aking Ina?"
"Narito ako, Anak." Nagmula sya sa aking likuran.
**