Lawrence~
Sira na ang career ko, rank 5 na'ko sa car racing. Bagsak ang ilang grades ko at nanganganib na baka hindi ako maka-graduate.
Sa maikling salita, patapon na ang buhay ko. Mula no'ng mawala sa buhay ko ang babaeng 'yon, ano bang ginawa mo sa'kin, Hyacinth!
"Oh Hijo, nandito ka nanaman? Araw-araw kana lang nakabantay sa punong 'yan ah, may hinihintay ka ba?" Tanong sa'kin ng matandang naglilinis ng paligid.
"Yes, I am waiting for someone, someone that I threw away yet I am waiting her now. Funny, right? I want to see her again." Wala sa loob kong sagot at tumingala lang sa langit, ang liwanag no'n masyado. Akala mo napakasaya nya.
"Alam mo ba Hijo, na makasaysayan ang punong 'yan."
"Huh? Paano? Ah, dahil ito ang lagus-- ah wala pala."
"Dahil makailang ulit ng pinutol ang punong 'yan pero tumutubo parin at hindi nagbabago ang itsura, napakalaki at napakatayog. Pinaniniwalaan na mababait na engkanto ang nakatira dyan dahil kahit pinuputol ang bahay nila, hindi sila gumaganti."
"Mga galing sa ibang daigdig ang nakatira dyan at hindi mga engkanto." Sagot ko.
"Ano kamo?" Patay.
"Ah wala ho. Wag nyo nalang pong pansinin ang sinabi ko." Jeez, sa tingin mo may maniniwala sa'yo pag gano'n? Tss.
"Teka nga, 'yong bang palagi mong hinihintay dito ay babae?"
"Yes lola, a beautiful girl. Kasalanan ko naman kung bakit sya umalis, I don't know where she is now. That's why I always stay here, umaasa ako na baka pumunta ulit sya dito." Pinahid ko ang luhang pumatak sa gilid ng mata ko.
"Mahal mo ba?"
"Mahal na mahal. Kahit na hindi kami magkauri? Handa na 'kong sumugal para sa kanya." Lumakas ang ihip ng hangin, parang inaalo ako.
"Kung dyan mo sya sa punong 'yan hinihintay, dapat hindi ka nakatalikod. Dahil malay mo, bigla syang lumabas dyan." Huh? How did she know?
"Lola, imposibleng mangyari 'yon no." Pagkukunwari ko.
"Posible 'yon. Ang maipapayo ko lang sa'yo, Hijo. Kapag nagmahal ka, 'wag kang matakot na sumugal, nagmahal ka eh. Kailangan, panindigan mo 'yon."
"Naduwag lang ako no'ng una kasi kamukang-kamuka nya yung una kong minahal na iniwan din ako, lola."
"Hindi lahat ng tao nang-iiwan, Hijo. Nararamdaman ko, malapit mo na syang makita dyan sa punong 'yan."
"Huh? Paano nyo po nasabi?"
"Dahil ako ang tagapagbantay ng punong yan, sa loob man at sa labas nito."
"Talaga po?" So parang sya si fairy God mother?
"Basta, Hijo mahal mo diba?"
"Mahal na mahal po lola."
Hindi ko na narinig pa ang pagsagot nya.
"Totoo Ginoo? Mahal na mahal mo ako?" Teka, ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali... kay, kay Hyacinth 'yon.
"Nandyan na sya." Boses ulit 'yon ni lola.
Humarap ako sa puno at halos hindi makapaniwala sa nakita ko, bumalik sya. Bumalik na ang babaeng minahal ko! Bumalik na si Hyacinth!
"Kay bilis ng tibok ng aking puso, tila natutuwa sya pagkat mahal mo ako Ginoo--" mabilis ko syang niyakap, mahigpit na mahigpit.
"G-ginoo."
"Five minutes, five minutes only Hyacinth. Just let me hug you, I'm going to be crazy. I'm sorry for throwing you away, I'm sorry for letting you suffer."
**
Hyacinth~
Nang magpasya ang aling Ina na bumalik ako sa mundong ito, ikinuwento nya rin sa akin ang tungkol sa punong lagusan na ito. Malungkot man ay pinili kong mabuhay.
Nangako ako kay Ama na aalagaan ko si Ina ngunit paano ko iyon magagawa kung ni sa sarili ko'y hindi ko magawa? Kaya pinili kong pumarito.
Hindi ako binigo ng aking nararamdaman, pagkat mahal din ako ng aking napupusuan. Labis ang aking galak ng yakapin nya ako.
"Ngunit Ginoo, hindi ko maunawaan ang iyong binibigkas." Naramdaman ko ang pahagikgik nya.
"Na-miss ko 'yang linya mong 'yan, ipangako mo sa'kin Hyacinth, na hinding-hindi mo na'ko iiwan pa. Mahal na mahal kita, please mangako ka."
Napangiti ako ng matamis, "Nangangako ako, mahal ko. Basta ipangako mo lang sa'kin na magtitiwala ka sa anumang aking gagawin."
"I promise."
"I... promise?" Ulit ko.
"Este, pangako. Oo nga pala si lola ang nag-- oh teka, nasa'n na si lola?"
"Nakakatawa ang iyong mukha Ginoo, iyong matanda ba ang hinahanap mo? Wala na sya."
**