"So you mean, maharlika ka?" Alam kong may mga maharlika pero sa United Kingdom pa 'yon, tama, halos parehas nga sila ng pananamit pero hindi tagalog ang salita nila."Oo, ang kahariang chanta ay pinaghaharian ng aking amang hari na si Noah at aking inang reyna na si Hyana. Bilang nag-iisang anak at susunod na magmamana ng aming kaharian ay kailangan akong makasal sa isang prinsipe mula sa ibang kaharian."
'Weird.'
"Sa tutol kong makasal ay nagtalo kami ng aking Ama at nasaktan nya ako sa unang pagkakataon, tumakbo ako palabas ng aming palasyo at nagtungo sa kagubatan. Nais ko lamang sanang sumandal sa puno upang tumangis nang bigla na lamang akong tumagos dito at nahulog pababa, pagtapos ay narito na ako sa mundong ito."
Dapat ko bang paniwalaan ang babaeng ito? Pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon para narin akong naniwala sa isang baliw.
"Eh paano ka makakabalik sa inyo?"
"Hindi ko alam, pakiwari'y ko'y ang puno na syang nahawakan ko ay ang lagusan patungo sa mundong ito."
"Then where's that tree?"
"Ano?"
"I said where's that tree you we're saying?" Now I'm getting curious here.
"Paumanhin ginoo ngunit hindi ko maunawaan ang mga salitang iyong binibigkas."
Napalo ko ang noo ko, bakit ko nga ba nakalimutan na hindi nakakaintindi ng english 'to?
"Ibig kong sabihin, nasaan yung punong 'yon?"
"Ah, iyon ba? Hindi ko na matandaan kung nasaan ito banda, ang alam ko lamang ay naglalakad ako hindi kalayuan mula doon at napadpad sa gusali kung saan mo ako nakita kanina."
Argh! Sumasakit ang ulo ko, gusto ko na sanang palayasin ang babaeng 'to sa bahay ko pero sa tuwing makikita ko ang mukha nya, I always saw Patricia, every part of her face. The only thing na pinagkaiba nila ay ang mahaba at kulot na buhok ni Hyacinth, hindi gano'n ang buhok ni Patricia. Kulot ang dulo ng buhok nito na nagpaganda lalo sa mukha nya.
"Ah, you know what. Magpahinga ka na lang muna rito, 'wag kang lalabas ha? May pupuntahan lang ako." May klase pa 'ko eh, dalawang subject na ang na-missed ko.
**
Hyacinth~
"Sandali lamang ginoo, ang buong akala ko'y tutulungan mo ako? Bakit nais mo akong iwanan dito sa iyong tirahan?" Nais ko ng makauwi, marahil ay nag-aalala na ang aking ama't-ina.
"Oo tutulungan kita pero kahit nga ikaw hindi mo alam kung anong gagawin mo eh, syempre mag-iisip muna ako. Tsaka kailangan ko pang mag-aral."
"Mag-aral? Ibig mo bang sabihin ay pagsasanay?" Katulad din ba ng aking pagsasanay ang kanyang ginagawa?
"Yeah, you can say that. So I need to leave, dito ka lang. 'Wag kang lalabas ha at wag kang masyadong malikot dito. Mamahalin ang mga gamit dito, baka makabasag ka." Mahabang wika nya, anong tingin nya sa'kin? Inutil? Mas matanda pa ako sa kanya kung kaya't dapat nga ay ginagalang nya ako.
Tuluyan na syang lumabas sa tirahan nyang ito, ano namang gagawin ko rito? Nais ko nalang magpahinga, tila kay sakit ng aking buong katawan.
Nahiga ako sa isang kamang mahaba na tingin ko'y pang isahang tao lang, hindi ito kasinglaki ng higaan ko sa palasyo ngunit ayos na ito.
'Ama, patawarin mo sana ako.'
--
"Ah, gising na. Hya--hyacinth." Kinusot-kusot ko ang aking mata, pagmulat ko ay nagulat pa ako.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa aking silid?!"
"Anong sino ako at silid mo? Bahay ko kaya 'to 'no."
Napalo ko ang aking noo at nangalumbaba. "Aking nakalimutan na ako nga pala'y nasa ibang mundo, nakakalungkot lang kung iisipin. Paumanhin, ginoo."
"Wala kang ginalaw dito?"
"Ano namang gagalawin ko sa iyong munting tirahan ginoo. Isa pa, hindi ko alam gamitin ang mga iyan." Nagtungo sya sa isang lagusan at pumasok.
"Ano't tila napakarami yatang lagusan ang isang maliit na kahariang ito?" Lumabas sya mula roon.
"Sabi ng hindi 'to kaharian, ang kulit mo. Oh kumain ka."
Pinagmasdan ko ang kanyang inaabot sa akin.
"Ano ang bagay na ito?"
"Beefsteak 'yan, kainin mo."
"Beef…steak?"
"Jeez, puputi yata ang buhok ko sa'yo. Kinakain 'yan."
"Ah, ganoon ba? Paumanhin ginoo ngunit tinapay, gulay at prutas lamang ang aming kinakain."
"'Yon lang? Gano'n ba kayo kahirap?"
**