Kabanata 17: Ang nakatakda.

1K 20 0
                                    

Hawak nya ang kanyang dibdib, "Namumutla ka, Hya."

"Ayos lamang ako Ina, nakaramdam lamang ako ng kaunting sikip sa aking dibdib."

"Nakasisiguro ka ba?"

"Oo Ina, magtutungo na ako sa aking silid." Umalis na sya ng tuluyan, kung tama ang aking iniisip ay malaki itong suliranin para sa kanya.

Nagpunta ako sa punong bulwagan at umupo sa aking trono, isang utos ang aking ipatutupad ngayon din.

"Ipatawag lahat ng punong tagapamahala. Maging ang mga punong konseho, mayroon akong iuulat tungkol sa ating palasyo."

"Masusunod mahal na reyna." Ani ng punong kawal.

"Maiba ako, nasaan si prinsipe Mulan?"

"Narito ako mahal na reyna." Pasok nya sa punong bulwagan. "Anong maipaglilingkod ko?"

"Nagpagawa ako ng pagpupulong, nais kong naroon ka."

Patawad Anak, batid kong hindi mo nais na makasal sa prinsipeng hindi mo kilala ngunit ito ang itinakda noong sanggol ka pa lamang Anak.

"Narito na sila mahal na reyna."

"Mabuti, maupo kayong lahat."

"Para saan ang pagpupulong na ito mahal na reyna?"

"Batid ninyong lahat na wala na ang ating hari. Punong kawal, nais kong mas higpitan nyo pa ang pagbabantay sa lahat ng lagusan. Lingid sa kaalaman ninyong lahat ay naghain ng digmaan ang aking anak sa isa sa kahariang nais sakupin ang sa atin, kung kaya't asahan na natin ang kanilang pagganti."

"Nauunawaan ko ang pinaghugutan ng galit ng prinsesa ngunit sana'y hindi na sya nangahas na makipagdigma pa." Ani ng punong ministro.

"Paumanhin Reyna ngunit sang-ayon ako sa kanyang tinuran."

"Nauunawaan nyo ba ang sitwasyon ng ating kaharian? Naghain man ng digmaan o hindi ang aking anak ay may lulusob parin satin at tayo'y sasakupin."

"Ngunit hindi na sana sya nagpauna mahal na reyna, lalo na't isa pa lamang syang paslit." Ani ng punong tagapaggawa ng mga sandata.

"Lapastangan! Ang paslit na tinatawag mo ay syang kumitil sa buhay ng hari ng mga Naja!" Napatayo ako sa aking pagkakaupo dahil sa galit. Rumehistro sa kanilang mukha ang gulat at pagkabigla. "Ang aking anak ay hindi na paslit pa. Tatlong daang taon na syang nabubuhay, batid nyong bata pa lamang ay hinubog na sya para sa isang digmaan, huwag nyong mamaliitin ang aking anak. Baka nakakalimutan nyo ang lahing aming pinagmulan? Ang aking anak ay mas malakas pa higit sa kanino man sainyo, nauunawaan nyo ba ako?" Nagngingitngit ang ang ngipin sa galit.

"Paumanhin mahal na reyna, hindi na mauulit pa." Paghingi nila ng tawad, kinalma ko ang aking sarili.

"Dahil hubog na hubog na ang aking Anak ay ito narin ang oras upang isagawa ang nakatakda nyang kapalaran, ihanda ang lahat ng kailangan...










Pagkat sa susunod na araw, sa oras na gumaling ang aking anak ay isasagawa na ang kanilang pag-iisang dibdib ni prinsipe Mulan."

"Ngunit mahal na reyna, batid nating ayaw makasal sa akin ng prinsesa."

"Kailangan nyang tanggapin ang kanyang kapalaran Mulan. Bilang reyna, na asawa ng nasirang hari na si Noah, ay aking ipinag-uutos ang pakikiisang dibdib ng prinsesang si Hyacinth sa susunod na araw."

"Masusunod, mahal na reyna."

**

Hyacinth~

Kataka-taka ang pagsikip ng aking dibdib, sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ito nangyari sa akin, anong ibig sabihin nito Ballah?

Nakarating narin sa akin ang tungkol sa pagpupulong na isinagawa ng aking Ina, masakit sa dibdib na maging hanggang ngayon ay ang nais parin nila ang gusto nilang mangyari.

Ano't tila wala akong karapatang mamili ng lalaking mamahalin ko? Hindi ko gusto ang prinsipeng iyon, kung mabibigyan man ako ng pagkakataong pumili ay ang ginoong aking nakilala sa mundo ng mga tao ang pipiliin ko.

Habang patagal ng patagal ay palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya, tila wala ng hinahanap ang aking puso kung hindi sya lamang.

Batid kong hindi maaari na magkatuluyan ang dalawang tao na magkaiba ang mundo ngunit ano ang aking magagawa? Nagmahal ako ng isa sa kanila.

Nais kong bumalik sa mundong iyon ngunit huli na ang lahat, sa susunod na araw na idaraos ang aking kasal. Wala ng panahon pa upang makasama sya ng matagal.

Patawad, Ginoo.

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon