Kabanata 7: Lito

1.1K 27 0
                                    

Lawrence~

Seriously? I'm getting pissed in this woman, if she's not having the face of my Patricia, I won't talk to her like this, she's commanding me!

Nakarating kami sa building kung saan nakabili ako ng condo, dito ko sya balak kausapin para mas private dahil baka pagtinginan lang kami kung sa labas kami makikita ng mga taong magkausap.

"Kay ganda, isa rin ba itong palasyo? Ano't tila napaka-rami namang kaharian sa mundong ito? At kapwa sila ay kakaiba kumpara sa kaharian namin?"

Kanina pa nya binabanggit ang kaharian at palasyo, saan ba talaga nanggaling ang babaeng 'to. Imposible namang sya si Patricia at nagka-amnesia lang dahil nandoon ako sa lamay nya maging sa libing nya.

"Hindi 'to palasyo o kaharian na sinasabi mo-- teka ano nga ulit pangalan mo?"

"Hyacinth ang aking ngalan, ikaw ginoo? Ibig kong malaman ang ngalan mo."

"L-lawrence." Eh bat ba 'ko nauutal? Eh kasi naman kahit sa pagtatanong nya ng pangalan gano'n din dati.

*Flashback*

I was about to park my car when I saw a woman sitting on the floor massaging her foot. Lumabas ako ng sasakyan at pinuntahan sya.

"Hey Miss, are you okay?"

"Hindi eh, pupunta sana ako sa kotse ko kaso bigla naman akong natapilok, na-sprain yata ako eh." Nakita ko ngang mabilis na namaga ang paa nya.

"Halika, dadalhin kita sa clinic."

Tumango naman sya kaagad kaya binuhat ko sya ng pa-bridal, habang naglalakad kami sa hallway I looked at her face, she's pretty. New student ba sya? Ngayon ko lang sya nakita dito sa campus eh.

"Anong pangalan mo?"

"Patricia ang pangalan ko, ikaw? Gusto kong malaman ang pangalan mo."

*Flashback ends*

'Yon ang araw na una kaming nagkakilala, mula no'n madalas na kaming magkita sa campus at mabilis ngang nahulog ang loob ko sa kanya.

"Law... rence? Kay hirap bigkasin ng 'yong ngalan ngunit maraming salamat pagkat ito'y iyong pinaalam sa akin." Nginitian nya 'ko.

Ang ngiti nya, na walang pinagkaiba sa ngiti ni Patricia. Talaga bang namatay na si Pat o talagang nanggaling sa ibang mundo ang babaeng ito?

Hindi ko na lang sya sinagot at hinawakan sya papasok sa elevator, puro pagtataka ang makikita sa mukha nya.

"Ginoo, anong tawag sa silid na ito?" Silid? Ito bang elevator?

"Hindi silid ang tawag dito, elevator 'to." Pinindot ko ang seventh floor.

"Aahh!" Nagulat ako ng sumigaw si Hyacinth pero ang mas kinagulat ko ay ang pagyakap nya sa'kin.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. I placed my hand on my chest, why am I feeling this? Kinakabahan ba ako?

"Mahuhulog nanaman ba ako? Pakiusap ginoo 'wag mo akong bibitawan." Nakapikit sya habang mahigpit na nakayakap sa braso ko.

"'Wag kang mag-alala, hindi kita bibitawan." Niyakap ko sya pabalik dahil parang natatakot talaga sya, hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

Did history really repeat itself? Am I going to fall again? In the girl who had the same face? I feel like Patricia is back but I don't want to take this as a yes. Ayokong umasa.

--

"So, sabihin mo sa'kin ngayon kung taga saan ka at paano ka nakapasok sa school namin?" Nandito kami sa sala at tinatanong ko sya, wala akong balak magsayang ng kahit ilang minuto pa.

"Ano't tila ako'y nasa silid piitan at ako'y sinisiyasat?"

"Ano? Pwede bang 'wag ka masyadong malalim magsalita? Hindi kita maintindihan eh, sagutin mo na ang tanong ko." Sa totoo lang nabobobo ako kausapin 'to, pakiramdam ko mas matalino pa sya sa'kin, tss.

"Ako ay nagmula sa kahariang chanta, nais akong ipakasal ni Ama sa prinsipeng hindi ko naman kilala. Bilang isang prinsesa, iyon ang aking kapalaran." Yumuko sya at biglang lumungkot ang mukha.

"Prinsipe? Prinsesa? Anong trip mo Hyacinth? Hindi totoo ang mga ganyan, isa lang 'yang katuwaang pangalan." Hindi ko mapigilan hindi matawa, I want to burst in laugh here. She's really weird.

"Isang katuwaan lamang ang pagiging prinsesa ko? Nagkakamali ka ginoo, isa akong maharlikang prinsesa mula sa kaharian ng chanta."

"Chanta? Ngayon ko nga lang narinig ang salitang 'yan." Maniniwala ba ako sa babaeng 'to? Parang gusto kong maniwala dahil sa pananamit nya.

Meron pang pabilog na bulaklak ang nakapatong sa ulo nya, parang hindi 'yon nalalanta. Tapos yung sapatos nya, kakaiba rin. Parang nasa sinaunang panahon sya na medyo modern din, ewan ko, hindi ko ma-explain.

"Ang kahariang chanta ay sadyang maganda, bukod tangi ito sa lahat ng kaharian sa aking mundong ginagalawan. Marami ang nais na makapasok dito ngunit hindi sila pinahihintulutan basta-basta. Iyon ang aking tirahan."

**

The Princess Fate (UN-EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon