Reyna Hyana~"Ngayong tapos na ang pag-iisang dibdib ng aking anak na Prinsesa, at ang Ginoong nanggaling sa mundo ng mga tao ay itinataas ko na ang aking pasya." Wika ko.
"Ina, ngayon na ba agad?"
"Oo Anak, ang punong konseho ay nagkaisa na. Ang itinakda ay aking nang isasagawa." Mahina ngunit batid kong sapat na upang marinig ng lahat ng panauhin. "Ikaw Hyacinth na aming Anak ay pinagkakalooban ko ng habang-buhay na tuklin. Kapalaran na kailangan mong gampanan hanggang sa hindi mo pa maitatakda ang susunod sayong yapak! Ikaw na nag-iisang Prinsesa ng kahariang Chanta ay binasbasan upang susunod na maging Reyna." Inilahad sa akin ang gintong lalagyan kung saan nakapatong ang puno ng ginto at dyamanteng korona.
"Aking anak, pumarito ka." Mangiyak-ngiyak syang umakyat sa trono, isinuot ko sa kanya ang koronang ilang daang taon kong iningatan. "Ngayon, isa ka ng ganap na Reyna aking Anak, binabati kita."
"Maraming salamat Ina, labis ang aking galak." Tangis nyang sabi.
"Bilang ikaw na ang bagong Reyna, kakailangin mo rin ng haring makakasama at makakatulong mo sa pamamahala. Kaya Ginoong Lawrence mula sa mundo ng mga tao, inaanyayahan kitang umakyat dito." Nagulat man ay malugod syang sumunod sa akin.
"Pero wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kaharian nyo Mahal na Reyna, isa nga akong pinuno sa mundo namin pero para lang 'yon sa trabahong alam ko."
"Batid ko, ngunit gaya ng kung paano mo tinuruang mamuhay ang aking anak sa inyong mundo. Ganoon ka rin tuturuan ng aking anak upang malayang makagalaw dito, tama ba ako, Anak?"
"Oo naman Ina." Masaya nyang sagot.
"Ikaw, Lawrence na makakasama ng aking anak upang pangalagaan ang kahariang Chanta ay binabasbasan ko upang pumalit sa aking asawang Hari!" Inilahad ko sa kanya ang koronang katulad ng kay Hyacinth ay nababalot ng karangyaan."Isa ka nang ganap na Hari. Binabati kita."
"Salamat, Mahal na Reyna."
"Mabuhay ang bagong Hari at Reyna!" Sigaw ng punong konseho.
"Mabuhay!" Balik sigaw ng lahat.
"Umpisahan na ang pagdiriwang." Wika ko, nagsimula ng mag-saya ang lahat. Kumain at naki-sabay sa tugtugin.
"Ina, maaari bang magtungo muna kami sa silid nila Lawrence? Nais daw syang makausap ng kanyang mga kaibigan."
"Hyacinth Anak, ikaw na ang bagong Reyna. Anoman ang naisin mo, maliit man na bagay o malaki, ay syang masusunod. Hindi mo na kailangan pa ng aking pag-sang-ayon."
"Kahit na Ina, hindi dahilan na ako na ang Reyna upang baliwalain ka na lamang. Isa parin akong paslit kung ikukumpara saiyo, ano't-ano pa man ay kakailanganin ko ang pagsang-ayon mo."
"Sige na, wala akong magagawa sa isang makulit na Reyna." Bahagya akong tumawa.
"Salamat Ina, tayo na, mahal ko."
"Mauna po muna kami Mahal na Reyna." Paalam ni Lawrence.
"Binabati ulit kita aking bagong Anak." Sa tingin ko naman ay wala akong pagsisisihan na sya ang tinanghal ko na hahalili sa aking hari.
Kung minahal at tinanggap nya ang aking Anak, nakasisiguro rin akong matatanggap nya ang buong kaharian.
**
Lawrence~
I still can't believe that from me being a billionaire yet just a simple person from our world will turn as the king of this kingdom Chanta. King dude, KING!
Marrying Hyacinth is all I want, I never expected this. I never want this, sino ba namang tao ang gugustuhing pumasan ng napakalaking responsibilidad? One mistake you did, all people here will blame you.
"Rence, kaya mo ba 'to? Malaking responsibilidad ang pinasa sa'yo, ano dito ka na lang? Paano yung buhay mo sa mundo natin?" Tanong ni Joshua, kaming apat lang ang nandito dahil alam ni Hyacinth na kailangan naming mag-usap na magka-kaibigan.
"Joshua is right dude. This is not just by you, promoted as the CEO of the company. This is a kingdom bro, too many people ang hahawakan mo buong buhay mo." Jacob said, seriously looking at me.
"Baka pwede ka pang umatras, sabihin mo sa Reyna o kay Hyacinth." Sabi naman ni Kyle.
"Para ano? Para nandito lang sya tapos ako nasa mundo natin? Hindi ba parang mas mahirap naman 'yon? Mag-asawa kami pero magkalayo kami? Alam nyo guys, nararamdaman ko naman ang concern nyo. Hindi ko ginusto na mangyari 'to, malaking responsibilidad 'to eh.
**