Lawrence~
Humarurot ako ng takbo ng pumutok ang baril sa ere, nasa car racing ako ngayon pero ang isip ko ay wala sa karerang nangyayari.
Malapit na'kong makarating ng finish line pero naunahan ako, wala sa sarili akong bumaba ng sasakyan ko at sinalubong ng mga kaibigan ko.
"What happened, dude? Lex defeated you?" Joshua.
"Just so you know, you've lost 100k this time Lawrence and I don't like it." Jacob.
"Wag nyo nga 'kong dramahan, wala naman talaga kayong pakialam sa perang winawaldas nyo dito eh." Sagot ko.
"Oo nga naman mga pre." Kyle.
"Pero teka nga lang ha, ilang araw ka ng ganyan. Dahil parin ba'to do'n sa Hyacinth? Pre, magising ka nga sa katotohanan. Ilang buwan na syang wala, hindi ka na nya babalikan pa dahil pinalayas mo sya." Tinignan ko ng masama si Joshua "Oh bakit? Totoo naman ah."
"Ikaw naman kasi pare eh, sabi naman sayo, nahuhulog ka na sa kanya nagbubulagbulagan ka pa." Si Jacob.
Umupo ako sa hood ng kotse ko.
"It was my mistake."
"Of course your mistake, who will be the one to blame? Kami?" Joshua said.
"I'm scared of falling for her." I looked up in the sky.
"Ngayon ka pa ba matatakot pre? Isa lang syang babae para katakutan mo." Sagot ni Jacob, kung alam nyo lang ang tungkol sa kanya matatakot din kayo.
"Tsaka pare, kapag nagmahal ka, natural lang yung makaramdam ka ng takot na baka masaktan ka ulit. Ang kailangan mo lang gawin is face your fears." Kyle.
"I don't know bro, I'll go ahead. There's something I want to see." I want to see that tree, I was hoping that Hyacinth will come out there.
Ngayon alam ko na sa sarili ko na gusto ko na sya, pagkagusto na hindi malabong hindi mauwi sa pagmamahal sa kanya.
Saan ba kasi ako natatakot? Natatakot ba'ko kasi baka masaktan ako ulit? Na baka mawala lang sya sa'kin at maiwan nanaman ako? Babalik nanaman ako sa dating gawi? O baka natatakot lang ako kasi sa oras na mahalin ko sya kailangan hanggang sa dulo na 'yon? Dahil kailangan kong ingatan ang puso nya?
Since the day that I've realized that I like her, I came here everyday hoping that I will see her again. Thank God to my cap and Ray-Ban, no one recognized me.
Nasisi ko rin ang sarili ko no'ng araw na pinalayas ko sya at pinagtabuyan, nabigla lang naman talaga ako no'n kasi nga nakikita ko si Pat sa kanya. Ayoko nang masaktan kaya ang gusto ko kung magmamahal ulit ako yung sigurado na, yung wala ng bitawan pa.
'Kapag nagmahal sila, isa lang at pang habang buhay na.'
Oh crap! I remembered that history about them loving a different person, they only love one person and it's until the end.
Pero handa ba ako? Handa ba 'kong magmahal ng isang taong hindi ko kauri? Isang taong nanggaling sa kabilang panig ng mundo?
Malulupit ang mga tao dito, paano kung malaman nila ang tungkol kay Hyacinth?
"Masisiraan na 'ko ng tuktok kakaisip sayo, Hyacinth. Please come back, let me see you again, I am taking all the risk now. Just please come back here, come back to my home, please."
**
Hyana~
"Magbigay pugay sa ating prinsesa!" Sigaw ng punong bulwa, muli kong nasilayan ang aking anak. Sugatan sya ngunit nakakaya pa nyang tumayo.
"Madali kayo at tumawag ng manggagamot! Aking anak, sugatan ka!" Hangos kong lapit sakanya.
"Ayos lamang ako Ina, wag mo akong alalahanin."
"Ang digmaang iyong ginawa ay nakaabot sa iba't-ibang kaharian, kinatatakutan ka nila aking Anak."
"Ako'y walang pakialam sa kanila Ina. Masaya na ako at nakamit ko na ang katarungan para sa aking amang hari."
"Ang ibig mo bang sabahin ay--"
"Tama kayo ng iniisip Ina, ang hari ng mga Naja ay akin nang napaslang." Natutop ko ang aking bibig.
"Syang tunay?"
"Syang tunay, Ina."
Niyakap ko sya. "Salamat Anak, mapapayapa na ang kaluluwa ng iyong Ama, ipinagmamalaki kita aking Anak."
"Nais ko na sanang magpahinga Ina."
"Sige na magtungo kana saiyong silid, magpapadala ako ng mga manggagamot doon." Hinagkan nya lamang ako at paalis na sana ng mapatigil sya.
"Anong problema, Anak?"
**