And nothing in love is free,
So if it's not worth fighting for,
It's worth nothing at all. - Anonymous
November 20, Thursday
04:00 PM
Merkley International University
Alex’ school
Sabay kaming lumabas ng classroom ni Ricky, bitbit nya ang isang malaking plastic bag.
“Bakit mo pa kasi dinala yan? Pwede mo namang iwanan sa kotse mo?” I asked him as we made our way down to the ground floor.
“Naku wala ang kotse ko bakla, tulad ng sa iyo, under maintenance. Di bale ibibigay ko na kay Selva ito.” Sinalubong nya ang isang babaeng may mahabang kulot na buhok at inabot ang supot. Nag-usap sila ng ilang minuto at nakita kong napasimangot ang babae pag-alis.
Lumapit naman sa akin si Ricky. “Tara na.”
“Ano nanamang ginawa mo at mukhang nagalit sayo si Selva.” Nagsimula na ulit kaming maglakad palabas ng building.
“Ahaha! Yun ba? Eh kasi Sabi ko hindi muna ako makakasama sa practice ngayon.” Member kasi itong si Ricky ng Drama/theatre Club ng university. I’m guessing it’s the pre-christmas presentation he’s talking about. “And don’t ask me why dahil ikaw ang nagyaya sa aking magdinner ngayon.”
Baklang to talaga, ako pa ngayon ang may kasalanan. “Di na nga ako nagtanong di ba?”
Lumabas na kami ng gate, pareho kaming walang dalang sasakyan kaya magtataxi na lang kami pauwi. “kelan ka pa lumipat sa bahay ni Xas?” Tanong nito habang nakaabang ng taxing dadaan.
“Kahapon lang.” May isang taxi na dumaan kaso may laman.
Nakita kong tumango lang ito, pasulyap-sulyap sa akin as if wanting to ask something.
“Spill it out Ricks.”
“Aha.. ha.. ha.. What made you think I wanted to ask something?” Isang taxi pa ang dumaan, may laman ulit.
Etong baklang toh, may paputol-putol pa ng tawa. “Eh siguro dahil Psychology ang course ko?”
“Ahaha, sabi ko nga.”
“Last chance Ricks, pag hindi mo pa tinanong yan, hindi ko na sasagutin.” Nasabi ko na lang dahil mukhang nagdadalawang isip pa rin itong magtanong.
“Grabe naman kaistrikto ito. Eto na nga, magtatanong na.” He took a deep breath gaining additional strength as if what he was about to ask was of great importance. “ Kumusta na kayo ni Mr. Torralba?”
Mr. Torralba? Napatigil ako, nagisip at makalipas ang ilang segundo, napabungisngis ng tawa. “Hahahahaha! Akala ko naman kung anong importante yang itatanong mo.” Hawak hawak ko pa ang sikmura ko dahil sa sobrang funny ng tanong nya. Hinila nya ako bigla sa isang gilid ng gate. Walang masyadong tao dun.
“Grabe naman makatawa ito, Scene-stealer.” Napasimangot na tanong ni Ricky.
May tumapat na itim na van sa harap namin kaya gumilid pa kami ng konti para makita ang kalsada at ang mga nagdadaanang sasakyan.
“Hahaha! Nice one Ricks! There’s no us and FYI, I haven’t seen him nor talked to him since Saturday.”
“Ah okay.” Parang frustrated nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster
RomanceBuhay.Pag-ibig.Pagkabigo.Tadhana "I want you not because of strength or power. I have enough of that. I yearn for you simply because you showed me that I am a woman in need of not just any man... only you." --- Adrianna "I want you not because of fa...