RC --- Chapter TEN

402 4 0
                                    

“Love me when I least deserve it, because that's when I really need it.” - Anonymous

November 16, Sunday

11:00 AM

Robinson’s Condominium

Alex’ Apartment

Nagising akong mataas na ang sikat ng araw. Tumingin ako sa alarm clock sa katabing bedside table. 11 am na pala. Napasarap ang tulog ko dahil na rin siguro sa pagod kahapon.

Bumangon ako at nagstretch ng konti pagkatapos ay dumiretso na ng bathroom. I felt I needed a really relaxing thorough bath. Pinuno ko ang bathtub, nagbuhos ako ng maraming shower gel dun pagkatapos ay nagbabad na.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko when I heard loud knocks on my door. “Alex!!” Boses ni Lexy.

“I’m in the bathroom Lexy!”

“Puwede pumasok?” Sana hindi na siya nagtanong kasi nakita ko na ring bumukas ang pintuan ng banyo ko sabay lapit sa akin sa bathtub. Tumabi sya sa gilid, may nakakalokang ngiti sa labi.

Whatever you’re thinking. It’s not what it is.” Pinangunahan ko na sya.

Tuluyan na syang tumawa. “You’re so defensive Adrianna Zea Castro!” Pinatong nya ang kanyang kanang kamay sa gilid ng bathtub, ihinilig ang ulo at ang kaliwang kamay naman ay naglaro ng mga bubbles.

I can feel the change in the aura she was emitting. Palagi namin itong masaya pero ngayon there was a different spark in her eyes.

“He’s back!” She exclaimed excitedly.

Napakunot ako ng noo. “Who is back?” Kinuha ko ang bath scrub at sinimulang ipahid sa aking balat.

“Sino pa? Eh di si Jacques!” Sa sobrang saya nito ay nagwisik pa sya ng tubig papunta sa direksyon ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako or maaaasar sa balita nyang hatid. Hindi na lang ako nagsalita at tinuloy ang pagpahid sa buo kong katawan.

“This time he said he’s going to stay here for good. And he doesn’t have a lot of out of the country trips so makakasama ko na sya ulit ng matagal.” Her expression as if in a fairy tale.

“O sya sya, umalis ka na muna jan at magbabanlaw ako ng katawan.” Pagtataboy ko dito. “Mamya mo na ituloy yang kwento mo.”

“Sige! Bilisan mo ha. Nakaorder na rin ako ng pagkain natin.” Tumayo na ito at naglakad palabas ng banyo. Pare-pareho kaming hindi marunong magluto. “And of course, ikukuwento mo kung bakit andito kagabi si Miguel.” Pahabol nito then she closed the door.

I reached for the stopper of the tub and removed it allowing the water to drain. Tumayo na rin ako and opened the shower. Naalala ko nanaman si Jacques. Boyfriend ito ni Lexy for how long na nga ba? Two years if I’m not mistaken, on and off nga lang.

Ewan ko ba pero mabigat ang dugo ko dito. Parang there’s something wrong with him, lulubog lilitaw kasi ang drama nya. Parang lately lang, nawala sya ng tatlong buwan kasi may business meeting daw sa China. And sa tatlong buwan na iyon, 4 times lang siguro nyang kinontak si Lexy.

And because of that, Lexy broke up with him. Pero clearly after last night, nagkabalikan na ulit sila.

Lumabas na ako ng banyo at nag-ayos ng sarili. I stepped out of my room and went directly to the kitchen where I saw Lexy preparing our lunch.

Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon