CHAPTER 40

408 16 1
                                        

CHAPTER 40

Ronier's Point of View.

Three days had passed simula nung isang linggong palugit ni sir.

"Ano nang gagawin mo?" tanong niya sakin.

Nagkibit balikat lang ako tsaka ininom ang aking gatas. Iniisip ko pa lang na sasabihin ko sakanya yung totoo. Ang hirap-hirap na masyado. Sobrang hirap, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag umiyak sya sa harapan namin kapag nalaman na nya ang buong katotohanan.

"Wala kang plano?" Tanong nya ulit.

"Wala po. It's too hard!"

"Pero dapat mo nang sabihin. Apat na araw na lang bago kayo umalis rito sa camp."

Pinaalala nya pa talaga sakin. Kainis!! Paano ko ba pagplaplanuhan ito. I mean, binigyan ko nang isa pang choice ang sarili ko. At yun ay ang payagan si sir na sabihin kay Sam ang katotohanan.

"Pupuntahan ko muna si sir Rj!" Sambit ko sabay lagay nung baso sa mesa. "Thank you po."

"Mag-ingat ka anak," nakangiting tugon nya sakin.

Nginitian ko rin sya pabalik. "Salamat pa"

Agad akong tumakbo papunta sa office ni Sir Rj. Just like I thought, andun lang sya nagkakape. Ang matandang ito, kailan kaya sya matututong turuan ng leksyon ang magaling at maarte nyang anak? Buhay mayaman ang kinalakihan ni Rose, kaya hindi ko sya masisisi sa bawat ugaling pinapakita nya sa amin.

"Hey!" Bati ko.

Napatingin sya sa akin at nilagay sa mesa ang kanyang isang baso ng kape.

"Napadpad ka ata? Sinabi mo na?"

Umiling-iling ako. "Hindi pa. Bukas na bukas ko na sasabihin sa kanya ang buong katotohanan. Kukunin ko lang sana yung picture ninyo nang barkada." Matapang kong pahayag habang tinitigan sya ng buong puso sa mata.

Tinitigan nya rin ako pero wala rin syang nagawa. Mas gwapo kaya ako at mas malakas. Hahahaha.

"Fine!"

Sinusian nya ang kanyang drawer at mula doon may kinuha syang picture frame. Kung naaalala nyo, picture pa lang nakuha ni Sam. Pero ngayon, nasa picture frame na sya.

"Siguraduhin mo lang na maibibigay mo yan sa tamang may-ari. We both know that it's not mine," paalala nya.

Agad akong tumango sa kanyang sinabi. "Oo sige! Dadalhin ko na ito," paalam ko.

Bubuksan ko na sana yung pintuan nang nagsalita sya ulit kaya agad ko din syang hinarap.

"Kapag hindi mo nasabi sa kanya bukas na bukas. Ako na lang ang.. magsasabi sakanya, Ronier." Seryoso nyang tugon habang seryosong nakatitig sa aking mga mata.

"Don't worry. Hindi mo yun magagawa," sabay ngisi.

Agad kong pinihit ang doorknob at umalis doon sa office nya. Naglalakad lang ako pabalik sa camp tsaka nagmumuni-muni na rin saglit. Iniisip kung ano ang magiging kahihinatnan nang lahat ng ito pagkatapos. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa sasahihin ko. Pero nung nakita ko syang umiyak nang dahil sa mommy nya, agad akong natakot at napayakap na lang din ako sa kanya ng mahigpit. Sobrang higpit.

**Flashback.

Kinwento sa akin ito ni papa. Halos ilang taon na rin ang nakakaraan simula nung makilala nya si mama.

Many years ago...

Nakilala na noon ni papa si mama sa school. Hindi sila magkakilala dahil na rin siguro sa kasikatan ni mama. Habang si papa naman, invisible man. Tatlo silang magbabarkadang lalaki.

Camp Royalty | Under RevisionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon