CHAPTER 41
Medyo SPG! *Q*
\\
Samantha's Point of View.
Bruuuhh ~ ang ginaw!! Niyakap ko ang aking sarili kasama ng basang-basa kong jacket.
Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama. Nakakatakot, ang dilim na rin dito tsaka hindi gumagana ang ilaw. Walang kuryente. Naghanap ako sa bawat sulok ng drawer kanina at nakakita ako nang ginamit na kandila at posporo. Tanging liwanag na lang ng buwan ang nagpprovide sa akin nang konting ilaw mula sa labas. Tss. Ang malas ko talagang tao kahit kailan. Kung bakit ngayon pa umulan!!
Napatitig ako sa labas ng sirang bintana. Juskopo, ang lakas ng ulan. Sana hindi nila ako sundan. Makakabalik naman akong mag-isa kaso nga lang nakakatakot tumawid sa hanging bridge na yun. Nakakabwisit!! Tsaka, mukhang bukas pa ako makakauwi sa cabin.
Tumayo ako at sinindihan yung kandila. Buti na lang at may relo ako palagi sa aking kamay. Umiilaw-ilaw rin kasi ito na parang isang laruan, tsaka malalaman ko rin kahit papaano ang oras.
"Ayan, may konting ilaw na." Sambit ko sa sarili sabay upo sa kama.
Napatingin ako sa kumot at futtons. Gusto kong humiga kaso basang-basa ako ngayon. Baka mabasa pa yan tapos walang mahigaan yung dalawa bukas. I want everything to be perfect for tomorrow. Kinumpol ko ang aking sarili na parang isang batang nawawalan ng nanay.
Niyakap ko ang aking tuhod tsaka napatitig sa kandilang halos mamatay na dahil sa liit ng ilaw. May mga kandila pa naman kaya lang walang glass kaya nakakatakot gamitin. Baka macremate na ako bukas! Ayokooooo >,>
Napabuntung hininga ako at pilit na nilakasan ang loob. Natatakot na talaga ako kanina pa. It's already 7:30pm and yet.. and yet, ayoko na. Mommy, daddy, tulong. Ayoko sa mga madidilim at masisikip na lugar. Para akong nasa hawla ng ibon dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Shit! I'M CLAUSTROPHOBIC for God's sake.
Nilagay ko ang aking ulo sa loob ng aking mga tuhod. Nakatalikod ako ngayon sa pintuan, bale nasa kabilang direksyon ako nang higaan. Tumulo na lang ng tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Ang mga tubig sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan, kusa na lang lumabas. Ayoko na talaga! Ayoko na, I never wanted it this way. Ayoko na po!
Magpapakabait na ako promise. Just sent me someone who could help me in my situation. Sino bang ibang tao ang makakatulong sakin? Wala. Kasi.. walang nagmamahal sakin. Yan ang pinamukha sa akin nang mundo simula nung bata pa ako, until now. Ang mga classmates ko, si sir Rj, at higit sa lahat.. si mommy.
*blaagg*
Halos lumuwa ang puso ko mula sa loob dahil sa gulat. Agad akong napatingin sa pintuan na ngayon ay nakabukas. At.. at..
May isang lalaki ang nakatayo sa harap ng pinto. May hawak syang flashlight, nakaball cap ng itim, puno ng putik ang kanyang puting rubber shoes, basang-basa ang kanyang damit na hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang tubig ulan mula doon. Nakayuko lang sya at pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.
"K-Kian?" Taka kong tanong sa isang mahinahong boses.
Dahan-dahan nyang inangat ang kanyang ulo ng tawagin ko ang kanyang pangalan. Nakabuka parin ng bahagya hanggang ngayon ang kanyang bibig dahil sa hinahabol nyang paghinga.
My God, BAKIT SYA ANDITO??!!
"A-Ayos ka lang? Bakit ka hinihingal?? Paano mo nalamang andito ako?" Sunod-sunod kong tanong.
Tinitigan nya ako sa aking mga mata nang may halong pag-aalala. His eyes, they're so --- aaggh. I can't explain. Hindi nya pinansin ang mga tanong ko. Sa halip, dahan-dahan nya akong nilalapitan tsaka ako niyakap ng biglaan.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomansaSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
